Chapter 27: Goddesses Love

178 20 5
                                    

GRAYSON LEVI'S POV:

The mass has ended at muli akong nakipag-kamustahan kay father. Pinakilala ko rin si Athena kay father at natuwa naman sya ng malamang may nobya na ko. Binigyan nya kami ng payo at panay pa ang sulyap nya kay Athena na mukang awkward lang na nakatingin kay father.

Sa tuwing titingin sila sa isa't-isa ay ngingiti sila pero parang may kakaiba kay father. Parang kilala nya si Athena kaya ganun sya makatingin.

Matapos makipag-usap sa ilang mga sisters at mga ministers, we bid our goodbyes to continue our date today.

"Mag-iingat kayong dalawa ha? Nawa'y pagpalain at mas patatagin pa ng panginoon ang pag-sasama ninyo. Ngunit wag ninyong kakalimutan ang edukasyon lalo pa't mga estudyante pa lamang kayo. Laging mag-dasal at humingi ng tawad sa diyos. Humayo na kayong dalawa at wag pabayaan ang isa't-isa. Levi, hijo, ingatan mo ang babaeng ipinakilala mo na sa panginoon, maliwanag? Ingatan mo sya gaya ng pag-iingat mo sa iyong ina at gawin mong aral ang mga tinuro sayo mula pagkabata. Huwag mawawalan ng respeto sa kahit na sino." nakangiting paalala ni father na syang tinanguan ko habang nakangiti.

"Opo father. Hindi ko po kakalimutan ang lahat ng sinabi ninyo. Maraming salamat po." nakangiti kong saad na syang nginitian nya lang din.

Tumango sya at muking bumaling kay Athena. "Athena, hija, wag punuin ang puso ng galit at poot. Matutong magpatawad kahit masakit ang idinulot ng mga pagsubok. Huwag mabulag sa dilim at laging manalig upang ang puso mo'y maging mapayapa. Hiling ko ang kapayapaan ng iyong pamilya. Ikinatutuwa kong maganda ang kalagayan mo ngayon. Sigurado akong ganun din ang pamilya mo. Ingatan mo ang iyong ina, anak. Wag mo syang pababayaan." nakangiting saad ni father kay Athena. Ngumiti ng maliit si Athena at tumango.

"Opo, f-father." utal na sagot ni Athena. Muking ngumiti si father at tumango.

Muli kaming nag-paalam na dalawa at lumabas ng simbahan habang magkahawak ng kamay. Hindi ko maiwasang isipin na ang simbahan na to ang magiging saksi sa pag-iisang dibdib namin ni Athena. CFU naman ang magiging saksi sa pag-kamit namin ng aming mga pangarap at lalong ang boarding house ang magiging saksi kung pano kami maging matibay na dalawa.

Napatitig ako kat Athena na maaliwalas na ang muka kesa kanina. Akala ko ay mapapatay na nya si Lowell dahil sa galit nya. Pero alam kong hindi nya yun gagawin at hindi nya yun kayang gawin.

Palaisipan pa rin sakin kung ano ang sinabi ni Lowell na ikinagalit ni Athena. Hindi magagalit ng ganun si Athena kung hindi mabigat ang kasalanan ni Lowell. At kung ano man ang sinabi nya sa girlfriend ko, hindi ko yun palalagpasin lalo na't pag nalaman kong kamanyakan ang sinabi nya.

Tumingin sakin si Athena na syang ikinalunok ko. Agad akong ngumiti habang dinadama ang pag-bilis ng tibok ng puso ko. Ngumiti din sya bago kami tumawid at mag-tungo sa plaza.

"Saan next?" nakangiting tanong nya. Ngumuso ako at pinag-buksan sya ng pinto.

"Sa mall?" patanong kong sagot. Napalunok pa ng makita ang bahagya nyang pag-tawa.

"Ba't di ka sure?" natatawang tanong nya habang papasok.

Sinarado ko ang pinto at umikot patungo sa shot gun seat. Ang weird no? Hehe. Naupo ako dun at sinarado ang pinto at nag-seatbelt.

"H-hindi ko talaga alam kung saan magandang p-pumunta kasama ka. B-baka makornihan ka sakin." nahihiyang sagot ko. Humalakhak sya na syang nakapag-palunok sakin.

Ngumuso ako at tumingin sakanya. Seryoso kaya ako! "Ma-kornihan amp." sambit nito at napailing-iling pa. Lalo akong napanguso habang nakatingin sakanya.

OPERATION: Make the Sacristan FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon