ATHENA CRIMSON'S POV:
Tanghali na at gaya ng napag-usapan ay ngayon kami haharap sa mga estudyanteng magta-try out mamayang hapon. Yung mga estudyanteng gustong sumali.
Dala ang lunch box kong may laman'g pagkain, nag-lalakad kami nila Aphro at Artemis papunta sa school gymnasium dahil dun muna kami mag-eentertain ng mga gustong sumali. Dito rin magta-try out kung sakali.
Masyadong malawak ang sports complex at baka mamaya eh hindi naman marami ang pupunta. Sayang lang sa oras lalo pa't malayo ang sports complex.
Sa tabi ng sports complex ay ang mga dorms naming mga players. Magka-bukod ang sa boys and girls at hindi ganun karami ang mga unit dun. Hindi marami, pero malaki.
Nasa iisang dorm kami ni Artemis, Aphrodite at Ziona. Kaya close na close din kami ng libero namin dahil parehas kaming siraulo.
Binuksan ni Aphrodite ang pinto at pumasok na kami. Nakita ko ang ilang mga players namin na nakaupo sa mga benches at kumakaway samin. Kumaway din ako at ngumiti naman si Artemis.
May isang mahabang table dito na mukang hinanda na rin nila. Kahit kelan talaga, maaasahan ang mga junior namin hihihihi.
Tatlo ang grade 10 dito sa team namin. Ako, si Aphro, at si Artemis lang. Sa grade 9 naman ay tatlo rin. Si Ziona, si Shanon, at si Ylona. Sa grade 8 ay may tatlo rin kaming players na sina Loreina, Keycee, at Crizana.
Ang tatlo namang players na umalis ay puro senior na. Sana man lang nanatili sila hanggang matapos ang highschool. Maiintindihan namin kung magku-quit na sila sa team pag college na sila.
'Syempre bawal na yun eh! Kaya nga highschool volleyball team!'
Hindi ko nga lang alam kung ganon din ba ang ginagawa nila Paulito ngayon. Umalis din kasi ang mga senior high na nilang mga players. Lima pa naman yun. Dagdag pa si Ronald na sinipa nila paalis sa team.
"Anong oras na?" tanong ni Aphro. Tumingin ako sakanya at nakaupo na sya sa isa sa mga foldable chairs.
Tumingin ako sa relo kong suot at tinignan ang oras. Eksaktong 12:00 o clock na pala. Nag-angat ako ng tingin kay Aphro at nakatingin na sya sakin ngayon ng nakataas ang kilay.
"Alas balat bago mag-alas buto." sagot ko habang inosenteng nakatingin sakanya.
Napakurap-kurap ako ng makitang biglang umapoy ang paligid ng katawan nya. De joke lang. Yung invisible na achuchu para ipakitang galit na sya agad?
'Hihihihi! Pikunin!'
"Captain." pag-tawag ni Shanon kay Aphro at nag-abot ng bola. Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa nya.
"H-hoy! Maduya ka!" singhal ko pero tumawa lang si Shanon at naupo na rin sa isa sa mga upuan.
"Ano nga ulit yun, Athena?" pang-gigigil na tanong nya. Napangiwi ako at napalunok. Lagot!
"Waaaaaaa!!!!" tili ko at tumakbo papunta kay Artemis para mag-tago. Para kung sakaling ibato ni Aphrodite ang bola ay hindi ako ang tatamaan.
'Sakit pa naman mambato nito.'
"A-aray! Umalis ka nga dyan!" pag-papaalis sakin ni Artemis dahil nahihila ko ang uniform nya.
"Ehhh!!! Mambabato si Aphrodite oh! Pag ako namatay, kayo may kasalanan!" sabi ko at ngumuso at yumuko pa para lang mag-tago.
'Ke-liit-liit kasi eh! Hays.'
"Eh di mamatay ka! Ikaw may kasalanan nun eh! Bitaw na nga! Baka ako abg matamaan!" singhal pa nya pero hindi pa rin ako bumitaw at ngumuso lang lalo.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make the Sacristan Fall
RomanceGrayson Levi Ashford is the beloved sacristan by everyone. His charismatic aura and his kindness are the reasons why every girl in their town fell in love with him. And even the notorious playgirl didn't resist his charms. This guy almost has everyt...