Chapter 48: Downfall

210 12 6
                                    

ATHENA CRIMSON'S POV:

"Is that the mistress that you chose over me?" sarkastiko habang natatawang tanong ni mama sa tatay-tatayan ni Grasyon.

Naipit ko ang aking labi at napakuyom ng kamao habang nakatingin kay mama. Muli ko na namang naalala kung gaano naghirap si mama noon nang iwanan kami ni papa. Kung gaano nasaktan ang mama ko habang nasa sinapupunan n'ya ang kapatid ko.

'Alam ko 'yang ganyang ekspresyon mo, mama. Alam kong pinipilit mong magmukang matapang sa harapan nila.'

Para hindi nila makita kung gaano kang nasasaktan habang nakikita mo sila ngayong dalawa.

Mabilis na nangilid ang luha sa mga mata ko at iniwas ang tingin ko sa mga mata ni mama. Suminghap ako at pilit na tinuyo ang luha na nangingilid na sa mga mata ko.

"Tita, sumosobra na po kayo sa pang-aakusa n'yo sa mama ko." nanlaki ang mga mata ko at gulat na muling napatingin sa harapan nang marinig ko ang boses ng taong mahal ko.

Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tumingin kay Grayson na kakalapit lang kay tita Grace. H-hindi ko inaasahang makikita ko s'ya rito.

'Hindi ko alam na kanina pa s'ya nandito!'

Lalo akong nakaramdam ng takot nang malipat ang tingin ni mama kay Grayson habang nakakunot noo. Nakagat ko ang ibaba kong labi nang ako naman ang tignan ni mama gamit ang seryoso n'yang tingin. Wala pa man ay lalo na kong nadudurog dahil sa klase ng pagtingin sa'kin ni mama.

There's nothing more painful in this world than being betrayed by your own child.

"M-mama…" mahinang pag tawag ko sa aking ina na marahang umiiling habang nakatingin sa'kin. Tila hindi makapaniwala na may alam ako sa nangyayari.

"How could you…" nanginginig na saad ni mama habang nakatingin sa'kin nang mariin.

"M-mama, I'm sorry…" agad kong pag hingi ng tawad ngunit lalo lang bumalatay ang galit sa mga mata n'ya.

Muling umiling si mama at iniwas sa'kin ang tingin. Dumeretso iyon kay Grayson na hindi pa rin maintindihan ang nangyayari.

"Sinadya mo 'to, hindi ba? Sinadya mo 'to." mariing pang-aakusa ni mama kay Grayson at sinugod pa ang boyfriend ko ngunit agad ko s'yang pinigilan.

"Ma! Walang kasalanan si Grayson, ma! Please! Tumigil ka na!" mariing pag pigil ko sa aking ina na hindi man lang ako pinakikinggan.

"No, Athena! Tigilan mo ang kakatanggol sa hayop na 'to! Siguradong sinadya n'ya 'to!" sigaw ni mama sa'kin habang pilit pa ring kumakawala sa'kin.

"MA! Stop it, please! Walang alam si Grayson! Wala s'yang kasalanan!" muli pang sigaw ko sa aking ina at pilit s'yang pinabalik sa kinatatayuan n'ya kanina.

"Ma, please… walang kasalanan si Grayson… hindi n'ya rin alam…" muli pang pakiusap ko at hinawakan nang mahigpit ang kamay ni mama.

"A-athena, ano bang nangyayari?" naguguluhang tanong ni Grayson. Muli akong huminga nang malalim at pilit na pinakalma ang aking sarili bago s'ya harapin.

Lalo akong nanghina at halos mangatog pa ang aking mga tuhod nang makita ko ang itsura ni Grayson. Punong-puno ng negatibong emosyon. Halos bumigay na 'ko nang makita kong mangilid ang luha sa mga mata n'ya.

'Fuck!'

Bakit biglang nagkaganito!?

"Yang lalaking nagpalaki sa'yo… 'yang lalaking… pinagmamalaki mong the best na tatay sa mundo…" nanghihina kong saad habang nakatingin kay Grayson. Lalong kumirot ang puso ko kasabay nang pag kurba ng labi ko para sa isang pilit na ngiti bago sabihin ang kasunod. "Ay yung tatay ko na nang-iwan samin noon." dugtong ko sa aking sinabi habang sunod-sunod na ang pagtulo ng luha sa magkabilang mata ko.

OPERATION: Make the Sacristan FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon