Mga ilang minuto kaming tahimik, pinag mamasdan ang lugar kung saan nag simula ang lahat, nakaupo kami sa bench katapat ng mini house, walang tao, kaming dalawa lang, maliwanag, makulay, at masarap pag masdan, nilingon ko si george na ngayon ay parang malalim ang iniisip na nakayuko."George?" Tawag ko saknya, hinarap nya ako ngunit walang reaksyon ang muka nya. Huminga ako ng malalim at ngumiti ng matamis sakanya.
"Natatakot akong malaman ang dahilan mo, pero gusto kong malaman, bakit?" Malumanay na tanong ko, kumikislap ang mga mata nya ng marinig ang tanong ko.
"Naguguluhan kase ako eh, hindi ko alam kung kailan koba masasagot lahat ng tanong na bumabagabag sa utak ko." Kunwaring tawa ko, pilit kong pinapanatili ang ngiti sa labi ko kahit ang hirap hirap. Pinag masdan ko ang mga kamay kong mag kahawak. Suminghap Sya at rinig ko ang buntong hininga nya.
"You make me wait, all my life i keep on waiting for you, tapos babalik ka na parang wala kang naiwan dito? Na may pamilya kana?" Mahinahong sabi ko, wala akong narinig saknya kundi ang pag singhap.
"Wala akong ibang inisip kundi ikaw, 6 years with no communication nagalit ako Oo!, Gustong gusto kong mag higante pero wala eh" tunuro ko ang puso ko.
"Nandito paden eh, nandito kapa den, pag nag higante ba ako? Babalik ka? Wala den akong mapapala." Nag simulang uminit ang gilid ng mata ko, ramdam ko ang pag babara ng lalamuna ko."Pero george iwwant to know why? Bakit? Paano? Bakit mo nagawa sakin to?! Dapat ako siya eh! Dapat ako yung nandoon, dapat tayo yung nag pakasal!, Kase george ako yung n-nauna... You promise me a massive impact to my life..." Tuluyan nang bumuhos ang luha ko, napaka hirap huminga lalo nat kasama ko sya, parang sinasaksak ang puso ko sa bawag salitang binitawan ko.
"Umuwi ako feliz, galing sa malayo, mahabang biyahe at bubungad saakin ikaw, ikaw! Na kasama si Morrison, you two look happy, my heart break when i saw how he look at you, kung gaano ka ka komportable saknya." Bakas ang sakit sa boses nya ng sabihin nya iyon.
"Gustong gusto kong tumakbo at hagkan ka, angkinin ka, itago ka sa likod ko, isigaw sa buong mundo na ikaw ang babaeng mahal ko, but how can i? All that ihhave, i can surrender it all just for you, i want to be with you. Pero masakit na makita ka na parang nakalimutan muna ako." Pumiyok ang boses nya, bakas ang hirap sa mga mata nya nang tignan ako neto.
"Every night, i always ask myself, am i not enough? Enough to make you wait for me?" Yumuko sya sa mga tuhod, rinig na rinig ko ang hikbi nya na nakapag pakirot ng Todo sa puso ko, ang hiral nyang tignan nang ganyan.
Hinintay kita george, wala akong ibang ginawa kundi ang hintayin ka.
"Gusto kong ako ang kasama mo sa bawat pag abot mo ng pangarap mo, napaka sakit feliz, mahal kita kaya sobrang sakit." Lumuluha ko syang pinag masdan, na parang batang umiiyak sa mga palad nya.
"Pakiramdam ko, binalewa moko, na niloko moko ipinag palit sa iba!" Sabi nya sa isang galitna tono, kumunot ang noo ko.
"Galit na galit ako na ginawa ko ang lahat para makalimutan ka! Masaya ka saknya kaya dapat masaya den ako!" Kumirot ang puso ko.Tumayo ako at hindi makapaniwalang tumingin sakanya, hindi ko lubos maiisip na ganon sya. Nag tanim ng galit sa walang kwentang dahilan.
"George do i deserve this?! Ha?!" Sigaw ko saknya, bakas ang gulat sa muka nya, nakita ko doon ang takot at pag sisisi, nangilid ang luha ko syang pinag masdan habang nakatingala sya saakin.
"Kase kung hinde? Bakit?! Paanong sa isang sabi lang ay iniwan moako! Kinalimutan! Pinalitan! Nang walang kumpirmasyon saakin?!" Sigaw ko at humagulgol sa harap nya, tumayo sya at sinubukan akong hawakan ngunit tinabig ko ang kamay nya, namutla sya sa ginawa ko.
Sobrang sakit, na sa maliit na dahilan nagawa nya akong pag hintayin ng ganoong katagal.
Luhaan ko syang tiningala, inilagay ko ang kamay sa dibdib, hindi ko kaya ang ganitong kasakit na eksena.
"Sana naman, kahit ngayon lang, ako naman sana yung inisip mo, sana tinanong mo muna ako, sana nung bumalik ka tinanong moko if im okay, kase lubog na lubog na ako, kase kahit gaano kasakit saakin na makita ka, okay lang bast masilayan ka." Hirap na hirap na sabi ko, hindi ko mapigilan ang luha ko sa pag buhos.
"Matapos ang anim na taong pag hihintay, ngayon ay kailangan kitang palayain." Mahinang sabi ko, niyakap nya ako gusto kong mag pumiglas pero nanghina na ang mga kamay ko.
"Im so sorry, patawarin mo ako, sorry." Paulit ulit nyang bulong, mahigpit ang yakap nya.
Ako ang kusang kumalas sa yakap, kinalma ko ang sarili bago ngumiti saknya."Sorry den, alam kong nasaktan kaden, pero geory alam mobang wala akong ibang hiniling kundi ang maging masaya ka? Ngayon ay natupad na iyon, halata naman eh, I'm happy for you." Seryosong sabi ko ngunit nakangiti, sinuklian nya ako ng ngiti.
Wala tayong ibang magagawa, sa lahat ng bagay ay maaari kang masaktan, ngunit ang tangi molang dapat gawin ay ang humingi ng tawad, at ang mag patawad.