Bagsak balikat Kung gumalaw ako, pagod na pagod ang buong katawan ko kahit na nandito lang Naman ako sa office, nakatulala ako sa bintana at natatanaw ang mini house na pinagawa. I bitterly smile, memories keep flashing to my head. And my tears are starting to fall.
How can I continue? All I feel is pain, sobra sobrang sakit.
Dalian Kong pinunasan ang luha ng may kumatok dito, bumukas Ito at iniluwa si Lily na may nag aalalang matang nakatingin saakin, iniwas ko ang Muka ko dahil sobra ang titig nya na parang tinitimbang ang nararamdaman ko. Umarte ako ng parang walang nangyare.
"Bakit? "Pormal na tanong ko, binuka nya ang bibigna parang may sasabihin ngunit tinikom den at ngumiti saakin, sumandal sya at pinag cross ang braso.
" I thought you need someone? Maybe I can apply? Let's get shopping?" Masiglang Aya nito, ramdam Kona ginagawa nya ang lahat para lamang gumaan ang loob ko pero sa ngayon ay parang Wala pang makakaalis nitong nararamdaman Kong Ito saakin.
Bumuga ako ng hangin at pilit na ngumiti, tumayo ako at kinuha ang handbag.
"Sorry Lily, all I need is rest and be alone, I'm sorry." Malungkot na Sabi ko at lumabas na, dumiretso ako sa parking at pumunta sa tabing dagat na malapit dito.
Tinanggal ko ang heels at umupo sa komportableng buhangin, tumingala at dinama ang malamig at nakakarelax na hangin, tanging hampas ng alon at hangin ang naririnig ko. Nang Hindi na namalayan ay kusa na palng tumulo ang mga luha sa pisnge.
Hindi ko maintindihan Kung bakit nangyayare saakin Ito.
Nag hintay ako ng napaka tagal ngunit bakit ang kapalit nito ay walang humpay na sakit? Bakit napakadaya ni kupido at pinana ako sa maling Tao?
Iniyak ko ang lahat ng sakit na nararamdaman, akala ko sa pamamagitan nito ay mawawala ang bigat sa dibdib ko ngunit Hindi pala, kahit na maubos pa ang luha ko ay Hindi mawawala ang katotohanang meron na syang Isa.
Dati ay bumubuo kami ng mga pangarap na aabutin naming dalawa, pero habang akoy nag dudusa sa kakahintay sakanya bumubuo na pala sya ng panibagong pangarap kasama ang bagong babae sa buhay nya.
I can't believe he can do that to me, I just thought how much he loves back then, pero kahit pala gaano ka nya kamahal, Kung may Makita syang iba maiiwan at maiiwan ka.
Dinig ko Mula dito ang mga yapak ng paa papalapit saakin, Hindi ako gumalaw, dahil Alam Kona Kung Sino Ito. Everytime na gusto Kong mapag Isa lagi syang dumadating.
Umupo Ito sa tabi ko at tinukod ang kamay para makaayos sya ng tingin sa araw na lumulubog na. Walang emosyon nya akong pinag masdan na lumuluha.
"Hindi ako mag sasalita, sasamahan lang Kita." Totoo nga at tahimik langssya hanggang sa mapag desisyunan Kong umuwi na, hinatid nya ako hanggang pinto ng condo. Inilagay nya ang kamay sa bulsa at tinignan ang namamaga Kong kamay.
"Hope to see you okay." Mahinang Saad ni Morrison bago ako talikuran. Wala akong ginawa kundi ang tumulala at mag Muni Muni sa paligid, tanging tunog ng aircon ang naririnig at matatayog na building sa labas.
Biglang pumasok sa isip ko ang kausapin at kitain sya, ngunit para saan pa? Para mas lalong saktan ang sarili ko? Ipamuka na talagang pinag hintay nya lang ako? Kase Kung talagang may konsensya sya, sya mismo ang unang kakausap saakin.
Bago pumikit at matulog, may Isa pa akong naisip na dumabagabag saakin, Hindi ko Alam Kung Tama ba Ito, pero Alam Kong Mali.
Mag higanti.
