CHAPTER FOURTY FOUR

0 1 0
                                    


Bakit sa pag patak ng araw ay may mumunting pag asa sa puso ko na baka balikan ako ni george dahil sa halik na iyon.





Gustong gusto kong palayain sya at isakripisyo ko ang sariling nararamdaman pero maisip kopalang ay parang sinasaksak na ako ng paulit ulit, kumikirot ang dibdib ko sa tuwing maiisip na mamumuhay na ako na walang george. Kaya ko ba?



Para akong mababaliw kakaisip sa lahat ng bagay.



Paano ba kami umabot sa ganito?



Bakit?

Tumulo ang luha ko, dinama ko ang lamig ng hangin na humahaplos sa balat at muka ko, nandito ako ngayon sa view deck ng isang park, tanaw ang city lights ang kabuunan ng syudad.





Kinapa ko ang singsing na suot, ang binigay nya, ang naging pag asa ko nung panahon na nawawalan naako ng ganang mag hintay sakanya, ang singsing na ito na tanging pinanghahawakan kong babalik sya saakin, na mamumuhay kami ng normal, na isisigaw namin sa buong mundo na mahal namin ang isat isa at walang makakahadlang doon kahit na sino.




Pero anong nangyare? Bakit naging ganito? Bakit umabot kami sa puntong kailangan naming mamuhay na may ibang kasiyahan na at hindi na ang isat isa.



Nilingon ko ang hagdan ng may marinig na yapak, tumabi saakin si lily, maganda ang mga mgiti nya, sumadal sya sa railings at tinignan ako ng kumikislap na mga mata nya.




"Alam mo bang? Noon paman ay may gusto na ako kay Morrison?" Biglang sabu nya, nanlaki naman ang mata kong nilingon sya, tinawanan nya ang reaksyon ko.






"Kaso, pag ang tadhana na ang tumabraho wala tayong magagawa, kaya nga nagalit ako sayo nung malamang nag lasing si Morrison dahil sayo kase hindi mo kayang suklian ang nararamdaman nya sayo, Kaya eto nakay Ben na ako, mas masaya kase mas tama, dahil itinadhana." Masayang sabinnya at bumuntong hininga.



Naiingit ako sakanya dahil may ben na sya, ako heto nasa sitwasyon na hirap na hirap at hindi makalimot.







Kinuha nya ang kamay ko at diretsong tumingin sa mata ko.




"Tama na feliz, sobra na, masyado nang masakit, tigilan na." Nanginig ang boses nya at tumulo ang luha sa mata nya, lumunok ako, nahirapan huminga nangilid ang luha ko habang tinitignan syang nahihirapan sa sitwasyon ko.




"Ayokong makita kang nag mamakaawa sa pag mamahal nya, you didn't deserve this, no body was, talk to him, clear everything, tapusin mona, someday makakahanap ka ng taong higit kang mamahalin, i want you to be happy feliz, we want to see you happy, I can't stand seeing you hurting." Umiiyak na saad nya, niyakap ko sya at sabay kaming umiyak kasabay ng pag ihip ng hangin.



"Im sorry, kung pati ikaw, kayo nasasaktan na." Bulong ko saknya.






Sobrang sakit, gusto kong mawala na ang sakit na ito, ayokong lamunin ako habang buhay ng alala kasama sya, gusto kong makawala dito, paano ako aahon? Paano ko ipag papatuloy ang buhay ko? Paano? Hindi ko alam, nalilito ako, punong puno ang utak ko ngayon.

Am I too late? (Completed)Where stories live. Discover now