GRAYSON LEVI'S POV:
Napatayo ako sa kinauupuan ko habang malaki ang ngiti at hindi makapaniwala dahil sa sobrang gagaling ng mga players mg volleyball. Napanood ko ang ilang match nila sa youtube at sobrang gagaling talaga nila pero iba pala pag sa personal na.
Malakas kaming nag-cheer kay Athena at sa girls' volleyball team ng tapusin nila ang ikalawang set.
Parang nag-liwanag sa mga mata ko si Athena ng tumalon sya ng mataas at malakas na hinampas ang bola at nag-slow motion pa sa paningin ko ang pag-bagsak ng bola sa side mg kalaban.
Lahat napasinghap at napatayo ng matapos ang laban. Maski ako ay napatayo at hindi mapag-lagyan ang saya pero....
Nawala ang lahat ng saya'ng nararamdaman ko ng bumagsak si Athena matapos ang fast attack na ginawa nila ni Artemis.
"ATHENA!!!" malakas na sigaw ng mga audience at mga ka-teammates nya ng bumagsak sa sahig si Athena.
Lahat ay natigilan at hindi makagalaw. Para akong napako sa kinatatayuan ko ng makita ko syang nakahiga sa sahig at wala na atang malay.
"Athena!" malakas na sigaw ni Chance at tumakbo papunta kay Athena at sinubukan itong gisingin.
Napalunok ako at dahan-dahang bumaba sa bench. Napalunok ako habang papalapit sa kanila.
'Anong nangyari kay Athena?!'
Mabilis kong tinunton ang kinalalagyan nila at napalunok ng makita kong nakapikit si Athena at wala talagang malay. Maski ang coach at teachers na nanunuod ay nakiusisa.
"Athena! Athena!" pag-tawag ni Aphrodite at Artemis kay Athena. Lumuhod ako sa sahig at kinapa ang noo ni Athena pero maayos naman ang temperatura nya.
Tumingin ako sa may paa nya at napalunok. Kanina ko pa napapansin ang bagay na to eh.
Lumipat ako sa amy paahan nya at tinanggal ang sapatos nya. Nanginginig pa ang kamay ko habang tinatanggal ang medyas ng kanan'ng paa nya at...
"Oh my god!" gulat na sabi ng mga ka-teammates ni Athena.
Maga'ng-maga ang paa nya at nag-kukulay violet na. Matagal ang naging laro nila kaya malamang ay kanina pa nya pinipilit ang sarili nyang mag-laro at igalaw ang paa nya.
'Athena.'
Hindi na ko nag-aksaya pa ng oras at binuhat sya para madala sa clinic. Hindi ko na pinansin pa ang pagiging mabigat nya at tumayo na. Lumabas ako ng gym habang buhat-buhat si Athena na halatang kanina pa nag-titiis para lang matapos na ang laro.
'It's alright, Athena. You did a great game.'
Agad na inasikaso ng nurse si Athena at nilapatan ng first aid ang paa nito. Napalunok ako habang nakatitig sa muka ni Athena na halatang pagod.
Gusto ko syang singhalan at pagalitan dahil sa ginawa nyang pamimilit sa paa nya. Pwede naman syang hindi mag-laro! Pero bakit nya pinilit?! Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo nya?! Akala ba nya lahat magagawa nya?
Oo ace player sya, pero hindi nya kailangang pilitin ang sarili nya dahil sakanya na nga nanggaling na may tuwala sya sa iba. Pero bakit hindi man lang sya nag-sub di ba?!
Kinausap ng nurse si Aphrodite at Artemis para sa kalagayan ng kaibigan nila. Nag-sisugod din dito ang mga players pero pinalabas sila dahil masyadong marami.
Napatingin ako sa may pinto ng biglang may pumasok. Bumungad sakin ang nag-aalalang muka ni Ronald at papalabasin din sana sya ng nurse pero hindi nya yun pinansin at nag-tungo sa gawi ni Athena.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Make the Sacristan Fall
RomanceGrayson Levi Ashford is the beloved sacristan by everyone. His charismatic aura and his kindness are the reasons why every girl in their town fell in love with him. And even the notorious playgirl didn't resist his charms. This guy almost has everyt...