Chapter 25: Relationship

195 23 1
                                    

ATHENA CRIMSON'S POV:

I kissed him back while my eyes are closed. His arms wrapped tightly on my waist like he doesn't want to lose me.

My heart wasn't stopping from beating so fast. This is the first time he kissed me on my lips. And this kiss is the longest kiss we shared together.

Dahan-dahan nyang inilayo ang labi nya sa labi ko kaya dahan-dahan akong napamulat ng mata. Nakaramdam ako ng hiya ng makitang nakatitig na sya. Nakagat ko ang ibabang labi at napaiwas ng tingin.

Bahagya syang tumawa at pinaharap ako sakanya. Magkaharap na ang katawan naming dalawa habang nakatitig sa isa't-isa. Nasa bewang ko pa rin ang mga braso nya na para bang mawawala ako sakanya.

Ngumiti sya na lalong nakapag-pabilis ng tibok ng puso ko. Dinama ko ang nararamdaman kong saya habang nakatitig sakanya.

Ngumiti ako't hinawakan ang pisngi nya. Pinag-dikit nya ang noo naming dalawa at lalo akong niyakap. Hinaplos ng daliri ko ang pisngi nya habang nakatitig sakanya.

"I can't imagine that my birthday would be so perfect." paunang salita nya. Natawa ako't tinitigan ang bawat sulok ng muka nya.

"Ikaw ba naman mahalin ng isang Athena Fryxell eh sinong hindi nakakaramdam ng ganyan?" mayabang kong saad na syang ikinatawa nya. Natawa din ako ng bahagya pero hindi ko nagawang alisin ang tingin ko sakanya.

"Mm. Tama ka. Ikaw ba naman kasi mahalin ng isang ace player na sikat sa buong Pilipinas na nung una puro laro lang ang gusto tapos biglang nagkaganito? I'm so blessed, Athena. So blessed." nakangiting sagot nya na syang ikinangiti ko lalo.

Di ko rin inaasahan na ganito rin ang mangyayari eh. Ang alam ko lang nung una, gusto ko syang mahulog sakin. Para sakin isa syang laro na mahirap ipanalo. Isang trophy na mahirap makuha kaya tinuon ko ang atensyon ko sakanya. Kung pano ko sya makukuha. Kung pano sya mahuhulog. At kung pano nya ko mamahalin.

Yun lang ang intensyon ko, pero hindi ko akalaing ang intensyon kong yun ay may iba pa palang dahilan. Akala ko nung una gusto ko lang syang mahulog dahil ang inosente nya. Pero hindi ko inaasahang yung taong gusto ko lang mahulog noon, ay gusto ko ng ingatan ngayon.

Bumalik sa ala-ala ko lahat. Para akong nag-lakbay sa unang beses na nakilala ko sya. Sa mga banta o babala ng ibang mga estudyante sakanya na mag-ingat sakin dahil kakaiba daw akong mag-laro at madali akong mawalan ng interes.

Sa mga payo ni kuya, mama, ng mga kaibigan ko, at ni kuya Greige ako natauhan. Oo, natauhan ako dahil sa mga sinasabi nila. Napapaisip ako kung sa oras bang iwasan ko si Grayson eh magiging masaya ba ko? Sa oras ba na mahulog na nga ng tuluyan si Grayson at nakuha ko na ang gusto ko, tunay nga ba kong sasaya dahil nahulog na yung tao?

Dun ako tunay na napaisip. Laro lang ba o seryoso na? Biro lang ba o totoo na? Nakakalito. Hindi naman ito ang plano ko pero bakit maski ang laro ko ay hindi kumampi sakin? Oo nanalo ako. Nagawa ko nga syang pahulugin, pero bakit maski ako nahulog na rin?

Aside from my brother and Gio, wala ng nakapagparamdam sakin importante ako. I'm pertaining about the guys I know, ok? Sila Artemis, alam kong mahal rin nila ko. Mahal na mahal nila ko na maski pag may mali ako isasampal nila yun sakin. Kaya nga nag-taka ako kung bakit hindi man lang nila ko sapilitang pinatigil ng targetin ko si Grayson eh. Alam kong gagawa sila ng paraan para patigilin ako kahit na ayaw ko lalo pa't alam nila ang intensyon ko. Pero nakakapagtaka ang ginawa nilang wala silang ginawa.

Grayson is the only guy who knows how to respect girls and women. He knows how to be gentleman, he cared about the others feelings, and he's selfless. He's always smiling if he's happy, embarrass, sad, insulted, and angry. He hid his real feeling through his smile. And that's the reason why he's unique.

OPERATION: Make the Sacristan FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon