Hindi nga ako nag kakamali dahil pag kauwi kopalang ay balita na agad ang litrato namin ni George, Hindi Naman ako ganoong Kita, pero ang grabe paden ang ugong ng balitang iyon Lalo na't Kita sa litrato ang pag hawak ng kamay naming dalawa.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil may pasok pa ako, busy sa school dahil nga graduating na ako.
"Oyy Feliz!!" Napalingon ako Kay Lily ng isigaw neto ang pangalan ko. Nang makahinto sya sa harap ko ay yumuko sya at pinakita saakin ang cellphone nya. Napalunok ako ng larawan namin ni George na trending sa social media.
"Diba idol moyan? Meron pala syang non- showbiz girlfriend no? Ang swerte Naman nung babaeng Yun, ano masasabi mo?" Mahabang Sabi nya. Nag kibit balikat pang ako at binalewala ang presensya nya, ayokong mag pahalata Kaya nag focus ako sa sinusulat ko.
"Nakuu! Alam moba? Kanina si Bea? Yung patay na patay sa idol mo? Galit na galit kesyo ang landi daw nung babae. Ewan Koba Doon parsng tanga, akala Mona man mapapansin sya non eh ayaw ata nun sa malanding katulad nya!" Galit na chika nya.
"Mamaya marinig ka!", Saway ko sakanya. Umupo nalang sya sa tabi ko at nag basa bg libro nya.
Naisip ko, Kung sakaling makilala na ako Yung nasa litrato, maraming magagalit saakin dito, ganon sya kasikat, na patay na patay ang mga babae sakanya.
Ayoko ng atensyon, at madali akong masaktan sa konting bagay lang, Kaya Paano ko ipaglalaban ang sarili ko Kung Ganon ako kahina?
Hanggang uwian at nag lalakad ako palabas ng gate ay usapan paden ng karamihan ang tungkol sa picture nayun.
Agaw pansin ang isang orange na mustang na nakaparada malapit sa gate, ang daming nag bubulungan, Hindi Kona lang pinansin at lumiko na, ngunit napahinto ako ng may humigit sa braso ko.
Agad kumalabog ang puso ko sa gulat at takot, pero nawala den iyon bg Makita Kung Sino ang taong Yun.
"Anong ginagawa mo dito?' agad na tanong ko Kay George, hinila nya ako sa isang eskinitang tatatlo lang ata ang kakasya. Isinandal nya ako sa pader dahil may mga nag sigawang Tao.
"Nandito daw si George!!!" May sumigaw, Kaya mas lali nya akong binakuran, kinabahan ako sa pwrdeng mangyare Lalo na't ganto pa ang pwesto namin.
"Sorry.. gusto kolang icheck Kung okay ka." Bulong nya at ngumiti saakin, okay Naman ako, staka diba dapat sya ang tinatanong ko bg ganyan dahil sya ang may career na pwedeng masira dahil Doon sa picture Naiyon.
"Dapat ay Hindi kana pumunta dito, baka dumugin kalang ng mga fans mo. Staka okay lang ako, ikaw ba?" Sabi ko. Nilingon nya ako Kaya muntik na kaming mag kabalikan, bumilis ang tibok ng puso ko. Sayang.....
"A-ah okay Naman..."utal na sagot nya at lumayo saakin ng konti. Nailang agad ako dahil sa nangyare.
Nag tagal pa kami Doon ng ilang sandali bago kami lumabas sa eskinita, tinakbo namin ang distansya ng kotse nyang agaw pansin kanina.
Sumakay ako sa passenger seat sa tabi nya, pinaandar nya iyon.
"Sorry."Sabi nya sa kalagitnaan ng katahimikan napalingon ako sakanya, nag tataka.
"I cause you trouble... " Dagdag nya. Kita ko ang sinseryosong muka nya, naiintindihan Kona man na Ganon talaga, lalo na't sikat sya.
"Okay lang, ano kaba! Staka Hindi Naman nila ako nakilala eh." Sagot ko.Kahit na ang totoo ay sobrang kaba Kona, dahil Alam Kong wild ang mgaffans nya at ilang araw nalang ay Alam Kong nakikilala den nila ako.
Hinatid nya ako sa bahay namin, umalis na kagaad sya pag katapos nun. Katulad ng inaasahang ko ay na balita na nga ulit ang pag punta ni George sa University kanina.
Nanonood ako ng tv ng marinig ko ang sigaw ng kapatid ko sa labas, Kaya Naman agad agad akong tumayo at lumabas, naabutan ko syang kausap ang isang matangkad na lalaki. Mukang galit iyon dahil mahigpit ang hawak sa braso ng kapatid ko. Agad akong lumapit sakanila at tinggal ang kamay ng lalaki.
"Anong nangyare? Bakit Kayo nag sisigawan?" Mahinahong tanong ko. Binaling saakin ang lalaki na ngayon ay medyo kumalma na.
"Tigilan Mona ako! Kami ni Stella! Wag mo kaming sirain! Mariing Sabi ng lalaki bago kami talikuran, agad Kong hinarap si edralyn. Masama na agad ang tingin nya saakin.
"Anong ibig sabihin nun?"tanong ko, tinaasan nya ako ng kilay.
"Pwede ba? WALA KANG PAKIELAM."diniinan nya talaga ang salitang iyon, uminit ang ulo ko. Hindi Kona kayang ganto nya ako kausapin.
"Kailan ka magiging Hindi bastos?" Mariing tanong ko. Umiwas sya ng tingin. Tinignan ko sya Mula ulo hanggang paa. Maiksing short, spaghetti.
"Ano bang ginagawa mo sa sarili mo? Naninira ka ng relasyon? Ganyan kaba pinalaki nila nanay?" Dagdag ko."Wala Kang Alam! Kaya tigilan moyang pangsesermon saakin, bakit? Ha? Mag kadugo lang Tayo, pero Hindi moko kilalang kilala! Nasayo lang Naman ang atensyon nila." Galit na Sabi nya, Kita ko ang kislap sa Mata nya. Padabog nya akong tinalikuran.
Kumirot ang puso ko sa mga sinabi nya, Hindi ko Alam na may pinag dadaanan pala sya at Sana ng loob saamin.