Napag desisyunan naming mag outing para daw iccelebrate ang mala kdrama kong buhay, mga baliw talaga, sa isang private resort lang kami may mga iba pa daw silang ininvite at wag na daw ako mag reklamo.
Naka ayos na sa long table ang samut saring pag kain na inihanda nila, nandito den sila nanay at edralyn. Sila ben at mielle, may mga pinag kakaguluhan den silang album ng mga kanta para daw may music.
Ewan ko ba kung nananadya sila kase puro kanta ni george ang pineplay nila.
Nandito den si morrison na panay ang dikit saakin na akala mo ay isang bata na ayaw mawalay sa ina, kanina pasya nangungulit at kung ano ano ang tinatanong saakin na wala namang katuturan, tinatawanan kona lang sya.
"Eh! Okay! What's your favorite subject?" Si Morrison, irap lang ang nagagawa ko.
"Hmm? What about your favorite part of my body?" Tanong nya nanakapag palaki ng mata ko, nag simula silang katyawin kami, ano ba namang tanong yan, parang may nangyare na samin at nakita kona ang buong katawan nya.
"Para kang baby." Irap ko saknya.
"Parang baby mo?" Nakangising sagot nya, uminit ang pisnge ko, what the hell?
Nag simula na ang kantahan at kainan, syempre ang pinaka maingay ay si lily nag be belly dance pa kaso nag muka lang syang nag collapse, si nanay ay nauna na sa room na nakahanda at mag papahinga nadaw sya si edralyn naman ay tawa ng tawa.
Parang ang ayos ng lahat, napaka perfect, masaya at parang walang problema na dumaan saamin, nakakatuwa silang pag masdan, nilingon ko si morrison na nakatitig saakin, kumislap ang mga mata nya ng mag tama ang paningin namin. Dahan dahan syang lumapit saakin inangat ko ang paningin ng ialok nya saakin ang kamay.
Nag aalinlangan man ay tinanggap ko ito, inalalayan nya akong pumunta sa gitna, saktong at naging slow music ang tugtog, ang iba naming kasama ay sumayaw naden sa gilid namin, kinuha nya ang kamay ko at inilagay sa batok nya, hinawakan nya ang bewang ko at sinimulang iguoy ang katawan.
Tahimik lang kaming sumasayaw, inalala ko ang lahat ng pinag samahan namin ni Morrison, kung paanong pinaramdaman nya saakin kung gaano ako kahalaga sakanya, hindi sya umalis sa tabi ko kahit na nasasaktan ko sya.
Sana ay ikaw nalang ang minahal ko Morrison...
Isinandal ko ang noo sa balikat nya habanv patuloy sa pag sayaw.
"Hindi kopa nasasabi sayo ito, feliz mahal na mahal kita. You make the cold hearted man melt, i wish you met me first, ayokong madaliin ka dahil gusto kong kusa kang mahulog saakin, pero hindi kita pinipilit, lahat nv desisyon mo ay tatanggapin ko, basta sana ay haayan mo akong iparamdam sayo ang nararamdaman ko." Malambing na bulong nya mismo sa tenga ko. Niyakap nya ako nang mahigpit na parang ayaw nyang makawala ako sakanya.
Morrison is a great man with a pure heart, he looks cold but he's so soft, i know that someday, i will learn to love you more than anything else.
