Bumalik na muli ako sa manila, its been weeks at pilit kong kinakalimutan ang mga nangyare, dahil ayoko nang umasa pang muli, masasaktan at masasaktan lang ako sa huli.Alam kona man na una palang ay wala na akong laban, kahit na anong gyera ay wala akong laban at uuwi akong talo lalo na at si George ang premyo.
"Good morning ma'am! Pinatawag nyo daw po ako?" Bumalik ako sa wisyo ngbumukas at bumungad saakin ang manager ng amusement park, nandito ako ngayon sa office at inaayos ang mga dapat na ayusin, at mas ginagawang safe ang bawat rides.
"Hmm, katulad ng nung napag usapan naten? Yung bagong rides na pinapagawa, lahat ng mga kailangan maayos naba? Kumpleto na?" Tanong ko dito at kinuha ang mga papel at inabot saknya.
"Okay na po ma'am!" Nakangiti nyang sagot at lumabas na. At nang matapos na ang mga trabaho ko ay napag pasyahan kong bago umuwi ay dumaan muna sa isang bar, i just want to have some little fun, and drink. Kaya naman umalis na ako at dumiretso sa pinaka malapit na bar dito.
Sinalubong ako ng malilikotna ibat ibang ilaw at maingay na hiyawan ng tao na sumasabay sa malakas na musika at amoy ng ibat ibang klase ng alak, parang gusto kona tuloy mag back out sa planong ito. I really not into this.
Humanap ako ng komportableng upuan, at nang makita ang dami ng tao ay napag desisyunan kona sa counter nalang pumwesto. Ngitian naman ako ng mga bartender."Hmmm, actually this is my second time here so i dont know much about drinks" nahihiya kong sabiaat binigyan naman nya ako ng *its okay smile*
"So? Broken hearted o complicated?" Nagulat pa ako sa tanong nya, i look at him confused, bago mag isip, hmm ayoko namang umamin na may dinadamdam ako kaya ang sinagot Kona lang ay complicated, staka sya nag alog alog ng kung ano ano doon at binaba ang isang glass ng what is this? Mukang nabasa nya ang reaksyon ko kaya sinabi nya ang tawag sa inumin na iyon.
"That's strawberry Daiquiri" patukoy nya sa kulay pink na inumin na may strawberry na nakalagay sa nguso ng baso. Tumango tango naman ako bago dahan dahang inumin.
Ows?! It taste good, ngumiti ako aa bartender bago igala ang paningin sa kabuunan ng lugar. Maganda ang interior, mga gamit at maaliwalas kahit na marami ang tao.
Habang inilikibot ang paningin ay nahagip ng mata ko ang isang lalaki na naka black polo, nakatayo sa second floor or vip, nakayuko sa railings at diretsong nakatingin mula dito saakin. Kumalabog ang puso ko nang makilala ang mga matang iyon. Sinundan ko sya nang tingin habang sya ay bumababa at nang mag kaharap na kami.
"Morrison." Naiusal ko. Malalim ang pag kakatitig nya saakin, na parang inaalam ang nararamdaman ko ngayon.
" I didn't expect to see you here." Malamig na sabi nito, wala paring reaksyon ang muka nyang nakatitig saakin, nag pilit ako ng tingin. Matagal na din noong nakita ko sya, at ngayon kolang nalaman na nakabalik na pala sya. Akala ko ay mag sasabi sya saakin kung kailan sya babalik.
Umupo sya sa tabing silya at sumenyas at binabaan sya ng basong may lamang alak.
"Bakit hindi ka nag sabi na nakauwi kana pala?" Pang babasag ko aa katahimikan, kita ko ang pag lunok nya ngunit hindiaako nilingon.
"Hindi ko alam na may pakielam ka pala?" Sabi nya, hindi ito tunog sarkastik ngunit, tatamaan ka talaga. Hindi naman ako nakasagot.
"At kung tatanungin moko kung bakit ko ginawa iyon? Ang harangan si George? Pwes, gago sya, at sa sobrang gago nya ay hindi ka nya deserve." Halata ang galit sa tono ng pananalita nya. Kunot noo ko syang pinag masdan.
"Ano bang nangyayare sayo? Hindi kita maintindihan eh! Bakit ba nag kakaganyan ka?" Inis na tanong ko saknya. Peke syang tumawa at umiling iling.
"Magiging maayos naman eh! Kung hindi mo ginawa iyon magiging okay ang lahat!!! Ang hindi ko maintindihan bakit kailangan mong mangiela!!!" Sigaw kp dahil hindi kona napigilan. Ang labo nya, ang rason nya at sya ang napaka labo!"Nangingielam ako dahil mahal kita!!!" Nagulat ako sa pag sigaw nya, pero lamang sa sinabi nya. Mahal? Lumingon sya saakin gamit ang galit na mata.
"Sa sobrang pag mamahal ko sayo ay hindi ko na namalayan na nangeneelam na pala ako sa relasyon nyo! Alam moba kung gaano ako nag sisi? Kase sa ginawa kong iyon ay mas lalo kang nasaktan, at ang masaktan ka ay parang pinapatay na ako."Lumaglag ang panga ko ng makita ang luha sa pisnge nya. Umiiyak sya.
"Habang ikaw ay nag hihintay saknya, ako ay hinihintay kung kelan dadapo ang pangin mo saakin, kahit minsan lang, kahit sandali lang." Dagdag nya sa basag na boses. Nangilid ang luha sa mata ko habang pinag mamasdan sya.
"Kaya sana wag mong isisi saakin ang lahat, oo may mali ako at inaamin ko iyon, ngunit hinding hindi ko iyon pinag sisisihan dahil kung talagang mahal ka nya, kahit na may ebidensya pa, ikaklaro nya mismo sa iyo iyon! At hinding hindi ka nya pag hihintayin ng ganoong katagal. Dahil ako hindi ko kayang gawin kahit na segundo lang iyon." Sabi pa nya at tinalikuran na ako.
Napatulala ako sa mga salitang binitawan nya.
Tama ba sya? O ayaw kolang tanggapin na tama nga sya.