GRAYSON LEVI'S POV:
Kumunot ang noo ko habang nakangiti ng makita ko ang biglang pag-putla ni papa ng makita si Athena. Si Athena naman ay nakangiti lang at mukang masaya na kinakabahan dahil nakilala nya na ang parents ko.
'Sana sa susunod ako naman ang ipakilala nya.'
"Mahal? Ayos kalang ba?" tanong ni mama kay papa na tulala pa rin kay Athena ngayon.
Masyado sigurong nagandahan si papa kay Athena hehehe.
"H-ha? O-oo naman." sabi ni papa at muling bumaling kay Athena. "What's your name again, hija?" tanong muli ni papa na para bang hindi narinig ang sinabi ni Athena.
"Athena po. Athena Crimson Fryxell. Your son's girlfriend and also his future wife." pakilala ni Athena. Lalo akong napangiti at napatingin kay mama na nakangiti rin sakin at kumindat pa na para bang sinasabing gusto nya si Athena.
"Ahh hahahaha! I-i can't wait to see you m-marrying my son." utal na sagot ni papa at muling mgumiti kahit na putlang-putla at pinag-papawisan.
"By the way, I'm Triton Lim. Grayson's step-father." pakilala ni papa. Muli akong tumingin kay Athena na nagulat dahil sa sinabi ni papa.
Yep. Papa isn't my biological father. Patay na ang papa ko nung mag-4 years old. Dumating si papa Triton sa buhay namin ng mag-five years old ako at tinuring nya talaga kaming parang mga tunay nyang anak.
Hindi nga ako makapaniwala na may lalaki pa palang kayang mag-mahal ng single mom kahit na single sya nun at binata pa. Wala pa syang asawa. Kaya nung sinabi ni mama na mag-sasama na sila, pumayag kami ni kuya.
He took care of us. He never failed to amaze us. Napaka-maalaga nya at saksi ako kung pano nya mahalin ng tunay ang mama ko. Saludo ako sakanya na kahit hindi nya kami totoong pamilya ay inalagaan nya pa rin kami.
'He may not be my biological father, but still, he's my role model.'
"Lim, po? Bakit po Ashford ang apelyido ni Grayson at ni kuya Greige?" tanong ni Athena na para bang curious pa.
"That was their father's surname at hindi naman ako ang totoong tatay nila kaya A-ashford ang a-apelyido nila. I'm also not married with Grace." sagot ni papa na para bang tensed na tensed.
"Nasan po ang totoong tatay nila? Love? Nasan ang biological father mo?" gulat na tanong ni Athena at bumaling sakin.
Ngumiti ako ng mapait at napalunok. "He already passed away, love. 12 years ago." sagot ko at ngumiti ng maliit.
Lumungkot ang muka nya at nakisimpatya sa nararamdaman ko. Tinapik nya ang balikat ko at ngumiti. "It's ok, love. I know he's guiding you from afar." nakangiting sabi ni Athena na syang nakapag-pagaan sa loob ko. Ngumiti ako at tumango.
"Mm. At kahit wala na sya, thankful pa rin ako dahil pinadala nya si papa Triton sa buhay namin nila mama. He took away our sadness." nakangiting sabi ko. Pero kahit na nandyan na si papa, hindi pa rin mawawala sa ala-ala ko ang totoong papa ko. Hindi ko makakalimutan ang totoong papa ko. Walang makakapag-palit sakanya.
'Sana lang nabubuhay pa sya ngayon.'
"Ang sweet. Sanaol." nakangiting sabi ni Athena na syang ikinatawa ko ng mahina.
"Siraulo ka talaga." sabi ko at ginulo ang buhok nya. Muli syang tumingin sa parents ko na nakatingin din samin ngayon. Hindi mawala ang ngiti ni mama habang pinapanood kami.
"Oh sya, dun na muna kayo mag-kwentuhan. Ako ng bahala sa mga kakain ninyo." sabi ni mama at pinasunod kami sakanya.
Naupo kami sa table na may apat na upuan. Si mama naman ay nakatayo pa rin at nakatingin samin.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make the Sacristan Fall
RomanceGrayson Levi Ashford is the beloved sacristan by everyone. His charismatic aura and his kindness are the reasons why every girl in their town fell in love with him. And even the notorious playgirl didn't resist his charms. This guy almost has everyt...