CHAPTER NINETEEN

0 1 0
                                        


I got goosebumps when george texted me and say, he's in the hospital, naaksidente sa shoot, nag mamadali akong nag bihis at agad na umalis, nang makarating sa tapat ay para akong na estatwa ng makitang puno ang entrance ng mga reporters.

Tumalikod agad ako at nag tago sa isang sasakyan, kabang kaba ako at grabe ang tibok ng puso ko, Paano Kung mahuli kami? Kung makitang mag kasama kami? Pwede Naman siguro akong mag panggap na maid diba? O Kaya nurse? Haysss ano bang gagawin ko?

"Tingin ko pupunta ang girlfriend ni george." Rinig Kong usapan ng dalawang babae sa loob ng van na pinag tataguan ko, rinig ito dahil nakabukas ng kaonti ang bintana.

"Sabagay, sa sobrang pag alala nun baka tumakbo nalang bigla at Hindi na alalahanin pa ang mga reporters." Sagot Naman ng Isa. Para akong binuhusan ng napaka lamig na tubig, Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan at Hindi na mapakali pa.

Pumunta muna ako sa isang cafe sa malapit at agad na tinawagan si Lily.

"Talaga? Eh ayos Naman daw ba sya?" Agad na bungad nya, napasapo ako sa noo ko, hindi Ito ang tamang panahon para mag chikahan.

"Tulungan mo akong mama pasok sa hospital" Sabi ko, bumuntong hininga sya sa kabilang linya.

Nag hihintay nalang ako ng text nya, dahil may Plano na daw sya Kung Paano ako tutulungan, Sana lang talaga ay maayos iyon at effective. Grabe ang kabang nararamdaman ko Lalo na ng makatanggap na mensahe Kay Lily at kasabay nun ang ingay ng sirena ng ambulansya.

Kunot noo Kong binasa ang message nya.

From: Lily
Ako Yung nasa ambulansya, Dalian mo mag panggap Kang kasama ko umiyak iyak ka ha? Dalian mo!

Mas Lalo akong kinabahan sa Plano nyang Ito, niloko nya ba ang hospital? Hayss! Bahala na nga ang importante ay makapasok ako sa kwarto ni George. Balita ko ay sa labas ng hospital lang Naman daw may mga paparazzi.

Parang walang narinig na ambulansya ang mga reporter, Kaya Naman chance Kona iyon para lumapit sa ambulance car Kita ko ang nakahigang Lily, maraming dugo ang nasa katawan nya, totoo ba Ito?

"Anong nangyare?" Kinakabahan Kong tanong, nandun din si Ben, napatalon ako ng makitang bumangon si Lily at nag peace sign pa.

"This is my plan, ate ni Ben nurse at kuya ko ang driver." Staka ako kinindatan, at tinuro ang dalawang taong binanggit. Para akong mahihimatay sa Plano nya. Mandamay pa talaga sya.

"Tabe!!!! Ang pasyente! Umalis Kayo sa daan!" Sigaw ng ate ni Ben na nurse talaga sa hospital, grabe at parang totoo Kung maka acting sya. Tumatakbk naming tinutulak ang hinihigaan ng nag sasakit sakitang si Lily, parang buhangin na nag si hawian ang mga Tao Kaya Naman SUCCESSFUL!!!!

Iniwan Kona agad sila at umakyat sa kwarto ni George, naabutan ko ang manager nya na may kausap sa phone ng Makita ako ay hinilot nya ang sintido at lumabas, Kaya Naman naiwan ako sa may benda, pasang si george.

Nangingilid ang luha ko syang nilapitan, marahan Kong hinawakan ang kamay nya.

"George? Ako to, anong nangyare? Nandito na ako." At Isa Isa ng nag situluan ang mga luha ko. Hindi ko kayang Makita syang ganyan, nag dasal ako ng please George? I can't wait to see you be okay, ano bang nangyare? Kinakabahan ako, magiging maayos kaba?

Tahimik akong umiyak sa gilid nya habang Hindi paden binibitawan ang kamay nya, bumukas ang pinto at niluwal nun ang manager nyan. Umayos ako ng upo at pinunasan ang Mata.

"I will let you be with him, but remember this, maaaring masira sya Kung ipag papatuloy nyo iyan." Istrikto, nag papaintindi nyang Sabi, bago ulit umalis. Hindi Kona napigilan ang pag hagulgol sa sakit na nararamdaman. Bakit kailangan tong mangyare?


Ganoong ba kami kalayo sa isat Isa? Tinitignan ko ang muka nya, bakit parang ang lapit lapit molang? Pero Hindi Kita maabot.

Am I too late? (Completed)Where stories live. Discover now