Bakit, kahit na anong plano ko? Ako paden ang natatalo? Karma ko ba ito sa pang iisip na mag higanti sa kanila?Sa sobrang pag iisip ko ay hindi kona namalayan na nandito na pala si lily sa harap ko, nakatitig lang sya saakin, tinawagan ko kase sya at gusto ko makarinig ng payo mula sakanya, o baka gusto ko lang ng kausap at kasama, this past few days lagi kong nararamdaman na parang mag isa lang ako.
"Sorry ha? Gusto kolang nang makakasama ngayon" mahina kong Sabi, ngumiti lang sya at biglang hinawakan ang kamay ko.
"Alam mo feliz? Hindi mona man deserve na masaktan ng ganyan eh, kaya mong mag move on, kayang kaya mo pero hindi molang ginagawa, moving on is a choise, hindi naka salalay sa iba o sa sitwasyon, nasa iyo yun." Sabi nito sa nag papaintinding tono. Naiintindihan ko ang punto nya, baka nga siguro na tama sya, pero pano? Hindi ko den alam.
"Lily kung alam mo lang kung gaano ko kagusto na makalimutan sya, na makalimutan ang lahat ng nangyare, ang sakit na nararamdaman ko ngayon, pero hindi eh, hindi ko kaya, napaka hirap. Hindi ko alam kung paano lily." Masakit na sabi ko, habang unti-unting tumutulo ang luha ko. Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko at tinignan ako ng seryoso.
"Mag usap kayo, iyon lang ang tamang paraan para matapos na to, ang mag usap kayo, baka pag narinig mona ang paliwanag nya at ang dahilan ng lahat, matanggap mona at mapalaya mona den ang sarili mo." Saad nya.
Natatakot akong malaman ang dahilan nya, ang sasabihin nya, baka hindi ko makayanan, baka mas masaktan lang ako, ngunut bakit nga ba nya ito ginawa saakin?
Pinag masdan ko ang singsing na nakasuot sa daliri ko, kung anong ikinaganda neto ay kapalit nun ang sakit na to.
Talaga bang may hangganan ang kaligayahan? Naalala ko napaka saya pa namin, sa simpleng pag kikita lang ay buo na ang araw namin ngunit iba na ngayon, kungddati ay purong saya at pag mamahal ang nakikita ko sa mga mata nya, ngayon ay galit na sa tuwing makikita nya ako.
Wala naman akong matandaan na may ginawa akong mali, kasalanan bang hintayin sya? Ang umasa sa mga salitang binitawan nya saakin nung umalis sya? Ang umasa sakanya? Mali ba na hangganh nagyon ay patuloy paden ang pag mamahal ko sakanya?
Sa nangyaring pag uusap namin ni lily ay gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano, sumigla na den ako sa trabaho at kahit papano ay nakakangiti naden, masaya ako para sa sarili, ayoko na namang mag kulong sa ganto. Kailangan kong makawala sa sakit nato, hindi naman pwedeng hindi ko tulungan ang sarili na makaahon.
Kinuha ko ang cellphone ng may tumawag, kita ko ang pangalan ni Morrison, agad ko na man itong sinagot.
"Hello?" Sagot ko. Nangunot ang noo ko ng makarinig ng maingay na sigawan sa background, napatayo ako at nag aalala na.
"Morrison? Hello? Answer me!" Ulit ko. Ngunit bigla itong namatay, ramdam ko ang kaba sa dibdib, nag mamadali kong kinuha ang gamit at palabas na ng makasalubong si lily ba nag mamadali den. Hinawakan nya ako sa braso."Si Morrison, nang gugulo daw sa cafe nila george! Dali, puntahan na naten!" Aligagang sabi nito, lakad takbo ang ginawa namin marating lang ang parking, sumakay agad kami at pinaharurot ko ang kotse.
Ano bang pumasok sa isip nya at pumunta sya doon?
"Lasing sya feliz, at hindi ko maintindihan kung bakit sya nandoon, nalaman kolang den kay ben, nag wawala daw doon, puro sinasabi ang nakaraan nyo ni george" frustrated na sabi nito, sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayare.
"Hindi paba kayo nag kakausap o nag kakaliwanagan ni Morrison?" Ramdam ko ang inis sa boses nya.
"Hinde! Hinde ko pa kaya, natatakot akong masaktan ko sya!" Sigaw ko, patuloy paden sa pag mamaneho.
"Gago kaba feliz?!! Pinapaasa mo yung tao! Nag mumuka ng tanga, kun walattalagang pag asa tapusin mona!" Galit na sigaw nito, hinampas nya pa ang kandong na bag.
"Pasalamat ka nga at nagustuhan kanya!" Dagdag nya, hindi ko iyon masyadong naintindihan, hindi kona lang sya pinansin at baka madisgrasya pa kami, basta gusto ko lang makarating agad don.