"Argh!!!!" Sigaw ko kasabay ng pag hawak sa ulo at pag bangon sa higaan, hindi ko alam kung paano akong nakuwi kagabi, napaka sakit ng ulo ko at talagang ipapangako konang hindi na ako iinom ng madami.
Ako ba kasing pumasok sa isip ko at umoo ako sa party na iyon? Ughhhhh, ramdam ko ang tibok ng mga ugat sa sintido ko.
Kaya naman bangag pa ako ng makarating sa office, sinalubong naman ako ng ngiting ngiti na si lily, nakapa mewang pa sya at may nakakalokong tingin ng mag kaharap kami.
"Oh? What now?" Salubong ko sakanya habang patuloy sa pag hilot sa sintido. Pabiro naman nya akong binunggo at sinundot sa tagiliran. Inis kona mang syang tinignan at staka nag deretso sa office, ramdam konaman ang pag sunod nya.
"Bakit bigla kayong nawala ni Morrison kagabi? Ikaw ha? May tinatagong kire!" Hahaha!!" Malakas na tawa nya, at may nanunuksong tingin, taka kona man syang pinag masdan at pilit inaalala ang nangyare kagabi.
"Gusto konang umuwi kaya naman kumabas nako, kaso sa sobrang lasing ay bigla naman akong na black out, but as far as i remember, may sumalo sakin bago pa ako masubsub sa sahig, hmmm, i just cant remember who that person is." Kwento ko sa nangyayare kagabi, tumingala naman sya na akala mo ay nag iisip.
"Hmm! I think that's Morrison, uou know, when you left, a second later he followed you outside, siguro nung makita ka nya ay yung mababagsak kana, I think my conclusion ia right!" Sabi nya na may pa pitik pitik pa sa hangin. Nag kibit balikat nalang ako at nag simula na sa trabaho.
May bago kaming project, at ayun ang panibagong rides, sinisigurado kong safe iyon para less problema at disgrasya.
"Alright, just dont forget to inform me in everything okay? That's all! You may go." Sabi ko sa tauhan bago ito lumabas, at nang makaalis ay staka namang pag pasok ni Lily. Walang gana ko syang tinignan, habang pinapakita nya saakin ang mga schedule ko aa tablet nya.
"At 11am, you have an appointment to celeste high school, because remember? You are one of their sponsor!" Sabi nya sa tonong magalang ngunit propesyonal, palihim naman akong ngumiti, masyado syang seryoso.
"Okay, you can come with me" sagot ko at sinenyas sakanya ang pinto, inirapan nya muna ako bago lumabs, hahaha staka ako tumawa. At pinag patuloy ang gawain.
"Good morning ma'am feliz! Ikinagagalak po namin ang presensya nyopo dito sa aming mumunting event!" Salubong saakin ng principal nila, may katandaan na ito ngunit bakas ang kagandahan, ngitian kolang sya at iginaya nya naman ako sa stage. Kasama ko sa pag upo ang iilan pang may edad na sa palagay ko ay mga head teacher. Kami lang yata ni lily ang bata dito bukod sa mga istudyante na nakapila at umaayos ng upo sa baba ng stage.
Isa itong competition laban ng debate at isa ako sa mga nag sponsor, napansin ko ang dalawang bakanteng silya sa gilid, na sa palagay ko ay uupuan ng mga sponsor den. Nakinig nalang ako sa mga sinasabi ng host at hindi na nag libot pa ng paningin. Ngunit ng mag vibrate ang cellphone ko ay kinuha ko iyon at binasa ang mensahe galing sa isang tauhan.
Kaya naman hindi kona namalayan na tinatawag na pala ang mga sponsor, at patuloy na binabanggit ang pangalan ko kaya wala sa sadili napatayo ako at ngumiti. Ngunit agad din iyong nawala ng makitaang makakasama sa picture taking.
Si george na prenteng nakatayo, nasa tabi nya ang asawang talagang napaka ganda sa puting bistida.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig na punong puno ng yelo, nanigas ang mga tuhod ko at hindi ko ito maihakbang, para bang nabaon dito sa sahig ang mga paa ko at Hindi ako makagalaw.
Todo ang ngiti ni carmel habang hawak sa braso ang asawa, nalipat naman ang paningin ko sa tumatakbong bata na papalapit sa kanila, maganda ang ngiti nito at kumikislap ang mga inosenteng mata habang nakatingala sa mga magulang nya.
Larawan ng napakagandang pamilya, malinis tignan at kung iisipin ang talagang mayayaman at may ipag mamalaki, sila ang pamilya na matatawag mong perfect na.
Sa pag hawak palang ni carmel sa braso nya at ang ngiti nila sa isat isa ay masasabi kong umpisa palang ay talo na ako.....
