CHAPTER TWELVE

0 1 0
                                    

Iniisip ko ang mga pwedeng mangyare sa pag babalik nya, nang nalaman ko iyon ay agad akong nanood ng balita at binuksan ko ang social media accounts ko. Tama nga at nandito an syang muli, kababalik nya Lang dalawang linggo na ang nakalipas balik showbiz sya kaagad.


Ang Sabi sa article na binabasa ko ngayon ay nag punta syang Italy. At Wala ng iba pang paliwanag.

Lumipas ang panahon at hanggang ngayon ay sikat at hinahangan paden sya ng lahat, mas rumami panga ngayon e.

Ibig sabihin ba nito, talagang Wala ng pag asa?

Winala ko muna iyon sa aking isip dahil nasa trabaho ako ngayon at ayokong masita ng manager namin dito at kabago-bago kopalang.

"Saba'y Tayo mag lunch?" Hindi na ako nagulat pa ng biglang sumulpot sa tabi ko si Ben, sa ilang linggo Kona dito ay mas nakilala ko sya at naging mag kaibigan na den kami.

"Sige." Tanging sagot ko, umalis na agad sya pag tapos ako Naman ay may kailangang linisin sa isang room dahil may bagong guest na gagamot noon, umakyat naako dala ang mga kailangan ko. Isa itong presidential room.

Ng matapos ko nang makinis ang lahat Doon ay balak Kona sanag lumabas ng biglang bumukas ang pinto at bumungad ang isang taong matagal konang Hindi nakikita. Parehong gulat ang makikita saamin.

"George..." Bulong ko, gulat syang nakatingin saakin. Nakatayo sya sa harap ko at Hindi malaman ang gagawin Muka syang pagod.


"Feliz." Hindi makapaniwalang tawag nya saakin, napapikit ako ng marinig muli ang kanyang boses. Naaaliw ako sa boses nya.

"Nakabalik kana pala." Sabi ko, masyadong tahimik, ngunit Tama ba na iyon ang sabihin ko? Hindi ba masyadong halatang Wala akong masabi?


Nakita ko ang pag lunok nya at guilt sa mga Mata nya.
"Oo, ikaw? Dito ka nag ta trabaho?" Balik nya. Tipid along ngumiti at tumango. Nakita Kong binuka nya ang bibig na parang may sasabihin pa ngunit may pumasok na isang lalaking nasa mids 30 na. Siguro ay manager nya, Hindi man Lang nito ako tinignan at dumiretso sa loob.

May kinalikot dito sa cellphone bago humarap sa Amin, tinuro nya si George.
"Rest, tommorow you have hectic sched."istrikto ang tono nito. Tumango si george at hinarap ulit ako. Walang pasabi na tinalikuran ko sya at lumabas na.

Staka Lang ako nakahinga ng maluwag, totoo bang sya iyon?
Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok nito,  bakit ba Hindi Ko tinignan ang logbook? Nakakainis!

Nakatayo paden ako Doon, at hahakbang na Sana paalis ng marinig ang usapan nila sa loob dahil Hindi nakasara ang pinto.

"Is that the girl? I told you many times! Stop seeing her! It will cause you a big trouble again!" Sabi ng kanyang manager. Parang sinilaban ng apoy ang puso ko sa hapdi nito.

Ayoko mamg aminin pero bakit nasasaktan paden ako kahit na Alam Kona man na ako talaga ang dahilan ng lahat?


Matagal na panahon na iyon pero bakit ang sakit sakit padeng tanggapin na Hindi kami pwede? Na malabo?

Am I too late? (Completed)Where stories live. Discover now