Chapter 1: Meeting Her

528 37 2
                                    

GRAYSON LEVI'S POV:

Hi, readers! I'm Grayson Levi Ashford. 16 years old at ang dakilang goodboy na sinasabi nila.

'Wews. Good boy daw.'

"Peace be with you." sabi ni father. Nag-mano ako sa mga sister na nasa likuran naming at nag-peace sign naman kami sa mga choir na nasa gilid ng simbahan at nakipag-fist bump naman ako sa mga kapwa ko sakristan.

Oo. Sakristan ako. Sabi nila ako daw ang pinakamabait na sakristan dito. Pero syempre, di ako naniniwala. May mga bad sides din naman ako pero hindi ako nag-mumura gaya ng iba. Nakakairita masyado pag nakakarinig ako ng mga mura. Pero dahil mga pala-mura ang mga kaibigan ko, nasanay nalang ako sa kanila.

"Levi, may nanliligaw na naman sayo?" tanong ni Francis. Kaibigan ko at sakristan din.

"Huh? Wala naman. Nag-confess lang si Ria ng nararamdaman nya." sabi ko habang naka-tingin sa harapan.

"Tsk tsk tsk. Grabe! Iba talaga karisma mo pagdating sa mga babae no? Tinulungan mo lang yun magbuhat ng libro di ba?" tanong nya. Tumango ako bilang sagot.

Sa pagkaka-alala ko, si Ria yung kaklase namin na tinulungan ko magbuhat ng libro dahil nahihirapan sya. Parang nerd sya kung tawagin? Sya kasi ang inutusan ng teacher naming kaya tinulungan ko na. Ang dami kayang books nun. Pero, nung nakaraang buwan pa ata yun ah?

'Pero sana yung tinatawag nyang karisma ko sa mga babae eh gumana sa babaeng kumakanta nung nakaraang linggo.'

Napangiti ako ng maalala ko sya. Sana pala ni-record ko ang pag-kanta nya.

"Oo. Di ko nga alam kung pano nya nasabing mahal nya ko, samantalang isang beses lang namang nangyari yun." sabi ko at naguguluhan pa rin. Pero pinag-sawalang bahala ko nalang at sinabing maging magkaibigan nalang kami.

Sa edad kong to ay wala pa kong babaeng nagugustuhan o kahit nagiging crush man lang. Sabi ng mga babaeng binasted ko eh bakla daw ako. Hindi ko nalang pinapansin dahil hindi naman totoo. Kasalanan ko bang hindi ko sila gusto?

Pero ngayon? Siguro may nararamdaman na kong kaunting crush. Di ko talaga alam kung pano ko nasasabing crush ko sta samantalang boses at likuran palang naman nya ang nakikita ko.

"Wag kang nagpapaniwala sa mga ganon! Palibhasa may hinihintay ka eh." sabi nya. Kumunot ang noo ko ng marinig yun.

'Ano daw? May hinintay? Wala naman akong hinihintay. Hinahanap meron.'

"Wala naman akong hinihintay." saad ko at hinayaan nalang syang mag-salita.

"Meron yan pre! Pag ikaw nakahanap ng babaeng hindi easy to get? Nakoooo!!! Makikita mo!" sabi nya. Muling kumunot ang noo ko at tumingin na sakanya. Nakatingin na rin sya sakin habang nakangisi.

"Alin ang makikita ko?" naguguluhang tanong ko.

Ngumiwi sya at umismid na para bang ang bobo ko masyadong kausap. Hindi ko nalang yun pinansin at muling tumingin sa altar. "Boplaks naman neto! Basta, kung ayaw mong habulin ka ng mga babae, dapat di ka masyadong mabait sakanila." sabi nya. Tumango nalang ako kahit hindi ko naman gaanong naintindihan.

"Ay nakita mo na nga pala. Kaso tinakbuhan ka hahaha!" hirit pa nya. Sinamaan ko sya ng tingin dahil dun. Sya may kasalanan kung bakit tumakbo eh!

Pero teka, kasalanan ko bang mabait ako?

......

Natapos ang misa at naglabasan na ang mga tao. Pinauna naming sila dahil balak naming sa main exit lumabas. Ang main exit kasi ng simbahan ay syang main entrance na rin.

OPERATION: Make the Sacristan FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon