S1 - Chapter 11: Bitu

432 29 0
                                    

LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°

"Sorry. Ayos ka lang ba, Yam?" Hindi ako makagalaw na tila napako ang aking paa sa kinatatayuan ko nang magsalita ang nabangga ko.

Randam na randam ko rin ang magkabilang kamay niyang maiging hinawakan ang aking balikat. Na tila nakulong ako sa higpit ng kanyang paghawak.

Nakita kong bumuka ang kanyang bibig kaya inunahan ko kaagad siya sa kanyang bibigkasin.

"I'm super fine, okay." Agad kong sabi at sumilay sa akin ang ipinapakita kong plastik na ngiti.

Anong akala niya na nakalimutan ko na ang ginawa niya sa akin?

Hindi! Nanumbalik lahat ng sakit at dalamhati. Kaya naglakas loob akong itulak siya sa gilid at nilampasan.

"Sandali, mag-usap tayo Yam." Sigaw niya pero hindi ko nalang pinansin at mas binilisan ang paglakad.

"Yam! Pansinin mo naman ako," rinig kong sabi niya sa akin kaya lumingon ako sa kanya at binigyan siya nang matalim na tingin. Pagkatapos ay agad kong ipinagpatuloy ang mabalis kong paglakad paalis.

Manhid ba siya na parang wala lang sa kanya 'yong ginawa niya sa akin. Tapos may gana pa siyang tanungin kung ako ba ay ayos lang.

Pagkauwi ko ay dali-dali kong sinara ang pinto. Sumandal doon at agad pinakawalan ang luhang gustong kumawala.

Alas otso ng gabi natapos ang mga gawain ko sa apartment. Sobrang nakakapagod kaya umupo ako sa may sofa. Hihintayin ko nalang na dumating ang amo ko. May practice kasi siya sa basketball kaya hanggang ngayon ay wala pa.

Hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako buti nalang tumunog ang cellphone na pinahiram sa akin ni Jeremy subalit exclusive lang ito para pang-kontak sa kanya.

Alas nuwebe na pala ng gabi pagkatingin ko sa screen at may nakita akong text message galing sa boss ko.

"Mamaya pa ako uuwi, nagkatuwaan pa kami ng barkada ko. You can now sleep if you want." Ang laman ng message niya sa akin.

"Ok po boss," reply ko sa kanya at agad inilagay ang cellphone sa lamesa.

Tsk, sayang lang 'yong niluto kong hapunan.

Nilagay ko nalang sa refrigerator at iinitin ko nalang ito bukas.

Shete! Ngayon ko lang namalayang isa lang pala ang kama at naroon sa kwarto ni Jeremy.

Saan ba ako matutulog nito?

Kung doon nalang kaya sa kwarto niya. Pero napailing nalang ako.

No! Paano na ang pag-move on ko. Sa sofa nalang yata ako dahil kasya naman ako.

Isang oras na akong nakahiga sa sofa pero gising na gising pa rin ang aking diwa ni hindi man lang ako hinikab. Kahit ilang pilit kong pumikit ay hindi ko talaga magawang makatulog. Uminom na rin ako ng gatas kaso wala man lang epekto.

Kaya napagpasyahan ko munang tumungo sa may bintana. Nasa may second floor kasi itong room na nirentahan ni Jeremy.

Napakaganda palang dumungaw rito kapag gabi. Ang ganda tingnan ng mga ilaw na lumiliwanag galing sa mga gusali at bahay.

Ilang saglit lang ay napabuntong hininga na lang ako saka itinaas ang tingin hanggang makita ko na ang kumikislap na mga bituin sa langit. Kapag tinitingnan ko ito ay naalala ko ang harden namin sa bahay and it feels like I'm still at home.

Nararamdaman kong gumaan ang aking pakiramdam habang nakatingala sa maliwanag na langit dahil puno ito ng mga bituin. Agad ko ring nakalimutan nang panandalian ang problema at stress ko sa buhay.

Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon