Chapter 24: Fireworks

163 20 1
                                    

GRAYSON LEVI'S POV:

"Levi! Wag mo namang itulak ng ganyan si Nissa!" singhal ni Francis at tinulungang itayo si Nissa. Napalunok ako ng mag-sink in sa utak ang ginawa ko.

Napaiwas ako ng tingin at bumuntong hininga. "I'm sorry." mahinang sambit ko at aalis na sana ng hawakan ni Nissa ulit ang pala-pulsuhan ko.

Kunot-noo kong ibinaling sakanya ang tingin ko. "Levi, please. Wag kang bulag." mahinang sabi nya sa gitna ng pag-hikbi. Bumuntong hininga ako at pinigil ang inis na nararamdaman.

Hinawakan ko ang kamay nya at inalis ang kamay nya. "Hindi ako bulag, Nissa. Hindi mo alam ang nararamdaman ko at lalong hindi mo alam kung ano ang meron samin. Tigilan mo na to." seryosong sagot ko habang nakatingin sakanya.

"Hindi mo ba naisip na masyado naman atang mabilis? Tatlong buwan ka lang nawala! Tapos pag balik mo sasabihin mong may mahal ka na? Imposible!" singhal pa nya habang nakatingin sakin. Huminga akong muli ng malalim at nag-tiim bagang.

Napakuyom ako ng kamao dahil sa ginagawa nya. Sya na mismo ang nag-sabi na tatlong buwan na kong wala. Pero hanggang ngayon, hahabulin pa rin ako?

"Nissa, walang imposible dun." seryosong sagot ko. "Lalo pa't ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. At lalong wala sa tagal ng pinagsamahan yan. Nasa nararamdaman yan Nissa." muli pang dagdag ko habang kunot-noong nakatingin sakanya.

Tumingin ako kay Francis na napapalunok lang habang nakatingin sakin. Iniwas ko ang tingin sakanya at tumingin kay Nissa. "Sayo na mismo nanggaling na tatlong buwan akong nawala. Sana ginamit mo ang tatlong buwan na yon para tumingin sa iba." seryoso at mahinahon pang sambit ko na syang ikinatigil nya.

"Hindi lang ako ang lalaki sa mundo, Nissa. At kung totoong mahal mo ko, hindi mo gagawin ang bagay na to. Kung totoong mahal mo ko, dapat handa kang tumigil lalo na't kung alam mong hindi naman ako masaya sayo." dugtong ko pa. "At bago ka magmahal ng iba. Mahalin mo muna ang sarili mo."

Inalis ko ang tingin sakanya at tumingin kay Francis. "Sorry." mahinang sambit ko. Tumango lang sya at hinawakan si Nissa sa balikat at inalalayan palayo.

Inalis ko ang tingin sakanila at humingi ng tawad ng makitang lahat sila ay napatigil ng dahil sa nangyari. Nasira ang party para sa birthday ko. Lalo lang ako ng nakaramdam ng lungkot ng dahil dun.

Lumapit si mama at papa at humingi rin ng tawad. Sinubukan namang ibalik ni kuya ang kaninang mood ng party at nag-tagumpay naman sya. Muling naging maingay ang party pero hidni ko magawang mag-saya.

Nang lahat ay may kanya-kanya ng ginagawa ay tumingin ako sa paligid para tumakas. Nakita ko si Chance at ang buong volleyball team na seryosong nag-iinuman habang kasama ang team namin.

Bumuntong hininga ako at hawak ang phone ko't pumasok sa loob. Pumanik ako sa taas at pumasok sa kwarto at doon nag-mukmok.

Hindi ko alam kung pano ko sasabihin o ipapaliwanag kay Athena ang nangyari. Kahit hindi nya malaman o walang mag-sabi ay hindi ko pa rin kayang mag-sinungaling o itago sakanya ang bagay na yon. Ayokong malaman nya pero ayoko ring malaman nya pa sa iba.

Nandyan si Chance. Ang buong team ng volleyball at basketball team. Siguradong pag-uusapan ang nangyari kanina sa Interhigh lalo pa't nakita rin yun ng mga kaibigan ko at ng dating team ko.

Muli akong bumuntong hininga at inalis ang sapatos ko. Itinaas ko ang paa sa kama at niyakap ang tuhod ko. Binuksan ko ang phone ko at tinitigan ang picture naming dalawa ni Athena.

Nagi-guilty ako. Iisipin ko palang na titingin sya sakin ng sobrang lamig at mangingilid ang luha habang nakatingin sakin eh hindi ko na kaya. Ako mismo ang nasasaktan. Ako mismo ang nadudurog dahil sa nangyari.

OPERATION: Make the Sacristan FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon