Chapter 16: Match

184 18 0
                                    

ATHENA CRIMSON'S POV:

"Tapos na ang practice! Mag-pahinga na kayo saglit at meron pa kayong mga klase!" malakas na sigaw ni coach Zaya ng makatapos kami ng isang set.

"Yes, coach!" sabay-sabay na sigaw namin at nag-siupo muna kami sa bench para makapag-pahinga.

"Athena, maayos ba ang paa mo?" tanong ni coach. Ngumiti ako at tumango at umupo ng maayos.

"Opo, coach. Matagal na pong maayos ang paa ko. Kaya ko na pong mag-laro." nakangiting sabi ko. Ngumiti si coach at tumango.

"Mabuti naman. Kasali ka sa roster kaya dapat hindi ka injured ok? Malapit pa naman ang traning camp. Pitong araw din yun." sabi ni coach. Ngumiti ako at napakamot ng ulo.

"Sorry po at dagdag pa ko sa isipin nyo." sabi ko hababg nakangiti ng awkward.

"Ayos lang. Player kita eh. Well, anyway, pagkatapos ng interhigh ay baka bumalik na rin si Fred. Masyado na kasing marupok ang buto ng matandang yun kaya na-ospital eh." sabi ni coach na syang nakapag-panguso sakin.

Coach Zaya is coach Fred's wife. Pareho silang volleyball coach at masasabi kong napakagaling nilang dalawa mag-turo. Hindi pa naman ganun katanda si coach Fred at coach Zaya pero mukang may nangyari talaga kay coach Fred para ma-ospital sya ng ilang linggo.

"Coach, bumubuti na po ba ang lagay nya?" tanong ko. Tumango sya bilang sagot.

"Oo. Pero kailangan pa nyang mag-pahinga." nakangiting sagot ni coach.

Napangiti ako dahil dun. Buti nalang ay gumagaling na si coach. "Pwede po ba namin syang dalawin?" hirit ko pa. Baka makalusot.

Ngumiti sya at dahan-dahang umiling. "Hindi pwede. Ayaw nya. Ayaw nya daw na makita nyo syang ganon kahina." nakangiting sabi ni coach kaya napanguso ako.

"Sayang naman. Pero coach, pag ba bumalik na si coach aalis ka na?" tanong ko. Napalunok ako ng dahan-dahan syang tumango. Nakaramdam ako ng lungkot dahil dun.

"Mm. I'm just a substitute coach kaya pag dumating na si Fred, exit na ko." sabi nya. Bumuntong hininga ako at napayuko. Bakit kailangan pang umalis ni coach Zaya? Nakakainis naman!

Sa ilang araw na naging coach namin si coach ay masasabi kong napakagaling nya. Professional kumbaga. Napaka-istrikto nya rin pag may practice kami, pero lumalabas ang pagiging nanay nya pag tapos na ang practice.

Iniisa-isa nya kami kung ayos lang ba ang laagy namin, kung na-injured ba kami o ano. Basta! Ang bait at galing ni coach Zaya maging coach!

Sya din ang dahilan kung bakit lalong lumalakas ang team namin. Pino-point out nya kung saan kami mahina at papalakasin nya kami. Itatama nya kung saan kami hindi magaling.

"Sana po di nalang kayo umalis." mahinang sabi ko at bumuntong hininga. Natawa sya ng mahina at tinapik ng mahina ang ulo ko.

"Wag ka ngang mag-emote dyan, Fryxell! Parang di ka nag-wala ng malaman mong hindi si Fred ang coach nyo ah? Nakarating sakin ang balitang yan! Hahahaha!" sabi ni coach na syang ikinanguso ko.

"Coach naman! Eh akala ko kasi tuluyan ng papalitan ang coach namin eh. Buti nalang sub lang. Pero kung pwede, palitan na ng tuluyan tutal kayo din naman ang papalit eh hehehehe." sabi ko at ngumiti ng malaki.

"Pfft. Mag-wawala ang coach nyo pag narinig mong sinabi mo yon. Paborito ka kaya non. Bukambibig ka ng matandang yun lalo na pag magagaling na player ang pinag-uusapan. Ikaw lagi ang sinasabi nya at ipinagmamalaki. Kaya hindi na rin ako nagulat ng marinig na nag-freak out ka ng hindi makapasok ang coach nyo." nakangiting sabi ni coach na syang ikinangiti ko. Nakakatuwa naman at ako pala ang basehan ni coach ng best players nya.

OPERATION: Make the Sacristan FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon