Nakita ko ang pag seseryoso nya, umayos sya ng upo at hinarap ako, kita ko ang galot sa mga mata nya na hindi ko maintindihan kung saan nang gagaling.
"Kayo? Kamusta kayong dalawa?" Sa isang malalim na tono nyang tanong, hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kaba, gayong wala namanaakong ginawang kasalanan? Sino ba ang tinutukoy nya?
Naguguluhan ko syang tinignan
"Kami? Sino ang tinutukoy mo? Si lily?" Naguguluhan kong tanong sakanya. Kumunot ang noo nito na parang hindi nagustuhan ang tanong ko.
"Wag kanang mag maang-maangan pa feliz! Kayong dalawa ng lalaki mo, habang nasa malayo ako! Aminin mona!" Galit na sigaw nito, naoaatras ako sa agresibo nyang galaw, kaba at takot ang nararamdaman ko sa oras nayun, nakakatakot sya, hindi kona sya kilala, hindi ako ganyan itrato ng george na minahal ko.
Umiiling, dahan dahan akong tumayo. Kita ko ang gulat sa mga mata nya.
"Hindi ikaw yan george... Hindi na ikaw yan." Masakit na sabi kon at umalis na sa lugar na iyon.
Hinding hindi nya ako kayang pag taasan ng boses, ngunit ngayon ay nakakaya na nya, hindi na sya ang george na kilala ko, ang george na minahal at hinintay ko ng anim na taon, nag bago na sya...
Iniyak ko ang sama ng loob sa loob ng sasakyan, pakiramdam ko ay babagsak na ako sa sobrang pagod, sakit, at lungkot na nararamdaman, paano ba ako makakabangaon dito? Bakit pakiramdam ko meron pading natitira para saakin? Bakit nya pa pinaparamdam na mahal nya pa ako? Eh may pamilya na sya?
Naguguluhan ako, hindi ko alam kung anong gagawin, natatakot ako na baka mag karoon ako ng desisyon na pag sisisihan ko sa huli.
Hinawakan ko ang ulo ng makaramdam ng hilo, nasa parking na ako ng amusement park, palabas na sana ng sasakyan ng uni uniting dumilim ang paningin ko.
Nagising ako dahil sa haplos sa aking noo, pinakiramdaman ko muna ang paligid bago nag bukas ng mata, sumalubong sakin ang nag aalalang muka ni Morrison. Sa tingin ko ay nasa ospital ako.Nang makaupo ako dahil satulong nya ay staka ako nag tanong.
"Anong nangyare?" Tanong ko.
"You passed out inside your car, thanks to guard they immediately rush you to the nearest hospital." Problemado nitong paliwanag, pabagsak syang umupo sa sofa malapit sa kama ko.
"Im sorry... I just got tired, i dont have much sleep" sabi ko.
" Can you please rest?, I will take care of everything, mag pahinga kana muna, besides nandyan naman si lily para sa office." Saad neto.
Nakakhiya, dahil masyado konassilang inabala, may kanya kanya den silang buhay, pero ng dahil saakin ay namomobrelama den sila.
"Hey, dont think that youll cause us trouble, like i said since day one we are always here for you, lalo na ako, alam mo yan, hinding hindi ako aalis sa tabi mo." Alam kona man iyon, pero hangganh dulo ba ay mag papabigat paden ako sakanila? Napalingon kami nang bumukas ang pinto at iniluwal ang nag mamadaling si george.
Kumunot ang noo ko, anong ginagawa ng lalaking yan dito? Nag init ang gilid ng mata ko sa nag babadyang luha. Huminto sya sa gilid ko.
"Anong nangyare? May masakit ba sayo? Ano bang ginagawa mo at nag kakaganyan ka! Pwede bang alagaan mona man yungssarili mo feliz!!! Please lan-" hindi na nya natapos pa ang sasabihin ng maramdaman ang sampal ko. Galit akong hinarap sya at dinuro ang makapl nyang muka.
" Ang kapal ng muka mo!! Ang kapal kapal ng mukammong mag pakita pa dito na parang concern na concern ka saakin! Ganyan kaba talaga ka gago ha?! Ano bang gusto mong ipalabas? May asawa kana eh! George may asawa kan pero bakit parang ako paden? Pinag lalaruan moba ako?" Sigaw ko sa masakit na tono habang nag babagsakan ang luha ko. Hindi nya nilabanan ang mga hampas ko sa dibdib nya.
"Bakit ganyan ka? Pinahihirapan moko? Hindi ko malaman kung may lugar paba ako dyan o wala na, george ano ba talaga?" Mahinang sabi ko. Dahan dahan akong lumuhod at doon umiyak ng umiyak.
Humagulgol ako sa sahig habang sya ay nakatayo paden doon, wala akong pakielamanan kung naririnig kami sa labas.
Nang umayos ang pakiramdam ko ay tumayo ako at nagulat ng makitang nandoon sa hamba ng pinto ang asawa nya, kita sa mga mata nito ang sakit habang nakatitig sa likuran ni george na ngayon ay naka harap saakin.
"Umalis kana..." Pagod na sabi ko. He gave me an apologetic look bago umalis, sumunod sakanya ang asawa, at naiwan kami ni morrison sa loob.