Isang buwan na ang lumipas at natatakpan na ng ibang iskandalo ang lawaran namin ni George na kumalat, masasabi Kong iba talaga pag nasa showbiz ka, isang pitik molang ay pag uusapan kana ng lahat ng Tao.Sa isang buwan na iyon ay Hindi ko na Kita si george, at madalang na den itong lumabas sa television, naisip ko baka nag papalamig Lang sya at pinapahupa ang lahat bago manindigan sa career na ginagawa.
Sa isang linggo ang graduation namin Kaya Naman nandito ako ngayon at nag pa practice mag martsa, huminto ako sa gitna ng stage at yumuko pag katapos nun ay bumaba na at naupo sa silyang para saakin, Hindi ako ang may pinaka mataas na rank ngunit may Latin honor den Naman.
"Advance congrats na saten!" Saba'y bunggo ng balikat saakin ni Lily, ng mga nakaraang araw ay mas nag kakalapit laming dalawa siguro ay maituturin ko syang isang kaibigan na.
Ngumiti Lang ako sakanya at tumingin na sa harap, sa dami ng nangyare at ngayon ay tapos nako sa pag aaral, magiging maayos den Kaya ang pamilya namin?"Ano na Naman bang iniisip mo dyan? Si Geor-" Hindi Kona sya pinatapos at tinakpan ko agad ang bibig nyang maingay, sinamaan ko sya ng tingin. Sapilitan nyang inalis ang kamay ko at nag peace sign bago tumayo at tukatawang umalis.
Hindi Naman sa nah iinarte ako o Kung ano man pero ayoko na muna marinig ang pangalan nya, Hindi ko nga Alam Kung maikita ko pa sya e.
Mahal Kita.
Napapikit ako ng mariin ng marinig sa isip ang sinabi nyang iyon, oo nga at Mahal nya ako pero pag katapos nun ay Hindi Kona sya nakita pa. Sino ang naniniwala sakanya?
Hayss..
Tumingala ako at dinama ang simoy ng hanagin, nag lalakad ako ngayon pauwi dahil gusto Kong mapagod at pag uwi ay makatulog agad, nakakasama naden marinig ang walang humpay na" Hindi Kayo bagay!" Nila mama saakin.
Sa sobrang pag iisip ko ay Hindi ko namalayan na pabunggo na pala ako sa isang lalaki, napakunot ang noo ko ng napamilyaran Ito.
"Why you staring at me?" Tanong ng lalaking nakabunggo saakin nung nakaraan. Inalog ko ang ulo ko, bakit ba nag kikita kami pero puro bungguan.
"Hindi!" Tanggi ko, tumaas ang kilay nya na parang nawewirduhan saakin, kahit ako den Naman eh nawewirduhan sa sarili. Isinenyas ko ang pakaliwa at lumakad na.
Dumating ako sa bahay at nakitang inaayusan ni mama si edralyn, naala ko at grad ball pala nila ngayon, kumunot ang noo ko ng Makita Kung gaano ka expose ang cleavage nya, huminto ako sa harap nya at tinuro ang dibdib nya.
"Ganyan ang susuotin mo?" Tanong ko, umirap muna sya bago tumango saakin.
Hindi na ako nangeelam pa at pumasok na sa kwarto ko, naligo ako at inayos ang mga clearance bago mahiga.
Naalala ko Yung huling araw na nag Kita kami, dapat ko bang pag katiwalaan ang mga sinabi mo?
Natatakot ako ngayon George, pero nasaan ka?
Nawawalan ako ng pag asa pero Paano ako lalapit sayo Kung Wala kana man ngayon sa tabi ko at Hindi ko Alam Kung nasaan ka.