ATHENA CRIMSON'S POV:
"Bakit hindi ka umuwi?!" agad na pambungad ni Aphrodite matapos kong maligo sa cr ng unit namin.
Kunot na kunot ang noo nya na para bang malaki ang kasalanan ko. Ngumuso ako at napakamot ng ulo.
"Dun ako sa tabi ni Grayson natulog eh." sabi ko at ngumiti habang naka-peace sign.
Lalong kumunot ang noo nya habang nakatingin sakin. "Ano?! Anong ginawa nyo?!" gulat nyang tanong.
Kumunot ang noo ko at nag-taka. "Uhm, natulog? Kakasabi ko lang ah?" takang tanong ko. Umirap sya at inambaan ako. Agad akong umiwas at tumingin kay Artemis na kakalabas lang ng kwarto nya at humihikab pa.
"Morning!" pag-bati ko. Tumingin sya sakin habang pupungas-pungas pa.
"Morning." bagot nyang sagot at lumapit. Nilagpasan nya kami at nag-tungo sa cr. Wala sa sarili. Pfft.
Tumingin akong muli kay Aphrodite at ngumiti. "Walang nangyari samin, ok? Para namang di mo kami kilala! Inosente yung si Grayson----" agad nyang pinutol ang sasabihin ko at nag-tungo sa sala. Sinundan ko sya para mag-paliwanag. Para pa namang nanay to kung mag-alala.
"Lalaki pa rin sya, Athena. Lahat ng lalaki may kakayahang makabuntis! Bakla nga nagiging tatay pa eh." iritadong sabi nya. Napanguso ako at napakurap-kurap. Sabagay tama sya pero....
"Pero kilala mo ko di ba? Alam mong may sarili akong limitasyon. Babae ako Aphrodite. At kahit gano ko pa sya kamahal, hindi ako tanga para bumigay." sabi ko at humikab. Naupo sya sa sofa at umirap.
"Eh pano kung pilitin ka nya?" tanong pa nya. Bumuntong hininga ako at umiling.
"Hindi ganyan si Grayson, cap." sagot ko. Muli syang umirap at bumuntong hininga.
"Tsk. Bahala ka na nga! Basta pag ikaw Athena! Nakuuuuu!!! Kokonyatan kita ng hard!" inis talagang sabi nya na syang ikinatawa ko.
"Oo na, nay! Sorry na! Ngayon lang yun. Di na yun mauulit." sabi ko at kumain ng sinangag na nasa coffee table. May kape din hehehe.
"Siguraduhin mo lang Athena Ashford!" agad akong nabulunan ng marinig ang sinabi nya. Narinig ko ang pag-tawa nya ng makitang nabulunan ako. Agad kong inabot ang kape at ininom. Buti nalang hindi na mainit!"Ano ba yan eh!" inis kunyaring sabi ko. Natawa sya lalo dahil dun.
"Anyare sayo? Kinilig?" natatawa nyang tanong. Ngumiwi ako at umisid.
"Ewan ko sayo! Pero bet ko yan hihi!" sabi ko at kumindat pa. Napailing nalang sya at kumain nalang din.
"Artemis! Kain na." sabi ni Aphrodite. Tumingin ako kay Artemis na magulo pa ang buhok at lumapit samin. Naupo sya sa tabi ko at kinuha ang kanya.
"Itadakimasu." walang ganang sabi nya at parang robot kumain. Anak ng----
"Oy!" pag-tawag ko at dinunggol sya ng mahina. "Anyare sayo? Ok kalang?" tanong ko. Tumingin sya sakin at tumango.
"Oo. Ayos lang." walang ganang sabi nya. Napakamot ako ng ulo at tumango nalang. Di ko pwedeng pilitin yan. Baka uminit ulo sakin.
Malupit ang tira ng mood swings naming tatlo. Pag wala sa mood ang isa, wala na rin sa mood lahat hehehe. Ganun kami eh!
Tinapos ko ang pagkain dahil sabi ni Grayson aalis daw kami ng seven para makapag-simba ng 8 or 9. Dun kami mag-sisimba sa simbahan kung saan sya nagse-serve. Ang alam ko nag-paalam syang hindi daw muna sya makapapag-serve dahil magde-date daw kami. Magsi-simba naman daw kami eh.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make the Sacristan Fall
RomanceGrayson Levi Ashford is the beloved sacristan by everyone. His charismatic aura and his kindness are the reasons why every girl in their town fell in love with him. And even the notorious playgirl didn't resist his charms. This guy almost has everyt...