LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°"Aray!" Napadaing ako nang naramdaman kong nakapatong na ako sa isang lalaki.
Kasalan niya ito dahil hinawakan pa niya ang aking kamay. Nahulog tuloy kami sa puno ng bayabas dahil sa lalaking ito.
Pagkatingin ko sa lalaking nadaganan ko ay wala ng malay. Malakas yata ang pagkabagsak niya kaya agad naman akong napakagat sa aking labi.
Hala ang bigat ko siguro! Aba! Nakuha ko pang magbiro ngunit hindi ko na kinaya.
Nataranta na ako at hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko na rin mapigilang maiyak hanggang patuloy pa rin umaagos ang aking mga luha.
Mabuti nalang at naka-recover na ako. Bumuntong hininga muna ako at saka sinubukang damhin ang kanyang paghinga.
Napangiti ako nang kaunti at nakahinga nang maluwag dahil humihinga pa siya.
Mabuti't buhay pa siya.
Napakagat ako ng labi dahil patuloy pa rin akong nakadagan sa kanya at mabilis akong umalis sa aking nadaganan.
Hala, nakalimutan ko palang umalis. Shete! Kanina pa pala ako sa posisyong iyon, mabuti na lamang nakahinga pa siya.
Nahiya talaga ako pero agad natuon ang tingin ko sa kanya at marahang umupo sa tabi niya.
"Gumising ka kuya?" Madamdaming sabi ko saka niyugyog nang mahina. Nagbabaka sakali akong bumalik ang kanyang malay.
Bakas sa aking mukha ang lungkot dahil hindi siya gumalaw o tumugon man lang.
Napasapo nalang ako sa aking noo dahil nga wari kong wala nga pala itong malay.
"Kung naririnig mo ako kuya, iiwan muna kita ng saglit dahil hihingi ako ng tulong."
Agad akong tumakbo nang mabilis subalit natigilan na laman ako noong may narinig akong malakas na halakhak.
Pagkatingin ko sa pinanggalingan ng tunog ay hindi ko maiwasang magsalubong ang aking kilay.
Prank lang pala yung pagkawala ng kanyang malay. Binibiro niya lang pala ako. Nakaramdaman naman ako ng kaginhawian subalit hindi ko mapigilang maiyak.
Humahagulgol ako dahil ang nangyari kanina ay nag-cause sa akin ng matinding takot.
What if may nangyaring masama sa kanya? Anong gagawin ko?
Napaupo ako habang nakayuko at nakayakap sa aking tuhod.
Hindi ako natuwa sa kanyang prank dahil hindi iyon magandang biro.
Naramdaman ko nalang na may tumatapik sa aking likod.
"Tahan na, please." Patuloy parin ako sa pag-iyak.
"Tumahan kana, crybaby." Napahinto ako sa pag-iyak dahil sa kanyang sinabi at nangunot ang aking noo. Hindi ko mawari kung bakit ako na-offend kahit totoo naman.
Tiningnan ko siya nang masama pero inirapan lang niya ako.
"Yan lang pala ang magpapatigil sa iyo." Nang-aasar siyang nakatingin sa akin.
"Lubayan mo ako," pagmamaktol ko at kita ko naman siyang napangiti.
Mas lalong umasim ang aking mukha.
"Cute mo, para kang babae." Agad akong tumayo at hindi siya pinansin.
Bahala siya sa buhay niya.
Mabilis kong nilisan ang lugar na iyon at napagdesisyunan kong umuwi nalang subalit napako ako sa aking kinatatayuan nang makita ko ang asong humabol sa akin. Napalunok ako dahil kita ko sa mata nito ang bangis.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...