Chapter 11: Bet Match

174 22 5
                                    

GRAYSON LEVI'S POV:

Lumabas ako sa boarding house na tinutuluyan ko habang suot-suot ang uniform ko at sukbit-sukbit ang bag ko. Ngumiti ako sa mga taong bumabati sakin ng magandang umaga at bumabati din pabalik.

Nilabas ko ang phone ko at nakaramdam ng pag-tataka dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasagot ni Athena ang message ko.

Kahapon pa ko nag-message sakanya. Kinuha nya nag number ko eh kaya binigay nya rin ang sakanya. Gabi-gabi kaming magkausap sa telepono pero bakit ngayon hindi na sya sumasago? Nahihiya akong tawagan sya kaya puro message nalang ang ginagawa ko.

Hindi nya rin ako binati kahapon. Dinaanan nya lang ako at hindi man lang tinignan. ANo bang problema? Bakit parang pakiramdam ko umiiwas sya sakin? May problema ba sya sakin? May nagawa ba kong hindi maganda? May problema ba kami?

Nakagat ko ang ibaba kong labi at mag-titipa na sana ng message pero wala akong masabi. Ano ba ang dapat kong sabihin? Good morning? Gising ka na? Kumain ka na? Argh! Ang sakit naman sa ulo nito!

'Ano bang problema mo, Athena?'

Bumuntong hininga ako at nag-tungo nalang sa inbox namin ni Francis. Baka naman makausap ko sya ng matino ngayon. Kailangan ko lang mag-tanong kung ano ang magandang i-message kay Athena.

TO: FRANCIS

Francis, ano pwedeng i-message sa babae pag naging malamig sya sayo?

Tanong ko at ni-sent ang message. Bumuntong hininga ako at nakaramdam ng kaba. Siguradong mag-kikita na kami ni Athena mamaya. Pano ko sya kakausapin mamaya? B-bakit ba sya naging malamig?

'Is she tired of me?'

Umiling-iling nalang ako at muling napabuntong hininga. Bakit nga ba nag-tataka pa ko kung bakit sya lumamig sakin? I'm a boring person. I'm not the type of guy she'll like forever. Mapapagod din sya lalo pa't iniisip nyang mahirap akong makuha.

'Kung alam mo lang, Athena.'

Natapos na ang buwan ng June at July na ngayon. First week of July. Ang alam ko ay may pa-meeting pa para sa mga players bago sila mag-practice para sa Interhigh. Kinakabahan tuloy ako lalo pa't makakalaban ko ang team ng mga kaibigan ko at ang team ko dati. Pano ko kaya kakamustahin?

Pababa na sana ako ng second floor galing sa fourth ng makarinig ako ng boses na pamilyar sakin. Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang boses ni Artemis. Anong ginagawa nya dito?

"Mm. Ang weird nga ni Athena. Maski ako napapansin ko ang pag-iwas nya kay Grayson. Maski kay Chance, parang ang awkward na pag mag-kasama silang dalawa." natigilan ako sa pag-baba ng marinig ko ang sinabi nya. Maski sya ay napansin yun?

"Baka naman kasi nag-confess na si Grayson kaya nawalan na ng gana si Athena? Naaawa tuloy ako kay Grayson dahil sa ginagawa ni Athena. Mukang nahulog na ata yung tao." sabi ni Aphrodite na mukang kausap ni Artemis. Napakuyom ako ng kamao dahil dun.

Nakaramdam ako ng awa para sa sarili ko at napa-tiim bagang pa ng dahil sa nararamdaman kong sakit at galit. Tama nga naman sila. Isa lang ako sa mga laruan ni Athena na nag-bibigay ng excitement sakanya. Bakit ba ang tanga ko?

"Tss. Hindi ata ganun ang nararamdaman ni Athena kay Grayson. Kilala mo ang babaeng yun. Pag ni-crushback sya, mawawalan sya ng gana. Pero pag hindi sya gusto, wala syang pakealam. Ngayon lang naman nag-habol ang siraulong yun ah? Kay Grayson lang." sabi ni Artemis na syang ikinagulat ko. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Ngayon lang? Akala ko ba ganto ang ginagawa nya sa mga taong may ayaw sakanya?

"Sabagay tama ka. Ngayon lang sya nangulit ng nangulit ng ganon. Minsan nga hindi ko na alam kung seryoso na ba sya o hindi eh. Maski si Iris napansin ang pagbabago ng ate nya kahit na hindi naman sila madalas mag-kasama." sabi ni Aphrodite.

OPERATION: Make the Sacristan FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon