Chapter 6: Recruit

263 23 3
                                    

ATHENA CRIMSON'S POV:

"Hoy! Tara nood tayo!" sabi ni Artemis at kinatok pa ang pinto ng kwarto ko. Bagot akong nag-mulat ng mata at humikab.

"Ng ano?" tanong ko at kinuha ang phone ko. Ngumuso ako ng makitang alas siete pa lang ng gabi.

"Anime malamang! Tara! Sabi ni Aphrodite manuod daw tayo dahil malapit na ang simula ng practice natin sa volley." sabi ni Artemis. Umupo ako at sa kama at tumingin sa salamin na nandito. Kinusot ko ang mata ko at inayos ng kaunti ang buhok ko.

"Okey! May ice cream ba tayo dyan?" tanong ko at nag-unat na ng katawan.

"Oo. Kumuha ka nalang." sabi nya. Muli akong humikab at kinuha ang phone ko at lumabas na ng kwarto.

Nakaupo na si Artemis sa sofa habang may hawak na bola at nilalaro pa yun. Tumingin sakin si Aphrodite na nakatayo at sinalpak ang flash drive nyang may lamang mga anime.

"Good evening!" bagot na pag-bati ko sakanila at muling humikab.

"Psh! Sarap buhay mo eh no? Kain tulog lang." nakangiwing sermon ni Aphrodite.

Alam nyo readers? Nakakarindi na nga ang bunganga ni mama at kuya tapos dadagdag pa tong si Aphrodite. Minsan iniisip ko kung may sabwatan bang nagaganap sa pagitan ng tatlong yun eh.

Ngumiwi ako at nag-kamot ng ulo. "Ayos lang yun! Para hayahay!" sabi ko at tumakbo na patungo sa cr.

"Gago!" sigaw nya na syang tinawanan ko lang. Pikunin sya masyado. Kaya amg sarap nyang asarin eh.

Si Artemis naman, minsan ko lang syang maasar. Hindi palagi. Kung hindi kami magsa-sabwatan na inisin si Aphrodite ay makikipag-barahan nalang kami sa isa't-isa. Ganun ang routine namin.

Napangiti ako ng maalalang malapit na pala kaming mag-practice. Oh my god! Excited na ko!!! Nami-miss ko ng paluin ang mga bola'ng tino-toss ni Artemis sakin.

Kami kasi ang starting point sa mga match. May mga kailangan pa kaming ayusin lalo na sa timing namin pero kaya naman yung ayusin.

Si Ziona ang pinaka-magaling na libero ng team. Nakakahanga kapag nise-save nya ang bola'ng malapit ng lumapag sa side namin. Hindi ko alam kung pano nya nagagawang gumalaw ng mabilis.

Ilang araw na rin ang nakakalipas simula ng i-reject ako ni Grayson. But who cares? Hahaha! This is the thrill! Hindi ko akalaing bukod sa volleyball at anime ay makakaramdam din ako ng ganitong excitement sa iba.

He's my classmate and also my crush. Who cares kung crush ko sya dahil ang gwapo nya? Ganun naman talaga di ba? Girls are attracted to physical appearance but girls aren't easily fall. Hindi ko alam kung applicable ba yun sa lahat pero kapag kasi may crush ako ay hindi ko sinasabi sa sariling gusto ko sya o mahal ko sya. Crush is crush. Yun lang.

And this is the first time that someone rejects me. Kadalasan kasi ay hilig nila kong i-crushback. Why? Because of my popularity. My looks, and my skills. Ayoko ng ganon. Nasan ang thrill kung ganon?

Kumbaga sa volleyball ay unang set palang, panalo na ako at nalampaso ko na sya sa court.

Ayoko ng ganon. Ayoko ng easy to get. Hindi rin ako nag-eenjoy sa ganon. Parang lalaki lang ako na nag-hahanap ng isang babae na hindi madaling makuha. Yung challenging?

Kaya nga ko naging interesado sa volleyball eh. In this game, you can't let the ball to fall in your side. Dapat sa kabila para maka-score. Full of thrills ang laro'ng to. At hindi rin ako naniniwalang pag madaling makuha, mag-tatagal o di kaya'y hindi panliligaw ang pinapatagal, dapat relasyon. Pfft. Pathetics.

OPERATION: Make the Sacristan FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon