CHAPTER TWO

3 2 0
                                    


Nag simula nang mag salita ang president ng student council namin dahil sya ang ginawang host, napuno agad ang malaking court namin dahil sa dami ng taong nanonood. Nasa unahan ako Kung saan kitang Kita ang lahat ng mangyayare mamaya.

Para akong maiihi nasa sobrang excited at kaba, para akong baliw dito na Hindi mapakali sa kinauupuan, Lalo na't ng tawagin na si George.
"Ladies and gentlemen let's give around of applause to the one and only Mr. George Guillermo!!!"sigaw neto at nag hiyawan na ang lahat, dumagundong ang napaka lakas na pamilyar na tono at nag simula ng kumanta si George.

Parang mga wild animals ang mga students na kasama ko sobra silang sumigaw, parang Yung iba ay aatakihen pa sa puso may iba namang naluluha pa, grabe talaga ang sikat ng taong Ito parang ang hirap nyang abutin.

Sumasabay ang mga Tao sa indayog ng musika at winawagayway ang mga kamay nila sa ere, samantalang ako ay nakatitig at pinag mamasdan ang bawat buka ng labi nya, napaka ganda talaga ng korte at desenyo ng Muka nya, para syang isang angel dahil napaka ganda ng kanyang Muka.

Nag patuloy pang ang kasiyahan hanggang sa huli na nyang kanta, at natatapos na ang gabing Ito.

"Thank you for supporting me here, I hope you'll enjoy this night! This is my last song for today, I dedicate this to the woman I met in amusement park and earlier...... She made me look at her with her beauty." Sabi nya, na nakapag galabog ng tibok ng puso ko. Nanlaki ang mga Mata ko at umawang ang labi, Lalo na nang sulyapan nya ako bago nya kantahin ang liriko. Nag sitayuan ang mga balahibo ko, tumingin paako sa paligid at baka may nakakita sa ginawa nya. Busy Naman ang lahat sa panonood Kaya Wala Naman siguro.

Hey! Beautiful beautiful beautiful beautiful angel
love your imperfections every angle...

Kanta nya at tinignan ako sa mga Mata, ramdam Kona ang lakas ng kabog ng puso ko, Hindi Ko mapigilang Hindi umasa saknya Lalo na ngayon na parang pinapadama nya saakin Kung gaano ako kaganda sakanya. Na na agaw ko ang atensyon nya, masama naba tong ginagawa ko?

Bawat bigkas nya sa kanta at pag buka ng labi nya para akong lumulutang Hindi ko Alam Kung bakit ako nag kakaganito pero parang kinakausap nya ako sa pamamagitan ng pag kanta nya, bakit nya ba kailangang iparamdam saakin Ito? Baka Lalo lang akong umasa at sa huli ay ako den ang luhaan.

Saktong pag katapos ng kanta ay ang pag ngiti nya saakin.

Natapos ang gabing iyon ng puro pag asa ang nasa isip ko, maari kayang magustuhan nya ako? Binabagabag ako ng maraming tanong at bagay sa isip ko.

Ang mga ngiti nya, titig, Hindi ko malimutan sa bawat pag pikit ko ay iyon ang lagi Kong nakikita.
Sadya nga atang natamaan naako sakanya, at aaminin Kong malala Ito kkesa noon.

Kinabukasan ay nagising ako sa tili ni nanay, Kaya Naman Dali Dali naakong bumangon at nag aalalang lumabas dahil baka may masamang nangyari sakanya. Ngunit ako pa ang nagulat ng mamataan ang bisita naming nakaupo sa Sala na naka long sleeve na black at pants, shades and cap.

.

Tumayo agad sya ng Makita ako, ako Naman ay napatingin sa suot ni Hindi paako nakakapag hilamos at sipilyo, bigla akong nakaramdam ng hiya sa itsura. Kaya Naman agad akong tumalikod at kumaripas patungo sa kwarto at staka ako mabilis na nag ayos at naligo.

Napaisip ako Kung bakit sya nandito? May concert basya o visiting o guesting? At dito pa mismo sa bahay namin? Hindi ba sya pinag kaguluhan sa labas? Sikat sya buti at Hindi kami dinumog ng paparazzi.

Lumabas naako ng nakuntento sa itsura, nag suot ako ng puting bestidang hanggang tuhod at inilugay ang natural Kong kulot na buhok. Naabutan ko syang kumakain sa hapag namin habang naka ngiting titig na titig ang mga magulang ko saknya, napatingin Naman sila saakin ng bigla akong sumulpot, nakita ko Kung Paano ako tignan ni George Mula ulo hanggang paa.

Tumayo sya at lumapit saakin, huminto sya sa harapan ko dahil sa taranta ko ay umatras ako kaagad, nahihiya, narinig ko ang mahinang tasa nya dahil sa naging reaksyon ko.

"Pasensya na Kung nagulat Kita kanina, bumisita lang ako at gusto kolang sanang anyayahan ka, Kung papayag ka?" Medyo kinakabahang Sabi nya, gulat akong tumingin sakanya, saan Naman? Hindi ba't kami'y baka maeskandalo? Ayokong mabalita at baka makatanggap all ng maraming masasakit na salita.

"Gusto Sana kitang ilabas at ipasyal sa amusement park Kung saan Tayo nag kakilala." Sabi nya, at staka ngumiti.

Kumalabog ang puso ko sa tuwa at sayang nararamdaman, bakit mo Ito ginagawa George? Possible bang magugustuhan monga ako? Ako na isang taga hanga molang...

Am I too late? (Completed)Where stories live. Discover now