"Ate sige na naman oh, isang beses lang naman yan!" Patuloy paden sya sa pag hila at kumbinsi saakin na sumakay sa Vikings, yung barko na dinuduyan at habang tumatagal ay mas tumataas, ginawa ko ang lahat upang Hindi nya ako mahila, ayoko doon at natatakot ako. May ganoon den naman sa amusement park ko ngunit hindi talaga ako sanay sumakay sa ganon.Mas ngumiwi ako ng pag tulungan nila ako kasama ang kararating lang na sina lily at ben kanina galing manila.
"Safe naman yan fe! Ang kj mo ha!!" Mataray na sabi ni lily, habang hawak ako sa braso, malapit lapit na kami sa pila, gusto kong kumapit sa isa sa mga railings dito upang hindi nila ako madala doon, feel ko kase ay mag susuka ako.
"Osige ganto, ililibre kita i mean kayo sumama kalang, game?" Si ben, feeling naman nya ay makukuha nya ako sa mga ganyan, nako!!
Pinandidilatan na ako ng mata ni lily, huminto sya sa pag hihila saakin at biglang ngumiti ng maloko, mga baliw! I smell something fishy, evil plan i guess. Bigla nalang nyang kinuha ang cellphone at nag pipindot doon.
"Kung wala kang tiwala saamin, pwes baka saknya meron, and dont you ever make arte na naman, effort to no!" Sabay hawi ng sariling buhok, bumuntong hininga nalang ako at nag dasal na sana ay matino naman to.
Ilang sandali pa ay narinig ko ang singhapan nila habang nakatingin sa likod ko, kunot noo akonh lumingon kung saan man sila nakatingin, parang bumagal ang paligid, oo literal na bumagal, dinig ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Napag hintay koba kayo ng matagal?" Nakangiti nitong bungad, puting t shirt, khaki shorts at white sneakers, ang dating nya maaagaw ang atensyon mo, kita ko ang hanga at gulat sa mga mata ng mga tao sa paligid, syempre former actor sya dati diba.
Huminga ako ng malalim nang maramdaman ang titig nya saakin, diretso sa mga mata ko.
Instinct na ata na mag iwas agad ng tingin at fake na umubo. Ramdam kona man ang sagi nila Lily sa likod ko.
"Ahaha! George kamusta?" Awkward na tawa ni Lily at bumeso pa kay George, ngumiti namans sakanya si George at binalik ang tingin saakin."Maayos naman, haha kayo ba? Buti at napasyal kayo dito? Sinundan nyo ba si Feliz?" Si George.
"Oo eh! Ito si Lily pinilit akong sumama haha" si ben ang sumagot sakanya. Nagulat naman ako ng lumapit saknya si edralyn, kinabahan pa ako sa kung anong gagawin nya ngunit, nanlaki ang mata ko ng yumakap sya dito at parang may binulong ngunit hindi naman mawari kung ano iyon.
Namumutla paden ako ngayon pag katapos naming bumaba galing sa rides na iyon, parang mga kung anong gumagalaw sa tiyan ko at para akong masusuka, at hindi lang iyon dahil kanina habang sumisigaw ang mga tao sa takot ay ako naman ay mahigpit ang hawak sa kamay ni George. Sobra ang hiya na nararamdaman ko ngayon habang sila ay tawa ng tawa sa likod ko, nakita kase nila ang nangyare.
Staka ang kanina kopa iniisip ay kung bkait nandito sya? Nasaan ba ang anak at asawa nya?, Alam ba ni carmel ito? Gusto ko sana syang tanungin ngunit natatakot namanaako na isipin nyang ayaw ko syang nandito, kahit na anv totoo ay napakasaya ko aa mga oras na ito.
Kung pwede lang na huminto ang oras at manatili kami sa ganito.
Naisipan namin kumain sa foodcourt, marami ang tao kaya naman matagal na nakapila silang tatlo doon at talagang iniwan nila kami dito ni George na mag isa, mag katapat pa kami at ramdam ko ang tingin nya saakin, habang ako ay parang sasabog na sa kaba.
Naiinis ako kase hindi ko alam kung bakit nknenerbiyos ako yuwing nandyan sya, nauutal den ako at hindi ko alam kung bakit ganito.
"You okay?" Tanong nya, napatalon naman ako sa gulat dahilan para matawa sya, napatulala ako saknya, nanikip ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan, nangilid ang luha sa mata ko. Ngunit bago nya pa ito makita ay tumayo na ako at dumiretso sa banyo.
Everytime he's around, i feel weak, parang bibigay ang mga tuhod ko at nangingunig ang kamay ko, nauutal ako, hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata nya.Kahit anong tanggi ko, sabihing maayos na ako, nandito paden ang sakit, hindi ko alam kung kaya ko paba ito..