CHAPTER FOUR

1 2 0
                                    


"Oh? May lakad ka ata?" Tanong sakin ni edralyn. Ngumiti ako sakanya,, nakatingin lang sya saakin na parang Muka akong tanga kakangiti.

"May itu-tour lang ako sa park"tanging sagot ko, tinaasan nya ako Ngumiti ng  kilay, at pinag Krus ang mga braso sa dibdib.

"Tour? Eh halos lahat Naman ng Tao ay Alam ang meron sa isang park. Pwera nalang Kung ginagago kalang nyan." Sabi nya at tinalikuran ako. Bumuntong hininga nalang ako, kahit kailan ay Hindi nya talaga ako kayang kausapin ng maayos. Nasasaktan ako sa tuwing Ganon nya ako Kung pag salitaan, samantalang ako ang nakakatnda.

Ginagago lang ako? Impossible, Hindi Naman siguro totoo Yun. Si George Yun eh. Pinilig ko ang ulo ko. Kinalimutan Kona ang isiping iyon at nag punta na sa park. Sinabi nya saakin Kung saan kami mag kikita. Kaya Doon ako dumiretso.

Babatiin Kona dapat sya nang, Makita Kong may kausap sya sa telepono. Nag hintay nalang ako sa kinatatayuan ko. Napansin ko ang postura nya. Matangkad, katamtamang kulay ng balat, makinis na muka, magandang ilong, labi, at nangungusap na Mata. Wala sa sariling napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin.

Katamtamang tangkad, morena, mahabang buhok at normal na Tao lang. Bagay Kaya kaming mag sama?

"Hey! Nandyan kana pala, sorry may tumawag lang." Ngiti nya sakin, ngumiti den ako, at napatalon pa ng lumapit sya saakin.

"Oh... Tara na?" Tanong ko, tumango sya. Pumunta kami sa mga bilihan ng mga souvenir, damit, parang mini tiangge.

Tawa ako ng tawa ng mag suot sya ng duster na orange, actually ang cute nya kaso Muka syang bakla.

"Pati ito! Dali!" Saba'y abot ko saknya ng shades na hugis heart, ang sakit na ng tiyan ko sa katatawa habang sya ay feel na feel Naman.

Nang nakuntento na sya ay pumunta kami sa food park para kumain, pinili namin ang pwesto sa pinaka dulong gilid. Sya na ang umorder ng teriyaki chicken with rice. Nag kwentuhan lang kami habang kumakain, minsan ay sakanya madalas ay akin.

"Alam mo? Ang saya mong kasama." Biglang Sabi nya. Inaamin kong may kilig akong naramdaman, pero Hindi ko pinahalata baka isipin nya ay patay na patay ako saknya.

"Ikaw den Naman, biruin moyun? Dati ay napapanood lang Kita sa tv ngayon ay nasa harap na Kita."Sabi ko.

"Honestly.. Hindi kopa na raranasan ang sumaya at maka labas ng ganto." Lumungkot ang Muka nya.

"Bakit Naman? Sikat ka at gusto ka ng lahat? Anong problema Doon?" Tanong ko. Malungkot syang ngumiti saakin.

"Kilala nga ako ng lahat, pero Hindi Naman ayun ang gusto ko... Nakukuha ko nga ang atensyon ng maraming Tao pero, Hindi ang mga taong gusto Kong mapansin ako.* Sabi nya, napaisip den ako doon, Tama Naman sya. Nakatitig lang ako saknya.

"Hindi ako maaaring lumabas ng may kasamang iba, may contrata akong kailangang sundin, nakakasakal..." Dagdag nya. Nalulungkot den ako habang pinakikinggan sya. Hindi Ko Alam na may pinag dadaanan pala sya...
Napaisip Naman ako, Kung bawal syang lumabas ng may kasamang iba, ibig sabihin banun ay Ito na den ang huling Kita namin?

"Hindi ko Alam ang sasabihin...." Mahinang Sabi ko. Ngumiti sya saakin at lumiwanag ang muka nya.

"Sapat na saakin na nadyan ka" seryosong Sabi nya. Eto na Naman ang nagwawala Kong puso.

Nag tagal pa kami ng ilang minuto bago mag lakad lakad ulit.

"Naisip kolang, ang bilis mo palang mag tiwala." Biglang Sabi nya saakin, habang nag lalakad kami. Nilingon ko sya.

"Hindi Naman... Sadyang magaan ang loob ko sayo." Sagot ko. Mahina syang tumawa.
"Totoo! Noong una panga lang kitang na Kita sa tv, Alam konang mabuti Kang Tao, kahit sa personal mabait ka." Dagdag ko.

"Feeling ko, binubola moko." Sabi nya. Ako Naman ang natawa.

"Feeling ko, Hindi!" Sabi ko.

Nakakatuwa lang na dati ay pinapangarap kolang syang makasama, ngayon ay nag katotoo na. Okay na Naman saakin na ganto kami, friends? Diko sure. Basta masaya ako na nakakasama ko sya. Ang swerte Kona nga eh, dahil ang iba ay tingin tingin lang sakanya, samantalang ako nalalapitan Kona, nakakausap kopa.

Marami pa kaming napag usapan na Kung ano ano, hanggang sa may biglang sumigaw sa gilid namin.

"Oh my gosh!!!! Si george!!! Papicture po!" Sigaw nung babae, nag sitilian Yung mga taong nakapansin at agad na lumapit saamin. Tatalikod na Sana ako ng biglang hawakan ni George ang kamay ko at hilahin ako patakbo, palayo sa mga tao.

Nababaliw na ata ako, imbis na takpan ko ang Muka ko, dahil madami ang kumukuha ng litrato ay ang mag kahawak naming kamay ang nakikita ko, at PARANG nag slow motion ang takbo namin.

Nag tago kami sa isang mini house, play ground ng mga bata, sakto at walang Tao sa loob. Sakto lang den ang laki nito at kaming dalawa lang ang kasya. Sinara nya ang pinto, Kaya Naman sa liit nito at sikip ay halos magka dikit na laming dalawa. Mag kaharap kami, Hindi ko Alam Kung saan ako titingin, samantalang sya ay nakatitig lang saakin.

Staka ko naisip ang nangyare, baka maissue kami neto, ayokong mabash, at katulad nga ng sinabi ni George kanina ay may kontrata sya, at base Doon ay bawal syang mainvolve sa ibang babae.

Natatakot akong tumingala sakanya, na Sana ay Hindi Kona lang ginawa dahil muntik ng mag dikit ang mga Muka namin sa isat Isa. Napalunok ako at nag iwas.

"Paano na? Baka mag ka issue ka? Sorry..." Sabi ko, nag aalala.

"Akong bahala, and just tell me if they bugging you okay? "Sabi nya. Paano Naman?

"Paano?"tanong ko.

Bigla nyang inilahad ang cellphone nya, nag tataka Kong kinuha Yun, at tumingin sakanya. Pinindot nya ang contacts, ng magets ko ay inilagay ko Doon ang numero ko.

"Nakuhaan Kaya nila Tayo ng picture?" Tanong ko. Kinakabahan talaga ako, ayoko den namang mabash.

"Shhhh...  If they took a picture of us, then we don't care. Don't give them attention okay?"Sabi nya at hinawakan ako sa balikat.

Tumango nalang ako.

"Don't worry about them, I'm here, everything will be alright!" Staka nya ako binigyan ng ngiting nag sasabi ng magiging maayos den ang lahat. Tumango ako at ngumiti den.

I know, everything is going to be okay, because I'm with him...

Am I too late? (Completed)Where stories live. Discover now