Chapter 39: 1st Monthsary

170 17 0
                                    

GRAYSON LEVI'S POV:

"Grayson, hijo, ngayon na darating ang makakasama mo sa unit. Maayos ba ang loob nun? Ayokong madismaya ang bagong tenant." sabi ni auntie Nori habang nakatingin sakin at nakangiti.

"Maayos naman po ang loob. Gusto nyo po bang makita? Ang kabilang kwarto naman po ay hindi ko ginalaw. Malinis pa rin naman po siguro yun." nakangiting sagot ko na syang ikinatango-tango nya.

"Sige. Papasok ako ah? Titignan ko lang ang kwarto." sabi ni auntie kaya agad akong tumango at binuksan ng malaki ang pinto.

Miyekules na ngayon at ilang araw nalang ang natitira bago ang interhigh namin. Ang bilis di ba? Parang kailangan lang ay nag-training camp kami. Tapos ngayon ay real matches na ang haharapin namin.

'At dahil sa sinabi nila Francis na makakalaban namin ang school nila ay hindi mawala-wala ang kaba at excitement sakin.'

Nung nakaraang interhigh kasi, hindi namin nakalaban ang school nila. Hindi nakasali ang school namin at yung malalapit lang na school ang nakalaban namin. Ngayon lang napasali ang school ko dati dahil nanalo kami sa interhigh. Ang alam ko ay pati ang school nila Claux at Raven ay kasali na rin sa interhigh na gaganapin ngayon.

'Kinakabahan tuloy ako. Baka mapag-usapan ang nangyari nung birthday ko. Baka magalit sakin si Athena. Or worst ay hiwalayan na nya ko!'

Wag naman sana. Ayokong mawala sya. Hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala sya.

Teka, ano kayang mangyayari pag nag-kita si Nissa at Athena? P-pano kung mag-away sila? O kay m-magsagutan? Anong gagawin ko?!

'Huhuhuhu!'

"Malinis nga ang unit mo, hijo. Ang sipag mo namang mag-linis. Maalikabok ang kabilang kwarto pero ipapalinis ko nalang yun. Ayos lang bang may pumasok sa unit mo?" nakangiting tanong ni auntie. Tumango naman ako bilang sagot.

"Ok lang naman po, auntie." sagot ko na syang ikinangiti nya.

"Sige. Ipalilinis ko na ngayon. Sandali lamang hijo." sabi ni auntie ay lumabas na. Hinayaan ko nalang na bukas ang pinti dahil papasok din naman si auntie mamaya.

Nag-tungo nalang ako sa kusina para mag-luto ng almusal ko. Kinuha ko ang apron sa gilid at nilabas ang phone ko para batiin ng magandang umaga si Athena.

TO: LOVE❤

Good morning, love! Nag-breakfast ka na?

Sent!

Nakanguso kong nilapag ang phone ko sa gilid at hinintay ang message nya. Kumuha nalang ako ng itlog at ang natiranh kanin ko kagabi ay isasanggag ko nalang.

'Damihan ko na rin siguro ano? Para sa bagong tenant. Para makakain na rin sya.'

Kumuha na rin ako ng bacon sa loob ng frige para pang-ulam. Sino kaya ang makakasama ko sa unit? Mabait kaya sya? Mahilig din kaya sya sa basketball? O sa anime? Ano kayang favorite nyang bible verse? Palasimba rin kaya sya?

Nag-kibit balikat nalang ako at nag-simulang mag-sangag. Kinuha kong muli ang phone ko para tignan kung may reply na ba si Athena.

Lalo akong napanguso ng wala pa syang reply. Tulog pa ba sya? O naliligo? Baka kumakain? Hays. Miss ko na sya agad hehe.

"Auntie naman eh! Ano ba kaseng kasalanan namin at kami pa tong pag-lilinisin mo? Tenant din kaya kami dito!" kumunot ang noo ko at napatingin sa may pinto ng marinig ko ang pamilyar na boses na yon.

'Kay Athena yun ah?'

"Kaya nga, auntie? Labag sa rules yan ah! Bawal alipinin ang mga tenant!" dinig kong reklamo rin ni Artemis na lalo kong ikinakunot noo.

OPERATION: Make the Sacristan FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon