Nagising ako sa ingay, Hindi ko Alam Kung saan galing iyon parang mga sigawan ng mga Tao. Bumangon ako at tinignan muna ang sarili bago lumabas ng kwarto ko.Napanganga ako ng makita ang napaka taking Tao sa labas ng bahay at nag pupumilit pumasok sa Amin. Kita ko ang hirap nila tatay sa panghaharang sa mga reporter sa labas.
"Gusto Lang naming mainterview si Ms. Feliz!" Sigaw ng Isa. Napaturo pa ako sa sarili ko ng marinig ang pangalan.
"Ako?""Wala sa sariling Sabi ko. Parang kidlat na nasa akin na ang Mata ng lahat. Nag sisi agad ako dahil mas nag Wala ang mga Tao at pilit na nilalapit ang sarili saakin.
Nag patiod ako ng hilahin ako ni edralyn sa braso at pumasok kami sa kwarto ko ulit habang sila nanay ay pilit pinapaalis ang mga Tao.Padabog nya akong binitawan.
"Ano bayung pumasok mo?!" Galit na Sabi nya. Kinuha nya ang cellphone nya at nag pipindot bago iharap saakin.
Nanlamig ako ng Makita Kung ano ang larawan na iyon, kuha Kung Paano ako sumakay sa sasakyan nya kahapon ng ihatid nya ako sa University ko. Dahil patagilid ang kuha Kaya Kita Kung Sino ang nasa loob ng kotse.
Hanggang Doon ba Naman ay nakikita ng mga Tao? Napahawak ako sa ulo ko, malaking problema Ito.
Problemado akong tumingin Kay edralyn na ngayon irita nang nakatingin saakin.
"Hindi kaba nag iisip? Malaking Tao Yan! Sikat at kilala ng lahat! Tapos dyan kapa Sama ng sama?" Gigil na Sabi nya.
Bakit ba Hindi ko Ito naisip? Kahit na Alam Kona mang mangyayare to, pero bakit ba Hindi ako nag Ingat.
"Oh! Tignan mo yang ginawa mo!!" Sigaw nya saakin, Hindi ako nag salita at nakatulala Lang habang naka tingin sakanya.
"Pero Sabi nya..."sya ang bahala. Dugtong ko sa sarili ko. Mas lalong nagalit ang muka nya.
"Oh? Nasaan sya ngayon?" Mataray na Sabi nya. Bumagsak ang balikat ko sa sinabi nya.
Napatalon ako ng marinig ang pabagsak na sarado ng pinto dito sa kwarto ko, pag tingin ko ay ang nag aalab na Mata ni tatay ang bumungad saakin.
Malakas nya akong sinampal, napahawak ako sa pisnge ko at naluluhang tumingin sakanya.
"Hindi ka babagay sakanya! Isaksak mo Yan sa kokote mo!"at dinuro nya ang sintido ko, nag bagsakan na ang mga luha ko Hindi dahil sa sakit ng sampal ni tatay kundi sa katotohanang sinabi nya.
Iniyak ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ng gabing iyon, Kaya Naman kinabukasan ay kitang Kita ang marka ng mga luha ko at namamagang Mata.
Kinakabahan akong pumasok ngayon dahil Alam Kong marami ang masasakit na salita na matatanggap ko Mula sa mga taga hanga nya.
Hinigpitan ko ang kapit sa backpack na suot ko habang nag lalakad sa gitna ng maraming Mata na nanlilisik saakin, pinanatili ko ang Yuko ko at dederetso na Sana sa room ng may hinila sa buhok ng napaka lakas.
"Ahhh!" Aray ko at hawak sa buhok na hinablot nya. Kita ko ang tatlong babae na tumatawa.
"Bagay lang sayo Yan! Impakta ka! Ilusyunada! Mangagagmit!" Sigaw ng Isa sa kanila na matangkad at makikita mo talaga ang pagiging bitch.
"Ang kapal ng muka mo no? Anong feeling mo nyan? Maganda kana?" Sarcastic na Sabi Naman nung Isa. Kumirot ang puso ko sa mga sinabi nila. Kahit kailan Hindi ko ginawa at gagawin ang mga sinasabi nila.
Ginawa ko ang lahat para pigilan ang luhang gusto ng kumawala, ayokong Makita nilang apektado ako sa mga sinasabi nila saakin na Hindi Naman totoo.
Naging ilusyunada ba talaga ako? O sadyang Hindi kolang matanggap ang sinasabi nila, ano bang feeling ko? Na magugustuhan nya ako? Alam Kona man na Hindi ako ganoong kagandahan pero bakit kailangan pa nilang ipamuka saakin.
Wala Naman akong magagawa Kung ganon ang tingin nila saakin, Hindi nila ako kilala at sa larawan Lang nila ako nakita.
Hinahanap ko Kung nasaan naba ang sinasabi mong ikaw ang bahala sa lahat..... George mag tiwala ba ako sayo?
![](https://img.wattpad.com/cover/248924638-288-k176581.jpg)