CHAPTER 45: Interhigh (5)

185 10 2
                                    

ATHENA CRIMSON'S POV:

Kaagad kaming humiwalay ni Grayson sa isa't-isa at naupo naman ako sa lamesa. Inayos ko ang buhok ko at tumingin sa papa ni Grayson na halatang hindi natutuwa sa nakikita.

'Malamang. Ikaw ba naman makita mo yung anak mo nakikipag-make out sa mismong bahay n'yo eh matutuwa ka ba?'

"P-pa, magpapaliwanag ako." kabadong saad ni Grayson at hinawakan pa ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya dahil dun. "K-kasalanan ko. Hindi 'yon gusto ni Athena." kabadong pagsisinungaling n'ya na s'yang ikinanlaki ng mga mata ko.

"What?! Anong hindi gusto eh----" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang biglang takpan ni Grayson ang bibig ko. Lalo akong nagulat sa ginawa n'ya.

'Pakshet ka, Grayson! Kung hindi ko yun gusto eh di sana lumpo ka na ngayon!'

"N-nabigla lang si Athena sa ginawa ko." muli pang pag tatakip n'ya sakin na para bang hindi ko talaga gusto ang ginawa namin.

Inis kong inalis ang kamay n'yang nakatakip sa bibig ko at sinamaan s'ya nang tingin nang bumaling s'ya sakin. Lalo naman s'yang kinabahan.

"Actually, tito Triton, gusto namin 'yon." walang hiyang pag-amin ko nang totoo. Umawang ang labi ni Grayson at napakurap-kurap pa habang nakatingin sakin. Inalis ko sa kanya ang tingin ko.

Bumaling ako sa papa n'ya na lalong nanggalaiti sa galit. Para tuloy gusto kong tumawa dahil sa itsura n'ya hahaha!

'Ano? Wala kang karapatang magalit.'

"At... Para sakin, wala namang masama dun lalo pa't mahal namin ang isa't-isa." sagot ko pa na lalong ikinakunot-noo ni tito Triton na hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko. "At magkarelasyon naman kami. Wala naman kaming inaapakang ibang relasyon."

"Kahit na! Mga bata pa kayo!" mariing sagot ni papa na namumula na talaga sa galit at nagbabakatan pa ang mga ugat.

"Kailan po ba ginagawa 'yon? Pag uugod-ugod na kami?" tanong ko pa. Siniko ako nang mahina ni Grayson dahil dun.

"Hindi 'yon ang pinupunto ko, Athena. Pwede ninyong gawin ang bagay na 'yan pag kasal na kayo." mariing sagot n'ya. Kumunot ang noo ko at mariing napakuyom pa ng kamao habang nakatingin sa kanya.

Pasimple ko s'yang tinignan mula ulo hanggang paa at ngumisi. Ngunit agad ko rin 'yong inalis dahil baka makita ni Grayson at magtaka.

'Coming from you huh?'

Nang makita kung ano ang naging reaksyon ko ay natutop ang bibig n'ya. Halatang napahiya s'ya dahil sa tingin ko sa kanya.

"Ahh talaga po?" kunyaring tanong ko. Hindi ko man gustong magtunog sarkastiko ay ganun na rin ang kinalabasan lalo pa't nararamdaman ko ang sarili kong galit.

'Bawal gawin 'yon hangga't hindi pa kami kasal? Eh bakit? Kayo ba ng kabit mo, kasal din?'

"Athena, calm down." mahinang saad ni Grayson na mukang nakakatunog na sa nangyayari. Huminga ako nang malalim at ibinuga rin yon upang pakalmahin ang sarili.

'He didn't need to know, Athena. Don't ruin his family. Don't make Grayson sad.'

"I'm sorry." mahinang sagot ko at muling tumingin kay Grayson at ngumiti nang tipid. Halata man sa muka n'yang gulat pa rin s'ya sa mga nangyayari ay ngumiti rin s'ya sakin pabalik.

"Grayson, go to your room and put some clothes on." ma-awtoridad na utos ni papa na muling gumulat kay Grayson.

Nag-aalala s'yang tumingin sakin ngunit ngumiti lang ako sa kanya at tumango. As if naman pwede n'ya kong saktan dito di ba? Sino ba s'ya?

OPERATION: Make the Sacristan FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon