Chapter 23: Birthday

176 21 1
                                    

GRAYSON LEVI'S POV:

Nag-kusot ako ng mata habang nakanguso. Nag-unat ako ng katawan at bumangon. Uminom ako ng tubig at nag-stretching bago mag-tungo sa kalendaryo at lalong ngumuso.

"Birthday ko na. Pero hindi ko man lang sya naaya." mahinang bulong ko sa sarili habang malungkot.

Nag-pray ako at ng matapos ay inayos ko ang kama ko at kumuha ng damit dahil uuwi ako sa bahay. Sabado na ngayon kaya kailangan kong umuwi. Sabi ni mama agahan ko daw kaya eto, maaga akong aalis.

Athena's always busy. Kaya wala akong pagkakataong ayain sya para pumunta sa bahay dahil hindi ko na sya nakakasama ng solo. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya pero madalang nalang kaming mag-text na dalawa. Gusto ko pa naman syang ayain at dalhin sa bahay para ipakilala sa parents ko.

Wala namang magaganap na party sa bahay. I mean, simpleng handaan lang. Salo-salo kumbaga. Dadating ang mga pinsan ko, mga tita't tito ko, at mga kaibigan ko.

Sa volleyball team naman, si Chance lang at ang mga ka-teammates nila ang naimbitahan ko. Hindi ko rin nasabihan si Artemis at Aphrodite dahil lagi silang magkakasama nila Athena. Lagi silang busy sa hindi ko maintindihang dahilan.

'Naimbita ko ang mga kaibigan nya, pero sya hindi. Ayaw ko naman syang i-text lang. Gusto ko personal ko syang maimbitahan.'

Athena naman eh!

Bumuntong hininga ako at kinuha ang phone ko. Gusto ko syang ayaing lumabas bago ako umalis pero pano kung busy sya?

'Di ba pwedeng ako muna? Birthday ko naman eh.'

Bumuntong hininga ako at sinampal ang sarili sa isip. Ang selfish ko naman masyado! Mamaya importante pala talaga ang ginagawa nya eh.

Atsaka, alam kong hindi nya ko titiisin kung hindi talaga importante ang ginagawa nya. Hindi naman sa pagiging makapal ang muka pero totoo lang ang sinasabi ko. Hindi nya ko titiisin kung hindi importante ang ginagawa nya.

TO: ATHENA❤

Good morning! Nag-breakfast ka na? Busy ka pa rin ba?

Sent!

Nahiga ako saglit sa kama habang hinihintay ang message nya. Agad akong napabangon ng mag-reply sya.

FROM: ATHENA❤

Good morning, love! Nag-breakfast na ko. Atsaka, oo eh. I'm still busy. Babawi ako pag natapos na ok? Ingat sa byahe pauwi sainyo! Wag papalipas gutom!

Napangiti ako dahil sa message nya. Bahagya din akong nakaramdam ng lungkot dahil busy pa rin sya.

TO: ATHENA❤

Pero birthday ko....

Agad kong binura ang message na ise-send ko sana ay pinalitan.

TO: ATHENA❤

It's ok, love. Naiintindihan ko. Wag ka lang makipag-away ok na ko. Don't worry about me. Kakain ako palagi. Dapat ganun ka rin, ok?

Sent!

Wala pang ilang segundong na-send ang message ko ay agad na syang nakapag-reply.

FROM: ATHENA❤

I won't. Magagalit ka eh hehehe. I don't want you to be mad at me so I won't let myself join a fight. Take care yourself ok? Enjoy your day, love. ^ω^

Napangiti ako ng dahil sa message nya. Hindi ko rin napigilan ang pag-bilis ng tibok ng puso ko at ang pag-lipad ng mga paru-paro sa loob ng tyan ko. Masyado silang masaya dahil sa message ni Athena.

OPERATION: Make the Sacristan FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon