Chapter 46: Championship Round

142 14 1
                                    

THIRD PERSON'S POV:

Naiwan sa isip ni Athena ang tanong ni Grayson noong nasa clubroom pa sila ng basketball team ng kanilang eskwelahan. Hindi n'ya inaasahang makakahalata si Grayson at lalong hindi rin s'ya mapalagay dahil sa takot na nararamdaman. Ayaw n'yang malaman ng kaniyang nobyo ang relasyon n'ya sa ama-amahan nito.

"Ayos ka lang? Ang tahimik mo." tanong ni Aphrodite kay Athena nang mapansing nakaupo lang ito at hindi man lang nagsasalita.

Nang nag-angat sa kanya si Athena ng tingin at tumango. "Ayos lang ako." maikli nitong sagot at muling bumuntong hininga.

"Kinakabahan ka ba? Last match na natin 'to at awarding na bukas kaya maiintindihan ko kung kinakabahan ka." saad ni Artemis na lumapit din sa dalawa.

"Hindi ako kinakabahan. May iniisip lang." seryosong sagot ni Athena at muling bumuntong hininga. Pumikit s'ya saglit at tatlong ulit na huminga nang malalim.

'Clear your mind, Athena. Tsaka mo na isipin ang bagay na 'yon pag katapos ng laro.' pagkumbinsi ni Athena sa kanyang isip.

Kumunot ang noo ni Grayson habang nakatanaw sa kanya. Nag-aalala s'ya kung anong nangyayari kay Athena dahil wala s'yang ideya sa kung anong iniisip nito ngayon.

"Levi, nag-away ba kayo ni Athena?" takang tanong ni Raven habang kumakain ng popcorn at nakaupo sa tabi ni Grayson.

"Hindi. Wala kaming pinag-awayang kahit ano." seryosong sagot ni Grayson at bumuntong hininga. Pinasok n'ya ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang jersey jacket.

"Eh bakit parang ang seryoso ni Athena? Don't tell me kabado 'yan? Eh lagi nga 'yang nakangisi pag last game na." sabat ni Claux na katabi ni Raven.

"Hindi ko rin sigurado. Kakausapin ko na lang mamaya. Hindi ako pwede dun eh." sagot ni Grayson at bahagyang nakaramdam ng lungkot dahil wala s'yang magawa para pagaanin ang loob ni Athena.

"Oops. Here comes the best friend." sarkastikong bulong ni Francis habang nakatanaw din sa kinaroroonan ng team ni Athena.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" kunot-noong tanong ni Chance kay Athena nang mapansin ang kaibigan.

"Nope. Kailangan ko lang mag-concentrate." palusot ni Athena habang nakapikit pa rin.

'Huuuu! Win this game, Athena. You're the reliable ace of Red Embers. Kailangan mo 'tong mapanalo.' saad ni Athena sa kanyang isip.

"Huuuu! Ready na 'ko!" malakas na sigaw ni Athena at tumayo pa mula sa pagkakaupo at nagsimulang i-stretch ang kanyang braso.

"Buti naman." sabay-sabay na sagot ng mga ka-teammates n'ya na nag-aalala rin sa kondisyon ni Athena. Tumingin si Athena sa gawi nila at ngumiti.

'Akala ko ay may bumabagabag sa kanya.' saad ni Grayson sa kanyang isip at nakahinga nang maluwag. Muli s'yang ngumiti at tumingin kay Athena na nakikipag-usap na sa mga ka-teammates n'ya.

"Girls! Stretching!" sigaw ni coach Zaya. Agad namang sumunod ang volleyball team at ginawa ang kanilang routine.

"Nice spike!" sigaw ni Artemis nang malakas na mag-spike si Ylona. Napanganga ang mga manonood dahil dun.

'Grabe! Pati yung mga players nilang bangko lang, halatang magagaling din!' sabi ni Claux sa kanyang isip at umiling-iling pa habang namamangha.

"Athena!" malakas na pagtawag ni Artemis kay Athena nang ito ang susunod na magsa-spike. Lalong na-excite ang mga manonood at inabangan ang powerful spike ng ace ng CFU Red Embers.

OPERATION: Make the Sacristan FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon