ATHENA CRIMSON'S POV:
"WUUUHOOOO!!! READY NA KO SA TRAINING CAMP!!!" malakas na sigaw ko ng matapos sa pag-sasapatos.
"Hoy! Wag kang maingay." natatawang saway sakin ni Artemis kaya nakangiti akong tumingin sakanya.
"Ehhh!!! Excited na talaga ko!!" tuwang-tuwang sabi ko at tumingin pa sa relo ko.
Alas singko na ng umaga at meron kaming 30 minutes para ayusin ang mga gamit namin sa mga kanya-kanya naming dorm na para sa mga players.
"Magaling ka na ba talaga?" tanong ni cap at lumapit pa sakin. Kinapa nya ang noo at leeg ko habang ako naman ay malaki ang ngiting nakatingin sakanya.
"Oo naman! Magaling na ko! Kaya ko na ngang mag-laro ng dalawang linggo eh!" nakangiting sabi ko at kumindat pa.
Napanguso ako ng pitikin ni captain ang noo ko. Hinimas ko yun at sinamaan sya ng tingin. "Mag-pahinga ka pa rin! Kagagaling mo lang sa sakit eh." sabi nya at umismid pa. Ngumiti ako at nag-salute.
"Aye aye captain!" nakangiting sabi ko at kinuha ang dalawang duffel bag ko na may lamang mga damit, sapatos at kung ano-ano pang essentials.
Di na namin kailangang mag-dala ng bola dahil marami namang bola dun. Sigurado akong tiba-tiba na naman ang cafeteria pag nandun na ang mga players. Syempre paguran, bibili kami ng pagkain nun.
Ang libre lang talaga sa tuwing may training camp ay yung mga gagamitin naming rooms at court. Pero ang foods, energy drinks at kung ano-ano pa ay bibilhin ninyo. Pwede ring mag-dala.
'Nae-excite na talaga ko! Lalo pa't may mga schools na nadagdag. Gaya nalang nung Antarazia.'
Iga-gather pa kami mamaya bago kami mag-simula ng practice. Ilang set kaya ang magagawa namin? At anong school kaya ang una naming makakalaban? Excited na talaga ko!
"Tara na. Wala na ba kayong nakalimutan?" tanong ni captain. Tumingin ako sa paligid at umiling.
"Wala na." sagot ko at hinigpitan ang pagkakahawak sa strap ng bag ko.
"Tara na." sabi ni Artemis kaya lumabas na kami. Ni-lock ni Aphrodite ang pinto ng unit at sinigurado pa talagang naka-lock yun. Mamaya eh manakawan na kami at pag-balik namin limas na ang bahay. Wala na kaming gamit.
"Good morning." agad akong napangiti at tumingin sa likuran ko ng marinig ko ang boses ni Grayson.
"Good morning!" masayang pag-bati ko at kumaway pa habang nakangiti.
Ngumiti sya pabalik at niyakap ko. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko at lalong lumawak ang ngiti ko ng halikan nya ang noo ko."Eto na naman ang umagang puno ng harutan. Umay!" agad na komento ni Artemis at umirap. Humalakhak ako at hinampas ang braso nya.
"Pota! Umagang-umaga ang bitter mo eh no? Hayaan mo, solohin mo si Gio mamaya." nakangising pang-aasar ko na syang ikinatigil nya. Nang makabawi ay agad nya kong sinamaan ng tingin kaya nag-peace sign ako habang malaki ang ngiti.
"Anong meron kay Artemis at Chance?" takang tanong ni Grayson sabay hawak sa kamay ko.
Nakangisi akong tumingin kay Grayson at muling ibinalik ang tingin kay Artemis na namumula na ngayon. Lalo akong natawa ng pandilatan nya ko ng mata na para bang pinapahinto ako.
"Ano satingin mo, love?" nakangising tanong ko at tumingin muli kay Grayson. Agad akong hinampas ni Artemis na syang ikinatawa ko lalo.
"Wag mo ng pansinin yang babaeng yan. Hindi yan nakainom ng gamot eh." sabi ni Artemis sabay hila kay Grayson na syang ikinalaki ng mata ko.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make the Sacristan Fall
RomanceGrayson Levi Ashford is the beloved sacristan by everyone. His charismatic aura and his kindness are the reasons why every girl in their town fell in love with him. And even the notorious playgirl didn't resist his charms. This guy almost has everyt...