Sobrang ingay ng music, isabay pa ang sigawan ng mga nag sasayawang tao, bakit ba kase ako pumayag payag pa na sumama dito, eh im not that party girl. I want a peaceful place like seaside.
Hinila ako ni lily sa isang lamesa na may paikot na couch, nandoon sila ben at ang kuya at ate nya, nagulat pa ako ng makitang nandoon den si morrison, iniwas ko ang paningin saknya bago bumati.
"Sorry late haha! Kamusta?" Tanong ko sakanila, sinagot naman nila ako at umorder pa ng maraming alak. May mga vodka at beer and don't know the rest.
"So para saan nga pala ito?" Tanong ko pag katapos inumin ang isang shot, tumawa naman sila at itinuro pa si Morrison na no'oy nakatitig pala saakin, parang nag bara ang lalamunan ko at kusang umiiwas ang tingin ko saknya.
"Kauuwi nya lang daw kanina eh, so parang welcome party ganon at bonding naden naten diba? Tagal na nateng hindi naka pag sama sama no." Sagot naman ni ate mielle ate ni ben, namiss ko nga sila dahil sila lang naman ang kaibigan ko.
Kumunot ang noo ko, kauuwi nya lang kanina? Eh kakakita lang namin nung nakaraan ah, ayaw nya bang ipaalam sakanila na nag kita na kami? Pilit ko nalang itinago ang pag tataka sa pamamagitan ng pag ngiti.
"Wooo!!!!! Let's dance!" Sigaw ni lily habang tumatalon talong hinihila si ben, natatawa namang sumama sakanya si ben sa dance floor at sumunod saknila si mielle kasama ang nobyo, kaya ang ending naiwan kaming dalawa ni Morrison sa table.
Okay! And the awkwardness begin.....
Tahimik lang ako umiinom habang iginagala ang paningin sa paligid, ramdam ko ang pag titig nya saakin, kaya ng hindi na ako talaga komportable ay humarap ako saknya at nanlaki ang mga mata ng makitang nasa tabi kona ito.
"A-ah, baki-t nandyan k-ana?" Nauutal na tanong ko, i saw how his lips turn to smirk, napaatras ako nang lumapit pa sya.
"Ngayon? Napapakaba kona ba ang dibdib mo?" Nakangisi man ngunit seryosong sabi nya, at literal na kumabog ang dibdib ko. What is he doing? Inilagay ko ang parehong kamay sa dibdib nya upang mapigilan sa balak nyang pag lapit pa. Ngunit mas natigilan ako nang maramdaman ang lakas ng tibok ng puso nya.
Hinawakan nya ang kamay kong nakahawak sa dibdib nya at mas diniin pa ito.
"Now, feel it, my heartbeat that shouting your name." Bulong nya, nakatitig sa mga mata ko naunti unting bumaba sa labi ko. Kaya bago panya maidikit ang labi saakin ay tumayo na ako at nag lakad palabas.
Umikot ang paningin ko at ramdam ko ang hilo, hindi naman kase ako sanay uminom, kaya naman nalalasing ako kaagad. Umayos ako ng tayo at humawak sa pader. Inalog alog ko ang ulo ko na sana ay hindi kona ginawa dahil mas nahilo ako, ipinikit ko ang mga mata at pinakiramdaman ang sarili.
Okay.... Im really drunk.
Parang dumudoble ang bilang ng baytang habang bumababa ako, natapilok pa ako at alam kong masusubsub na ako sa sahig ngunit may mga bisig ang sumalo saakin. Pilit kong inaaninag ang itsura nya ngunit sa sobrang kalasingan ay kusa den akong nawalan ng malay.
Vote!!!!