ATHENA CRIMSON'S POV:
Natapos ang laro nila Remson at bumaba na kami nila Artemis kasama sila Grayson ng matapos. Agad syang lumapit sakin habang malaki ang ngisi.
"So, how's my play, ace?" nakangising tanong nya sakin. Agad akong nag-thumbs up at ngumiti ng malaki.
"Magaling! Sobra! Walang kupas!" sabi ko habang malaki ang ngiti.
"Yeah. Ang galing mo nga. Siguradong mananalo ang school natin sa interhigh dahil nandyan ka." sabi ni Artemis kaya napatingin ako sakanya. Nakita ko syabg nakatingala kay Remson habang nakangiti.
"Lampasuhin nyo lahat. Talunin nyo lahat. Wag mo sanang sayangin ang pag-titiis ni Athena para lang maibalik ka sa team nyo." blunt na sabi ni Aphrodite. Agad syang siniko ni Artemis para manahimik.
Napalunok ako dahil dun. "Thank you, girls." sabi ni Remson at bumuntong hininga. "Especially you, Athena. Thank you." sabi ni Remson. Muli akong napatingin sakanya. Ngumiti ako at tinapik ang balikat nya.
"You're welcome, Remson." sabi ko at muling ngumiti. Ngumiti sya pabalik at bumuntong hininga.
'Ginawa ko rin ang bagay na yon para makalayo na sayo. Baka parehas ko lang kayong masaktan ni Grayson.'
Nagulat ako ng biglang pumulupot ang braso nya sa bewang ko. Nanlaki ang mga mata ko at agad na kinabahan. Napahawak ako sa braso nyang pawisan habang sya naman ay nakayakap lang sakin ng mahigpit.
"O-oy!" gulat na tanong ko. Kinakabahan dahil nasa likuran ko si Grayson. At, maraming nakakakita! Baka mamaya ay iba ang isipin nila!
"I'm just happy. Tinupad mo yung sinabi mo at nanuod ka pa ng game ko. You never failed to make me happy, Athena." mahinang bulong nito habang nakasubsob ang muka sa leeg ko.
Napalunok ako at parang na-estatwa. Tumawa ako ng pilit kahit na ang awkward na ng sitwasyon ko. "A-ano ka ba! Nangako ako eh. A-atsaka, k-kailangan ka ng team." sabi ko at pilit syang tinulak.
Agad syang humiwalay sa yakap. Tumingin ako sakanya at napaiwas kang din ng makita ang lungkot at pagkapahiya sa mga mata nya.
'I'm sorry.'
"S-sorry. Nadala lang hahaha!" awkward na sabi nito habang nag-kakamot ng ulo.
Nakagat ko ang ibabang labi at nagawi ang tingin kay Aphrodite. Nakita ko syang nakakunot noo habang nakatingin sakin.
"A-ayos lang." sabi ko at umiwas ng tingin kay Aphrodite at tumingin kay Remson.
Nakatingin na sya sakin ng ibaling ko sakanya ang paningin. Agad akong kinabahan pero nag-pilit sya ng ngiti at ganun din naman ang ginawa ko.
"Nga pala, is there something i can do to pay you? I mean, kahit ano. Gagawin ko." sabi nya. Pilit na pinapahaba ang usapan.
Sasagot na sana ako ng biglang mag-paalam si Aphrodite. "Excuse lang ah? May pupuntahan lang ako." sabi nito. Tumingin ako sakanya at tumango. Ganun din naman sya at tumakbo na paalis.
'San punta nun?'
Tumingin ako kay Artemis para sana mag-tanong pero agad na syang nag-kibit balikat kaya muli akong tumingin kay Remson.
"Di mo na kailangang bumawi, Ron. Ayos na saking nakabalik ka sa team." sabi ko at ngumiti muli.
"Tss. Sabihin mo na. Imposibleng walang kapalit yon." sabi nya na synag ikinairap ko.
Nag-angat ako ng tingin sakanya at agad na nahagip ng paningin ko ang piercing nya. Dalawa ang hikaw nya sa kaliwang tenga habang ang kanan naman ay wala. Muli kong ibinalik ang tingin sa muka ni Ron at nakita ko syang nakangisi na.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make the Sacristan Fall
RomantizmGrayson Levi Ashford is the beloved sacristan by everyone. His charismatic aura and his kindness are the reasons why every girl in their town fell in love with him. And even the notorious playgirl didn't resist his charms. This guy almost has everyt...