Nakabalik na kami sa manila ngunit hindi paden nawala sa isip ko ang halik nyang iyon, wala akong pinag sabihan kahit na ang pinaka matalik kopang kaibigan na si lily, alam kong mali oo maling mali. May asawa sya at matagal nang tapos ang relasyon namin.Balik trabaho ako ngayon, marami rami ang pinirmahan ko at binasang papeles, may mga meetings den akong inatendan, kaya naman pag kauwi ay pagod na pahod ako, hindi na ako nakakain pa at diretso tulog na agad.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at paulit ulit lang ang ginawa ko sa trabaho, pag kauwi ay matutulog den agad, lunch at kontings snacks lang ang laman ng tiyan ko lagi, kaya naman kapansin pansin na lantang lanta ako at halatang stress at pagod.
"Drink this." Si Morrison sabay baba ng isang bottled water sa desk ko, inangat ko ang tingin saknya, naka itik syang suit mukang galing sa trabaho. Binuksan ko iyon at nakatingin paden sakanyang ininom iyon.
"Thanks! Anong ginagawa mo dito?" Tanong sakanya at ipinag patuloy ang ginagawa.
Hindi sya sumagot ngunit ibinaba nya ang cellphone sa harap ko kung saan naka play ang isang news.Tᴠ ɴᴇᴡs
𝑡𝑟𝑒𝑛𝑑𝑖𝑛𝑔 𝑛𝑔𝑎𝑦𝑜𝑛 𝑠𝑎 𝑠𝑜𝑐𝑖𝑎𝑙 𝑚𝑒𝑑𝑖𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑖𝑡𝑟𝑎𝑡𝑜 𝑛𝑔 𝑑𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑡𝑜𝑟 𝑛𝑎 𝑠𝑖
𝑀𝑟.𝑔𝑒𝑜𝑟𝑔𝑒 𝐺𝑢𝑖𝑙𝑙𝑒𝑟𝑚𝑜, 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑦 𝑘𝑎𝑠𝑎𝑚𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑏𝑎𝑒 𝑠𝑎 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑘𝑎𝑡 𝑛𝑎 𝑎𝑚𝑢𝑠𝑒𝑚𝑒𝑛𝑡 𝑝𝑎𝑟𝑘 𝑛𝑜𝑜𝑛𝑔 𝑠𝑦𝑎 𝑝𝑎 𝑎𝑦 𝑛𝑎𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑑𝑢𝑠𝑡𝑟𝑖𝑦𝑎 𝑛𝑔 𝑝𝑒𝑙𝑖𝑘𝑢𝑙𝑎, 𝑎𝑡 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑛𝑔𝑎 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑎𝑙𝑎𝑟𝑚𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑟𝑎𝑚𝑖ℎ𝑎𝑛
𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑓𝑎𝑛𝑠 𝑠𝑎 𝑠𝑢𝑚𝑢𝑛𝑜𝑑 𝑛𝑎 𝑙𝑖𝑡𝑟𝑎𝑡𝑜.at may ipinakita pang isang litrato, ramdam ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko, kaming dalawa iyon ni george, sa loob ng mini house, nakalapat ang labi nya sa aking noo at may kahawak ang kamay namin. Hindi ako makapaniwala na sa tagal nang panahon ay ngayon pa talagang may kanya kanya na kaming buhay.
𝑎𝑛𝑜 𝑛𝑔𝑎 𝑏𝑎 𝑖𝑡𝑜? 𝐴𝑙𝑎𝑚𝑖𝑛 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔 𝑏𝑎𝑏𝑎𝑙𝑖𝑘 𝑛𝑔 𝑁𝑒𝑤𝑠 𝑡𝑣!Tinago ko ang nanginginig kong kamay sa ilalim ng lamesa, takot akong tumingin kay Morrison na no'oy nakatitig sa reaksyon ko. Tumayo ako at nanginginig na lumapit at kumapit sa braso nya.
"Anong gagawin ko?! Natatakot ako
Morrison" mangiyak ngiyak kong sabi sa takot na tono, aligaga akong nag pabalik palik sa kinatatayuan ko, lakad ako ng lakad at hindj mapakali, sobra ang kabang nararamdaman ko."Paano? Paano kung mag kaproblema? Paniguradong talo ako, natatakot ako!" Malakas na sabi ko, at unti unting bumuhos ang luha sa mata ko, napaupo ako sa sahig, ramdam ko ang yakap ni Morrison saakin.
"Shhh... I will not let anyone hurt you, understand? Im here, always." Bulong nya mismo sa tenga ko at ramdam ko ang pag halik nya sa tuktok ng ulo ko.
Lumipas ang araw at masyadong umingay ang balitang iyon, marami ang lumabas na pictures namin noon na patagong nag kikita, inaasahan kona ito noon ngunit hindi ko akalaing ngayon pa talaga.
"Grabe ang harsh nila ha! Nakakagigil, akala mo naman may mga alam!" Sigaw ni lily sa mismong cellphone nya, nag babasa kase sya ng mga bad comments about saakin, curious ako Doon ngunit alam kong pag nakita ko iyon ay masasaktan lang ako.
"Eh! Bakit ba wala pang ginagawa yang si george nayan ha? Edi ang lagay ikaw lang ang dehado? Tignan mo nga kung ano ano nang nangyayare sayo!" Galit na sabi ni edralyn saakin, nandito sila ngayon sa unit ko, pero wala sila nanay.
"Baka busy sya" mahinang sagot ko, rinig ko ang pag singhapan nila at iba't ibang reaksyon.
"Ate naman! Wag monang ipag tanggol! Ayan kana naman eh! Lagi nalang ikaw ang dehado! Maawa kana man sa sarili mo!" Sigaw ni edralyn, hindi ako sumagot.
Sa sobrang galit ng mga fans nya ay kung ano ano na ang natanggap ko na masasakit na salita, may minsan pang paakyat na ako sa office ng may humablot sa buhok ko, nahagisan ako ng kung ano anong pag kain. Pero ayokong ipaalam kay george, ayokong alalahanin nya pa ako.
𝑝𝑎𝑝𝑎𝑛𝑠𝑖𝑛 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑦𝑎𝑛
𝑝𝑎𝑠𝑖𝑘𝑎𝑡!!
𝑦𝑜𝑢𝑟𝑒 𝑎 𝑤ℎ𝑜𝑟𝑒; 𝑎𝑡𝑡𝑒𝑛𝑡𝑖𝑜𝑛 𝑠𝑒𝑒𝑘𝑒𝑟!
𝑘𝑎𝑑𝑖𝑟𝑖 𝑘𝑎! 𝑀𝑎𝑛𝑔𝑔𝑔𝑎𝑚𝑖𝑡 𝑘𝑎!
𝑓*𝑐𝑘 𝑦𝑜𝑢 𝑏𝑖𝑡𝑐ℎ!
Tanging iyak lang ang nagagawa ko, wala akong laban, at natatakot ako na baka pag sumagot ako sa lahat ng tanong nila ay maging dahilan para masira si George at ang pamilya nya.
Vote!! Thank you!!!