ATHENA CRIMSON'S POV:
"Aphrodite!!!" makulit na pag-tawag ko sa kanya habang nakasunod.
Nakarating kami sa sala at nakita ko si Artemis na nakakunot noo at nakatingin samin habang may hawak na libro. Ngumiti ako nang malaki pero ngumiwi lang s'ya at muling nagbasa.
"Tigilan mo nga 'ko! Pag dating sa mga ulam ikaw na lang palagi ang nasusunod ah!" inis na singhal ni Aphrodite sa'kin habang patungo s'ya sa kusina.
"Last na nga kasi! Tinola naman! Please!! Please!!! Please!!!" makulit na pakiusap ko at ngumuso. Tumingin s'ya sa'kin nang sobrang masama na lalo ko pang ikinanguso.
'Parang tinola lang eh!'
"Magtigil! Ako naman ang masusunod sa ulam! Bukas ka na!" singhal n'ya at yumuko nang buksan n'ya ang pinto ng fridge.
"Aphrodite naman eh!!! Sige na kasi!!! Last na talaga 'to! Promise!" sabi ko at itinaas ang kaliwang kamay na para bang nanunumpa.
Sumilip s'ya sa ginagawa ko at umirap. "Kaliwa yan, gago." masungit na aniya na s'yang ikinatawa ko nang mahina. Agad kong itinaas ang kanan at ibinaba ang kaliwa nang muli s'yang tumingin sa'kin. Muli akong nagpaawa.
"Please!!!" sabi ko at nag-puppy eyes pa habang nakanguso. Umirap s'ya at bumuntong hininga. Agad na nag-liwanag ang buhay ko nang makitang mukang sumusuko na s'ya----
"Gusto ko ng sinigang na hipon ngayon. Kaya tumigil ka. Bukas na ang tinola." sagot n'ya sabay tingin sa'kin ng masama. Lalo akong ngumuso at magsasalita na sana nang unahan n'ya 'ko. "Kung gusto mo ng tinola, magluto ka!" sabi n'ya at tuluyan nang kinuha ang mga rekado para sa sinigang at kinuha na rin ang mga kailangan n'ya.
Nakanguso akong nagtungo sa sala at naupo sa sofa, sa tabi ni Artemis. Hindi n'ya 'ko pinansin at nagpatuloy lang sa pagbabasa kaya naman...
Nag-papansin ako! Mwehehehe!
'Makapang-gulo lang.'
Inihilig ko ang ulo ko sa balikat ni Artemis at nakibasa sa binabasa n'ya. Hinayaan n'ya lang ako at inilipat ang pahina ng libro.
Naging busy ako sa pakikibasa sa librong hawak n'ya. Mukang The Lord of the Rings ata 'to. Halata eh. Pag nandyan ang middle earth, alam na!
Nabasa ko na ang librong 'to pero hindi pa rin talaga nawawala ang excitement ko sa tuwing mababasa ko ulit ang librong 'to.
Tahimik akong nakibasa at hindi na nanggulo pa. Inilipat muli ni Artemis ang pahina at magbabasa na sana ako ulit nang biglang mag-ring ang phone ko.
'Ay. Istorbo naman! Nagbabasa ako eh!'
Nakangiwi akong tumingin sa phone ko dahil sa pagkainis. Ngunit agad ding napangiti nang makita ang pangalan ni Grayson sa screen. Parang biglang nagliwanag ang paligid. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko, kahit na hindi ko pa man naririnig ang boses n'ya.
'Shit! Tumatawag ang Grayson ko!'
"Grayson?" tanong ni Artemis. Inalis ko ang pagkakapatong ng ulo ko sa balikat n'ya at tumango.
"Oo. S'ya nga." sagot ko at sasagutin na sana ang tawag ng biglang bumuntong hininga si Artemis.
Agad akong napatingin sa kanya at pinag-aralan ang muka n'ya. Nagtataka ako kung bakit s'ya biglang bumuntong hininga. May problema ba?
Ako man ang pinakamagaling magsinungaling saming tatlo, s'ya naman ang pinakamagaling magtago ng nararamdaman n'ya.
"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ko. Tumingin s'ya sa'kin at tumango bago muling tumingin sa binabasa.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make the Sacristan Fall
Storie d'amoreGrayson Levi Ashford is the beloved sacristan by everyone. His charismatic aura and his kindness are the reasons why every girl in their town fell in love with him. And even the notorious playgirl didn't resist his charms. This guy almost has everyt...