Tila kusang bumagal ang oras at pag takbo ng lahat, kita ko ang gulat sa mga mata nya habang ito'y naka tingin saakin, salamat sa mga ilaw na syang nag bibigay liwanag sa pag tatagpo ng mga mata namin.
Hindi ko lubos akalain na sa oras na to ay makikita ko sya, dito pa talaga kung saan nag
simula ang lahat...Nakaupo ako dito sa bench, madilim na at kita ang ganda ng mga ilaw sa paligid, nandito paden ako sa amusement park, hinhintay si george na nag paalam bumili ng makakakin namin. Kita ko ang pag lapit nya at inabot saakin ng coffee, tinanggap konaman ito at naupo sa sa tabi ko ngunit may distansya.
Sabay naming pinag masdan ang lugar kung saan kami nag ka kilala, tahimik lang kami, ngunit sa mga oras nato ramdam ko ang kabog sa dibdib ko, tunay ngang nakakakaba at nerbiyos sa tuwing kasama mo ang taong mahal mo.
Napangiti ako sa naisip.
"Kamusta ka?"basag nya sa katahimikan, kalmado lang ang tono nya at parang gusto nya ng maayos na kamustahan. Huminga muna ako bago sumagot dahil ayokong mautal na naman."Ayos lang naman, medyo stress sa work eh, ikaw ba? Kayo?" Balik kong tanong at napapikit ng madiin dahil sa tanong kona iyon, Dapat koba talagang isama pa ang pangangamusta sa kanila? Agh! Sinasaktan kolang ang sarili ko.
"Maayos naman, hmmm happy.." halos pabulong ang sabi nito sa huling salita, happy.... Napaisip naman ako bago tumango, natahimik na naman kami.
I hope i will be happy too....
Pagod ako ng makauwi sa bahay, hindi na ako tinanong pa nila nanay, siguro dahil kita nila ang pagod at pamomoblema sa mata ko, nag linis ako at nag ayos bago humiga sa kama, natulala ako sa kisama habang binabalikan ang kaninang nangyare.
Nakapag usap ulit kami ng walang sigawan o anumang masasakit na salita, parang dati lang, nangungulila ako sa mga memories naming dalawa noon, mga pinag samahan namin, mga tawa, problema na pinag daanan at nalampasan namin na mag kasama. Ganon ba talaga? Bigla nalanv babawiin sayo ang kasiyahan mo?
Hindi ko namalayan ang mga luhang bumabagsak na pala sa pisnge ko, pag dating sakanya ay ang mga luha ko ay walang awat na bumububos, ganon kasakit saakin ang lahat, na marinig kolang ang pangalan nya ay kumikirot na ag puso ko.
Hanggang kailan koba itatago ang mga tanong na gusto kong sagutin nya....
Kinabukasan ay tanghali na akong nagising kaya naman sa lunch na ako nakakain, chineck ko muna ang emails and messages bago ako nakihalubilo kila nanay na nasa bakuran at nag kukwentuhan. Nakangiti nila akong sinalubong.
Umupo ako sa tabi ni edralyn,pinag salin nya naman agad ako ng juice, nginitian ko sya, naaalala ko dati,tumabi lang ako saknya ay galit na galit sya, ngayon ay kita ko sa mga mata nya ang saya. Gusto ko deng malaman ang dahilan nya.
Kaya naman ng mag hapon na ay nag pasama ako saknya mag lakad lakad
"Dati ay hindi naten na gagawa ito, ang sarap sa pakiramdam na ganto tayo ngayon." Basag ko aa katahimikan, nakita ko ang ngiti nya habang patuloy sa pag lalakad.
"Ate patawarin mo ako kung naging malupit ako sayo dati, hindi kitabbinigyan ng pag kakataon na maging ate saakin dahil lagi akong iwas sayo, aaminin ko inggit ako sayo kaya ako nag kakaganoon" kwento nya at ngumiti ng onti, huminto sya sa isang bench at naupo, tumabi ako saknya doon.
Hindi ako nag salita at nakinig lang saknya.
"Sa lahat ng bagay ay magaling ka, gusto ka ng lahat, paborito ka nila at lagi akong nakukumpara sa kabaitang taglay mo, dahil ako dito sa atin ang kilala bilang pasaway at palasagot na anak at kapatid, pero ang hindi ko matanggap ay kilala ako sa school bilang kabit at whore." Pumiyok ang boses nya pag kasabi ng huling salita, at doon ko napansin na lumuluha na pala sya, agad konh niyakap ang kapatid at doon sya umiyak sa balikat ko.
Ramdam ko ang pangingilid nv luha, Hindi ko naisip na may pinag dadaanan pala syang ganto, dahil nakikita ko syang matapang na babae. Nang kumalma sya ay staka sya umayos ng upo.
"Hindi mo man ang ba itatanong kung bakit ganon ang tawag nila saakin?" Tanong nya saakin, nakangiti naman akong umiling.
"Ayokong pangunahan ka, gusto kong mag simula sayo ang lahat at makikinig lang ako." Sagot ko na nakapag pangiti sakanya.
"Ate? Kasalanan bang mag mahal?" Tanong nya habang nakatingala, mapait akong ngumiti at tumingala.
"Kasalanan bang tumibok ang puso ko sa taong alam kong may iba nang gusto? Sa taong kahit na gaano kalapit saakin ay parang ang hirap abutin? Kabit at whore naba ako non?" Dagdag nya at nag simulang humikbi ulit."Hindi ko lang mmaintindihan bakit ang hilig pangunahan ng mga tao ang isang bagay? Hindi naman nila alam ang tunay na nangyare." Sabi pa nya, totoo tama sya.
Ngayon, napaisip ako kung kaya ni edralyn na Sabihin ang nararamdaman nya, ako pa Kaya na ate nya?