S1 - Chapter 1: Sorbetes

2.2K 53 8
                                        

LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°

"Ate, sapin-sapin po. Tatlo nalang ang natira, bilhin niyo na po lahat. Masarap po 'to," Mahinahon kong pangungumbinsi sa babaeng nakaupo sa bench. Nang makalapit na kami roon ay ipinakita ko ang maganda kong ngiti.

"Ate, hindi kayo maghihinayang. Masarap po iyan, kasing sarap ko po." Pagsingit ni Sunshine ngunit inirapan lang siya ni ate. Kaya napakapit nalang siya sa kanyang dibdib habang nag-aapoy ang mata niya sa pagka-insulto.

Umalis na kami kaagad doon nang tumanggi si ate at hinawakan ko rin nang mabuti ang kamay ni friend.

Hinila ko siya papalayo dahil randam kong makikipag-away siya dahil sa pagka-insulto.

"Sunshine?" Ani ko sa kanya nang makalayo kami.

"Kalma, okay lang ako friend." Mahinahon niyang sabi na ikinangiti ko pero bakas pa rin ang pag-alala sa aking mukha. Tinapik ko nalang ang balikat niya saka kami naglako ulit.

"Pamilyar ka sa'kin, hijo. Ano nga ang apelyido mo." Tanong sa akin ni manong nang kumbinsihin ko siya sa inilalako ko.

"Encarnacion po, manong."

"Naalala ko na. Kayo ang may-ari sa paborito kong karinderya. Kaya bibilhin ko na 'yang natirang kakanin. Nakakatiyak akong masarap iyan, hijo." Masiglang wika ni manong na lubos kong ikinasaya.

"Salamat po, manong." Sumilay ang ngiti sa aking labi nang makuha ko na ang bayad at nag-apir kaagad kami ni Sunshine dahil naubos na ang paninda.

Minabuti naming umupo sa malapit na bench para magpahinga at uminom ng tubig saglit dahil napagod din kami kakalako.

"Oh friend, naubos na ang paninda mo. Uuwi na ba tayo?" Tanong niya sa akin.

"Gusto mo na bang umuwi, friend?" Mabilis naman siyang umiling kaya napangisi ako sa kanya. Pareho kami ng iniisip.

"Ako rin, friend." Nag-apir kami.

"Punta muna tayo sa parke. Libre na rin kita ng paborito nating sorbetes bilang pasasalamat ko sa pagtulong mo sa akin." Suhestiyon ko at bigla nalang kuminang ang mata niya.

"Go ako riyan friend, para narin ma expose ang beauty ko. Dami ring boys doon." Excited na wika niya kaya napahagikhik ako. Pero sinamaan lang niya ako ng tingin.

"Nakasuporta ako sa iyong kalokohan este sa iyong kamandag na kagandahan. Tara na friend." Nang-aasar kong sabi. Gusto ko lang asarin si Sunshine sa kadahilanang natatawa ako sa facial expressions niya.

Nang akmang tatayo na ako ay bigla lamang siyang humikbi na aking ikinagulat. Kaya tinapik-tapik ko nalang ang likod niya.

"Bakit ka umiyak friend?" Nag-alala kong tanong. Tila na konsensiya naman ako sa pang-aasar sa kanya.

"Masaya lang ako friend sa sinabi mo sa akin. Maraming salamat talaga friend. Dahil ikaw lang ang taong nakaka-appreciate sa aking kagandahan," madamdaming salita niya at nagyakapan kami. Naalala niya siguro kanina ang inasta ni ate. Ako rin naman ay hindi nagustuhan iyon.

Hinahaplos ko nalang ulit ang kanyang likuran para pagaanin ang pakiramdam niya.

"Friend, hindi kaya tayo talo. Kumalas kana." Napailing nalang ako sa kanyang sinabi at mabilis na sinunod siya.

Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon