Lumipas ang isang linggo na Wala akong makikitang George na nag aabang saakin o biglang susulpot.
Ginawa Kong busy ang sarili ko sa mga projects para ng sa Ganon ay Hindi ko mapansin ang mga sinasabi ng iba tungkol saakin. Deretso Lang akong nag lalakad papunta sa cr, Hindi kona dinadapuan ng tingin o atensyon ang mga taong Kung ano ano ang sinasabi Laban saakin.
"Tabi nga!" Sigaw ng isang lalaki saakin pag katapos akong sadyang banggain. Napabuga nalang ako ng hangin at Hindi na pumayol pa, kalalaking tao tsk!
Kaya Naman nag pipigil ng galit akong pumasok sa cr, at ang swerte Kona man dahil walang Tao kahit Isa Doon ako Lang talaga. Humarap ako sa salamin at pinag masdan ang Muka ko. Naisip ko si George, Hindi na sya lumalabassa tv o sa kahit anong show nya, pero sya paden ang topic ng lahat. Kamusta na Kaya sya Alam Kong nahihirapan den sya at pwedeng masira ang career na pinag hirapan nya ng dahil Lang saakin.
"Pero Tama bang sisihin ko ang sarili ko?" Tanong ko sa sarili ko sa salamin.
"Hindi." Boses ni George at bumukas ang isang cubicle. Napaigtad ako sa gulat at napahawak sa dibdib. Kanina paba sya nandyan? Buti nalang at sa isip ako nag salita ng nag salita.
Napansin ko ang sugat sa panga nya ng pamansin nyang nakatingin ako ay iniwas nya ang part na yon
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko, tumitig sya saakin at pag katapos ay sumandal sa pader.
"I'm sorry." Seryosong Sabi nya, sa sobrang seryoso ay nanindig ang mga balahibo ko, napalunok ako ng mapansin ang Hindi nya pag alis ng titig saakin.
Ilang minuto den kaming tahimik hanggang sa putulin nya iyon ng pag kukwento.
"Noon palang ay pangarap Kona ang pag kanta, kahit na ayaw ng daddy ko ay pinag Laban ko Ito. Hanggang sa umabkt na ako sa puntong kilala na ng lahat kaso parang may kulang eh, Kaya hinanap ko..... Nahanap Kona man eh, ang kaso ang daming hadlang." Hindi ako ang salita at nakinig Lang sakanya.
"Gusto Kong makalaya, sumaya at lumakad ng walang humahabol saakin, Kaya isang araw naisipan Kong gawin ang gusto ko at Doon nakilala Kita." Bumilis, lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko Dagdagan pa dahil onti onti nasyang lumalapit saakin.
Huminto sya ng isang dangkal nalang ang pagitan namin, naaamoy Kona ang pabango nya. Maharan nyang kinuha ang kamay ko at inilagay sa tapat ng puso nya. Napalunok ako sa tigas ng dibdib nya.
"Bawat tibok nyan, dinadala ako sayo...." Malambing na bulong nya. Sa Hindi malaman na dahilan napangiti ako, Tama sya ramdam konga ang tibok ng puso nya na parang inilapit kami sa isat Isa.
"Naririnig Moba ang sinasabi?" Tanong nya, umiling ako bilang sagot, ngayon sya Naman ang ngumiti.
"Mahal Kita..." Salitang pinapangarap Kong marinig Mula sakanya, pero ngayon ay kinakatakutan Kona, Hindi ako nagulat dahil ramdam Kona iyon ng maramdaman ko ang tibok ng puso nya.
"Tama ba and narinig ko?" Tanong ko, seryoso ang muka nya at humakbang patalikod para maharap ako ng maayos.
"Pinag dududahan Moba ang nararamdaman ko?" tanong nya. Kumurap kurap ako at tumingin sa paligid baka may lumitaw na sagot.
"Hindi Naman sa ganon, ang akin Lang natatakot ako sa pwedeng mangyare." Sabi ko, pinag hawak ko ang mga kamay ko at tumingala sya.
"Dumikit ka saakin Kung natatakot ka, lumapit kanaman Kung tingin mo Hindi Mona Kaya, at alalahanin mo ang sinabi Kong Mahal Kita Kung nawawalan kana ng pag asa." Huling sinabi nya bago ako talikuran at lumabas sa cr.
Ilang minuto paakong nakatanga Doon bago mag sink-in sa utak ko ang mga nangyare, talaga bang inamin nya na Mahal nya ako?
Totoo ba iyon?
O sinabi nya Lang iyon para mawala ang takot ko?
Natatakot ako na baka Mahal nya Lang akong pag kasama nya ako.
Paano kami mag mamahalan Kung sa bawat bigkas namin ng Mahal Kita sa isat Isa may natatangap laming tutol Mula sa mga Tao.
Mali bang umibig ng isang sikat? Mataas at kilala ng lahat?