Maganda ang gising ko kinabukasan, napangiti ako nang maalala ang nangyare kagabi saamin, hinawakan ko ang sariling labi at kinagat ito. Napag usapan den namin at sinabi ni george na wag akong mag alala at aayusin nya ang nangyare.
Masigla akong kumilos at nag ayos, kinalimutan mo ang lahat ng masasakit na narinig ko dahil nawala iyon sa halik ni george, napag desisyunan kong pumasok na sa office dahil wala na akong pakielamanan pa sa mga tao.
Nag drive ako papuntang office at nag park, sinuot ko ang wayfarer ko at nag lakad papasok, sinalubong ako ng guard, binati ko ito at nag patuloy, ngunit sa kalagitnaan ng pag lalakad ko ay may narinig akong nag uusap sa gilid. Hindi ko pinahalatang nakikinig ako sa dalawang babaeng may edad na na nag uusap, may kasama pa silang isang dalaga.
"Aba'y ewan koba doon, ang kapal ng muka, kumabit pa talaga!" Sabi ng naka orange na babae.
"I heard she's from poor clan, ano pang aasahan nyo? Edi poor personality gosh! Kawawang babae may itsura sana kaso kabit naman." Iling na sabi ng isa pa.
I don't want to assume pero hindi ko itatangging baka ako ang pinag uusapan nila.
"Hindi naman sumasagot sa mga tanong ang legal wife, ayaw na sigurong lumaki pa ang gulo, i pity her, she's god but her husband is not.""Kahut gaano kabait ang asawa, kung makati ang kabit wala kang magagawa, tsk, tara na nga!" Pinag masdan ko ang pag alis nila, nangiliyang luha ko, may humablot sa braso ko kaya naman napatingin ako doon.
"Diba sabi ko sayo wag kana munang pumasok? Bakit ba ang tigas ng ulo mo? It's not safe!" Galit na sabi nya at mariing hinila ako papasok sa office, padabog nya akong binitawan, hinawakan konaman ang braso kong masakit dahil sa higpit ng pag kakahawak nya.
"Why did you do that?!"mariin ngunit seryosong tanong nya na diretso pa ang pag kakatingin saakin. Nanginig ang kamay ko sa kaba at takot sa pagiging seryoso nya, i know what his talking about, and im scared to answer his questions.
"Answer me!!" Gigil na sigaw nyang nakapag patalon saakin sa gulat, ngingilid ang luhang hinawakan sya sa braso upang pakalmahin ngunit hinawi nya ako at dinuro.
"Malaki na ang issue pero mas pinalaki nyo!! Ginawa ko ang lahat para protektahan ka pero ikaw mismo! Nilalagay mo sa pahamak ang sarili mo!" Galit na galit sya at kita ko iyon sa mga mata nya. Umiling ako ng umiling habang nag babagsakan ang luha ko.
"I told you not to see him! I told you to stay away from him! To stay in your damn fucking house! But you didn't! He's the reason why you are suffering!"
Hindi ako sumagot bagkus ay humikbi lang ako, nag kabit ba talaga ako? Pero anong magagawa ko? Sa bawat gagawin ko laging sya ang inuuna ko. Pero mali ako oo, and im so sorry for that, kung nababalewala ko yung mga ginagawa nila para saakin.
Bumukas ang pinto at nag sipasukan sila Lily na agad akong tinahan, sila ben at carlo na kinakausap si Morrison, patuloy ako sa pag iyak, nanlambot ang tuhod ko kaya napaupo ako sa sahig.
"This is all bullshit!! Sinaktan kana't lahat siya paden?! Puro nalang sya, lagi nalang sya!! T*angina! Feliz! Niloko ka nung tao-*
"Mahal ko eh!!" Pinutol ko ang sasabihin nya, natahimik silang lahat.
"Mahal na mahal ko eh, na sa kasobrahan ay kahit na lubog na ako sya paden. Akala nyo ba madali saakin? Hinde! Dahil sa tuwing makikita ko sya pumapasok sa isip ko ang imahe ng asawa't anak nya! Na dapat ay ako at hindi sila!" Nabasag ang boses ko, panay ang hikbi ko, kita ko ang dumaang sakit sa mata ni Morrison.Ganito na pala ang epekto nya saakin, dahil sa sobrang pag mamahal ko saknya ay hindi kona namamalayan ang mga ginagawa ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/248924638-288-k176581.jpg)