ATHENA CRIMSON'S POV:
"Artemis!" sigaw ko ng mai-set nya ang bola. Agad akong tumakbo ng mabilis at mataas na tumalon para hampasin ng malakas ang bola.
Agad kaming naka-score at dahil dun ay tapos na ang laban para namin para sa araw na to. Tatlong team ata ang nakalaban namin ngayon.
'At syempre, win streak!'
Agad na tumunog ng malakas ang buzzer ng lumapag ang bola sa side ng kalaban. Indikasyon na tapos na ang laban. Ngumiti ako ng malaki ng marinig ko ang malakas na hiyawan ng mga tao matapos naming manalo.
Pero sa kabila ng mga sigawang yon, ang kay Grayson ang pinakamasarap sa pandinig.
"ACE KO YAN!!!! AKIN YAN!!!! ANG GALING-GALING MO, LOVE!!! HUUUUU!!! I LOVE YOUUUU!!!!" sigaw ni Grayson na rinig na rinig ko. Agad akong tumingin sakanya na syang ikinangiti nya lalo habang sumisigaw pa. Kasama na nya ngayon ang mga sakristan nyang kaibigan at pati sila nagchi-cheer sakin.
Agad kong itinaas ang kamay ko at kumaway kay Grayson habang nakangiti. Agad syang namula dahil dun pero lalo lang syang ngumiti at muling sumigaw.
"I LOVE YOU!!!!" sigaw nya na lalong naging dahilan para mag-tawanan ang mga kaibigan nya at ang captain ng basketball team ng Antarazia.
"I LOVE YOU TOO!" nakangiting sigaw ko at nag-flying kiss pa bago tumakbo papunta kila coach. Agad kong narinig ang pang-aasar ni Ziona at ng mga ka-teammates namin dahil sa nakita.
Agad kaming ni-congratulate ni coach dahil sa galing namin. Well, kami pa ba? Hahaha! Chos! Yabang amp.
Marami pa syang sinabi at mga bilin. Di rin kami nakalimot mag-dasal ng sama-sama para sa pagkapanalo namin ngayon.
Sayang at hindi nakakanood si mama ng mga laro ko! Si Iris gusto ring manood kaso walang kasama. Si kuya naman busy pa rin. Psh. Ano ba ang interhigh? Para sa highschool lang ba yon? Tsh!
"Nice game, love!" nakangiting salubong sakin ni Grayson ng lumapit ako sakanya. Agad akong ngumiti pabalik at sinalubong sya ng yakap. Agad nya rin akong niyakap ng mahigpit at parang lahat ng pagod ko ay nawala dahil aa yakap nyang yon.
"Naks naman oh! After ng play may big hug! Tangina when kaya?" agad na pag-singit ni Francis sa moment namin ni Grayson. Ngumisi ako sakanya at binelatan din sya kalaunan.
"Pag inggit, pikit!" pang-aasar ko na syang ikinangiwi nya. Lumapit sya sakin at kinutusan ako ng mahina na syang ikinanguso ko.
"Harot now, iyak later!" ganti nya at dumila rin. Agad kong inabot ang noo nya at kinutusan sya ng malakas.
"Pag yang sinabi mo nag-katotoo, ikaw ang papaiyakin ko!" inis na sabi ko na tinawanan nya lang.
Mag-sasalita na dapat sya ng bigla syang tumingin kay Grayson at natigilan. Para syang namutlang ewan pero ngumisi lang.
"Exit na pala ko. May yandere dito." natatawang sabi nya at umalis para makipag-harutan sa mga dumadaan.
'Yandere?'
Tumingala ako kay Grayson at napansin ko ang malamig na tingin nya kay Francis habang nakayakap pa rin sakin. Hinila ko ang laylayan ng damit nya para napatingin sya sakin.
Agad na kumurba ang labi nya para ngumiti ng magawi ang tingin nya sakin. Ngumuso ako para sana mag-tanong ng bigla nalang nyang halikan ang labi ko.
'Oh my god!'
"Gusto mo ng tubig, love? Meron ako. Tsaka pawis ka na oh! Baka matuyuan ka nyan! Mag-punas ka na." nag-aalalang sabi nya at humiwalay sa yakap at hinawakan nalang ang kamay ko at hinila papunta sa mga bleachers.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make the Sacristan Fall
RomanceGrayson Levi Ashford is the beloved sacristan by everyone. His charismatic aura and his kindness are the reasons why every girl in their town fell in love with him. And even the notorious playgirl didn't resist his charms. This guy almost has everyt...