CHAPTER TWENTY EIGHT

0 1 0
                                    


Takbo na ang ginawa ko dahil sa sobrang kaba at pag aalala sa kung ano ang nangyayare sa kanila doon, baka mamaya ay nag kakasakitan na sila. At wala akong ibang sisisihin kundi ang sarili ko.


Nakasunod lang saakin si lily na alam kong masama ang loob saakin ngayon, nanlaki ang mata ko ng makitang hawak hawak ni Morrison sa kwelyo si george, marami ang nanonood at kira sakanila ang takot.


Mas binilisan kopa at agad na pinag hiwalay ang dalawa.

"Ano bang nangyayare sainyo!?" Pasigaw kong tanong, pumagitna ako sa kanila at kita ko ang matalim na titig nila sa isat isa, padabog na inayos ni george ang nalukot na kwelyo at galit na inilipat ang tingin saakin.

"Pwede bang pag sabihan mo yang alaga mo! Bigla biglang nanunugod!" Galit na sabi nito sa mismong muka ko, nakaramdam ako ng takot dahil sa tono nya at inis dahil sa kagagawan ni Morrison.

"Fuck you! Layuan mona si feliz, gago ka may asawa't anak kana, pero kung maka asta ka ay parang wala! Alam ba ng asawa mo yang mga pinag gagawa mo ha!? O sadyang balewala na sa asawa mo?" Nangiinis na sabi ni Morrison, tumawa tawa pa sya, hinawakan ko agad sya sa braso ng makitang nawawalan na sya ng balanse.

" Ano ba! Tumigil kana, lasing kalang eh! Tara na!" Sabi ko dito at tinignan naman nya ako at ngumiti ng maganda at parang sayang saya sya na nandon ako sa tabi nya.

"Oh? Feliz! Himala at ako ang kinakampihan mo? Akala ko kase bubuntot kana naman kay george eh, wala na naman yang pakielamanan sayo, hayaan mona yan!" Tunog lasing nyang sabi na, nag pakirot sa puso ko, para akong sinampal ng katotohanan, napalingon ako kay george na nakatitig saakin. At parang inaalam ang iniisip ko.

Humigpit ang kalit ko sa braso ni Morrison, kung pahihiyain nya lang ako ay umalis nalang kami.

"Please Morrison, ayoko ng gulo!" Mahinahon kong sabi at pilit hinihila sya, ngunit nag pumiglas sya.

"Ano feliz?! Sya paden? Sya na naman? Sya ulit? Putcha naman, ano ako? Ha?" Ramdam ko ang sakit sa tono ng boses nya, at ang pag pipigil nyang wag maluha, kinagat ko ang labi ng maramdaman ang init ng gilid ng mga mata ko sa nag babadyang luha.

Gusto konang umalis dito..

"Ako na dapat eh, eh bakit ba bumalik kapa? Nag pakita kana naman, bumalik kana naman, hindi kapa ba nadadala? Ano? May pamilya kana, tigilan mona si feliz!!'" galit na sigaw nya kay george na nakatitig lang sakanya, kumunot ang noo ko, ano daw? Bumalik kana naman? Ano ibig nyang sabihin?

Kaba at pag tataka ang nararamdaman ko ngayon, ano bang pinag sasabi nya?
Nalilito, dahan dahan kong nilingon si george na ngayon ay nasa akin din ang paningin, alam kong kita nya ang pag kakalito ko.

"A-anong ibig nyang sabihin?" Nag mukaiiyong bulong ngunit narinig nya den naman, natatakot ako sa maari nyang isagot.



"I came back, 2years after i left, binalikan kita, masayang masaya ako at excited, but when i saw you with him" sabay turo nya kaymMorrison na ngayon ay tahimik.
"I felt betrayed, pero alam kong hindi mo magagawa yun, kase diba ako lang? Baka may nangyare lang kaya kayo mag kasama, pero that night nakipag kita sya, kinausap nya ako alam mo kung ano ang sinabi nya? You two are officially dating, tapos na tayo, at move on kana saakin dahil sakanya, napagod kana daw at hindi mona ako kayang hintayin pa." Keento nya na nag pa bilis ng tibok ng puso ko kasabay ng pag agos ng luha ko. Parang may sariling buhay ang kamay kk dahil lumipad ito sa pisnge ni Morrison.
Galit ako, galit na galit, bakit nya ginawa iyon saakin? Anong kasalanan ko? Nag hintay ako ng pag katagal tagal sa wala?

"At anong ginawa mo naniwala ka? Naniwala ka ng hindimmo kinukumpirma saakin?!" Galit na sigaw ko sakanya.

"Anong sa tingin mo ang gagawin ko? Hindi maniwala? Eh kung mag sama kayo ay dinaig nyo pa ang closeness ng mag kaibigan!" Sigaw nya pabalik saakin, putcha sya! Napaka tanga nya para mag desisyon ng hindikkinukumpirma kung tama ba! Patuloy paden ang pag agos ng luha ko, wala akong pake sa mga taong nanonood.


"George hinintay kita! Wala akong ginawa kundi hintayin ka! Tapos ganto? George naman!" Iyak ko, iniwas nya ang tingin at sa isang iglap lang ay nasa harap kona sya at nakakulong nako sa mga bisig nya. Matagal kona tong hinihintay, ang makayakap syang muli, makalapit sakanya, mahagkan sya.

"Maniwala ka hinintay kita..." Bulong ko, ramdam ko ang higpit ng yakap nya.

"Im sorry feliz, kung sana kinausap muna kita"sabinnya at hinaplos ang buhok ko, ramdam ko ang pag halik nya sa bunbunan ko na nakapag pa iyak saakin.

"George.." tawag na nakapag hiwalay sa amin mula sa pag kakayakap, kita ko ang sakit, lungkot at gulat sa mga mata nya na nakatingin saaking dalawa, nanginginig ang labi syang tumalikod, hindi ko alam ang gagawin ko na tameme lang ako, susunod na sana si george ng hawakan ko ang kamay nya.

Nakikiusap kosyanv tinignan, ngunit dahan dahan nyang kinalas ang pag kakahawak kp saknya, na syang dahilan ng pag tulo ng mga luha ko. Wala syang sinabi ngunit kita ko ang pag hingi nya ng tawad base sa tingin nya saakin at walang pasabi nya akong tinalikuran at sinundan si carmel.

Lumuluha kong pinag masdan ang pag laho nya...

Am I too late? (Completed)Where stories live. Discover now