Maayos ang naging unang araw namin Doon, mabait ang mga Tao at madaling pakisamahan, pero syempre ay naninibago pa ako.Hindi Naman ako ganoong ka approachable katulad ni Jody na ngayon ay nandoon at nakikipag chikahan sa mga katrabaho namin, natatawa nalang ako dahil napaka daldal nya.
Break time namin ngayon at nakaupo ako sa lobby, walang masyadong Tao ngayon. Napaangat ako ng tingin ng may umupo sa harap ko.
"Do you mind?" Saba'y turo nya sa inuupuan nya, nag kibit balikat Lang ako umupo kana eh.
"Ah, San ka nag college?" Tanong neto, base sa nakikita ko sakanya ay ramdam Kong interesado sya saakin. Hindi Naman sa nag assume ako pero mararamdaman monaman kase talaga iyon. Hindi Naman ako manhid.
Umayos ako ng upo at binaba ang hawak na cellphone, para Hindi ako mag mukang bastos.
Sinagot ko ang tanong nya at nag kwentuhan pa kami ng about sa college bago kami bumalik sa trabaho.
Ayos Naman sya mabait at gwapo, maagaan ang pakiramdam ko saknaya, nag lalakad palang ako papalapit Kay Lily ay Hindi na nya maitago ang nanunuksong ngiti. Ramdam Kong kanina pa sya naka masis saamin.
"Oh ano?" Tanong ko sakanya.
"Ano Yung kanina don? Nanligaw na?" Excited na tanong nya, nakangiting ask saakin. Umirap ako.
"Hindi panga Tayo sumesweldo tapos jowa agad? Ewan ko sayo" sagot ko at tinalikuran sya para mag trabaho, kauna-unang araw palang tapos ayun agad nasa isip nya? Palibhasay ghinost ng ka MU nya.
8 to 8 ang pasok namin Kaya Naman ng mag 8 ay lumabas na kami ni Lily, Yung iba ay nag overtime, kanina bago ako lumabas ay pormal pang nag paalam si Ben kanina.
Palabas nako ng hinarang ako nung lalaki kanina, si Lily Naman ay nauna na at binigyan Pako ng sign na hihintayin nya ako sa labas.
"Oh? Bakit?" Tanong ko sakanya. Ngumiti Ito at nag lahad ng kamay. Taka akong tumingin dito.
"Ben, Ingat ka sa pag uwi, see you tomorrow!" Pakilala nito saakin, inabot Kona man iyon at ngumiti pabalik. Pag katapos nun ay umalis naden kami.
"Ang gwapo nun no?" Sabi ni Lily habang nag aabang kami ng sasakyan pa uwi. Tumango nalang ako at Wala ako sa mood nakipag usap ngayon dahil nakakapagod. Gusto konang umuwi at matulog.
Nag unat unat ako at tumingala, saktong pag dilat ko ay ang billboard ang tumambad saakin na may Muka ni George. Napakurap paako Wala sa sarili tinuro iyon Hindi makapaniwala.
Mukang napansin ni Lily ang tinitignan ko Kaya napatingin den sya doon, nagulat pa ako ng mas OA ang reaksyon nya kesa saakin, pinabalik balik nya ang tingin sa billboard at saakin, na akala mo ay Hindi makapaniwala.
"Nakita Mona?" Gulat na Sabi nya, taka akong tumingin sakanya.
"Kahapon kopa nakita Yan eh, dikona sinabi sayo akala ko nakita Mona den Hindi pa pala." Dagdag nya at umayos. Parang tanga to!Kumalabog ang puso ko, mukang bagong lagay Lang iyon. Ibig bang sabihin neto ay bumalik na sya?
Hindi na ako nakakapanood pa ng tv dahil nga busy ako at noon paman ay tumigil nako sa kakasubay-bay Doon dahil Wala namang akong mapapala.
Nakauwi kami ng kitang ang isip ko, naka logo at bihis ako ng maayos pero ang utak ko ang lumilipad paden sa Kung saan.
Napabuga nalang ako ng hangin.....
May chansang Makita ko syang muli.
YOU ARE READING
Am I too late? (Completed)
Storie d'amoreAko yung nauna, pero bakit ako ang nahuli?