"No comment." Mahinhin na sagot ni carmel sa isang reporter at sumakay agad sya sa sasakyan, naputol doon ang panonood ko, pinatay kona ang tv at nahiga nalang sa kama.
Habang lumilipas ang araw ay mas dumadami ang taong may galit saakin, sino nga bang hindi magagalit, nakipag halikan ako sa lalaking may asawa na, mali ako, maling mali, at nag sisi na ako doon, nadala ako sa damdamin kong ito na hindi kona naisip ang tama at ang mali.
Mas lumala ang natatanggap kong mga trash talk ng fans, may mga pictures akong inedit ng may sungay at may print na *WHORE-SLUT-MISTRESS* iniiyak kolang ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Nagagalit ako sa sadili ko dahil madami ang taong nadadamay dahil sa kabaliwan kong ito. May iilang artitsta na den ang nag bigay ng opinyon nila about sa iissue, si george ay mayat mayang nasa tv dahil sa mga interviews nya.
Kinabukasan ay napag pasyahan kong umuwi na muna sa bahay namin, kila nanay, paniguradong alam na nila ang nangyare at tatanggapin ko kung ano man ang sasabihin nila saakin.
Nilakbay ko ng mag isa ang daan, hapon nang naoag pasyahan kong umalis para malamig at tahimik sa daan, wala nang masyadong dumadaan dahil gabi na, mag aalas nuebe ng nakarating ako saamin, sinalubong agad ako ni edralyn na may malungkot na ngiti.
Pumasok kami at naabutan sila nanay na nakatayo at inaabangan kami, kukuhain kona sana ang kamay nya upang mag mano ngunit nabingi ako sa sa lakas ng sampal nya, ramdam ko ang hapdi sa pisnge ko. Inangat ko ang tingin kay nanay na galit na galit ang tingin saakin, pinipigilan sya ng kapatid ko sa pag sugod muli.
"Anong nangyare sayo?!! Hindi kanamin pinalaki para maging kabit!" Nanggagalaiting sigaw nya at inabot anv buhok ko upang sabunutan, umiiyak lang akong tinanggap ang lahat ng ginawa nya, dinig ko ang awat at pag hikbi nila.
"Nang dahil lang sa lintek na pag mamahal nayan, aangkas ka sa sasakyang hindi kana kasya? Ganyan kaba ka babaw? Dahil sa lalaki gagawin mong kaladkarin ang sarili mo? Ha?! Sumagot ka at wag kang umiyak lang dyan!" Malakas na sigaw nya, kinakabahan ako dahil baka atakihin sya sa sobrang galit.
"Anak, matalino ka eh, bakit? Paanong nangyare ito? Makikinig ako feliz" nawasak ang puso ko nang lumuhod sya sa harap ko at mag makaawa para sa sa pakiwanag ko. Umiyak ako ng umiyak sa balikat nya.
"Nay! Hindi kopo Ito ginusto, mahal kopo si george , nanay! Mahal na mahal kopo sya, ayoko pong maging kabit, hindi po ako ganon, minahal kolang po sya at ayun ang pag kakamali ko ang mahalin sya, kahit na wala akong mapapala." Parang batang sumbong ko sakanya, hinagod ni nanay ang likod ko na mas nakapag hagulgol saakin.
"Nasasaktan ako nay, wala akong magawa, gusto kong mawala nalang, natatakot ako sa magiging kakalabasan ng ginawa kong ito, ayokong masira sya at ang pamilya nya pero hindi ko mapigilan ang sarili kong patuloy na umibig sakanya." Hikbi ko.
"Alam mo anak? Hindi naman masamang mag mahal ng taong may mahal ng iba, ang masama ay yung pilitin mo yung tao na suklian ang pag mamahal mo sakanya, maari mo syang mahalin sa malayo, atlis sa ganoong paraan mas maintindihan mo at mapalalaya mo ang sarili mo sa pag mamahal sakanya." Malambing na sabi ni nanay at sinuklay ang buhok ko.
" Hindi pa huli ang lahat anak, mahirap tanggapin ang nangyare sainyo pero palayain mo ang sarili mo, ayusin natin ang gusot para makaahon tayo sa pag kakalubog." Mahinahong dagdag nya at hinalikan ang noo ko.