ATHENA CRIMSON'S POV:
"ATEEEEEE!!!" napabalikwas ako ng bangon ng makarinig na malakas na sigaw. Putcha mas malakas pa ang sigaw nun kesa sa alarm clock ko ah?!
"The heck, Iris?!" inis na tanong ko at sinapo ng dalawang kamay ang noo. Ang sakit ng ulo ko!
"Gising na! Nakahanda na ang breakfast!" sigaw pa nya. Umirap ako at sumigaw pabalik.
"Fine!" inis na sagot ko at muling bumalik sa pag-kakahiga.
"ATTEEEEEE!!!!" fuck. Fuck. Fuck! Tangina naman ni Iris oh!
"Eto na!" inis na sigaw ko at binato ang unan na niyayakap ko kanina sa pinto.
"Hihihihi!" rinig kong hagikhik nya na syang ikinairap ko.
'Letse!'
Pumikit ako ng mariin at hinilot ang sintido. Taena ang sakit! Ano bang nangyari kahapon? Bakit ba ang sakit ng ulo ko? Hindi ba't kasama ko si Chadler at ang mga barkada nya? Tapos? Ano ng nangyari?
Umiling-iling ako at huminga ng malalim bago muling mag-mulat ng mata. Sakit ap rin ng ulo ko amp.
Kinuha ko nalang ang phone ko sa side table ng kama ko at binuksan yun. Ni-type ko ang password nun at ng mabuksan ay napangiwi ako ng Makita ang tadtad na message ng mga kaibigan ko. May message din si Camesty.
FROM: APHRODIRTY
Putangina ka, Athena! Humanda ka samin ni Artemis pag nag-pakita ka samin! Tangina mo talagang babae ka!
Napangiwi ako ng mabasa ang message nya. Inaano ko ba nag babaeng to? Parang baliw amp.
"Abnoy." bulong ko sa sarili at hindi pinansin ang message nya. Ni-back ko yun at binuksan naman ang message ni Artemis sakin.
FROM: ARTEMISO
Lagot ka kay Aphrodite! Anong kagaguhan na naman ang ginawa mo kahapon ha?
Message nya. Ano bang ginawa ko? Sa pag-kakaalam ko ay uminom lang naman kami. Yun lang! Di konga sigurado kung nalasing ba ko o hindi eh.
Hindi ko nalang din yun sinagot at yung kay Camesty naman ang binasa.
FROM: CAMELSTY
Tita is really angry at you, Athena. Lagot ka talaga! Kung ako sayo, umalis ka na dyan sa house nyo kung ayaw mong mabato ng sandok.
Lalong kumunot ang noo ko ng mabasa yun. At pati si mama nadamay na rin ah? Mga abnoy talaga amp.
Umiling nalang ako at tumayo na. Nag-unat-unat ako at tumalon-talon. Baka sakaling magising ang diwa ko. Punyeta naman kasi eh.
"Huuuuu!!" buntong hininga ko at tumingin sa kalendaryo. Oh? Di ko akalaing May 26 na pala ngayon. Ngayon na pala ko aalis ng Bahay.
Nag-tungo ako sa cabinet ko at nag-labas na rin ng mga maleta. Dalawang maleta at dalawang duffel bag. Hindi ko pa naaayos to kahapon dahil nag-kayayaan kaming uminom. Sumama ako dahil wala naman akong ginawa sa Bahay.
Nag-lagay ako ng mga damit na pang-Bahay, pang-tulog, pang-alis at pati na rin ang mga undergarments. Kulang nalang ay ilagay ko na ditto lahat. Pero hindi pwede. May balak pa naman akong bumalik ano!
Nga pala, kanina nyo pa binabasa ang point of view ko tapos di nyo pa ko kilala. Hays. Kaso, wag na kaya kong mag-pakilala ano? Nakakatamad eh.
Aphrodite: Mag-pakilala ka siraulo!
*Irap* Oo na! Layas na sa pov ko!
I'm Athena Crimson Fryxell. 16 years old at kasalukuyang nabubuhay sa mundo ng mga tao. Sana sa anime world nalang ako napunta para masaya. Psh. Grade 10 student (pag nakapag-enrol) at may dalawang kapatid na siraulo. Yung isa nakilala nyo na. Yung gumising sakin parang tanga.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make the Sacristan Fall
Roman d'amourGrayson Levi Ashford is the beloved sacristan by everyone. His charismatic aura and his kindness are the reasons why every girl in their town fell in love with him. And even the notorious playgirl didn't resist his charms. This guy almost has everyt...