Chapter 7: Special

188 28 7
                                    

GRAYSON LEVI'S POV:

"Mukang sya na nga." sabi ni Athena habang nakatingin sa batang babae na nakahiga sa damuhan at pinag-lalaruan ang bola.

Tumitig ako sakanya at pinanood kung pano syang ngumisi na para bang may binabalak. Ang ganda nya. Ang ganda ganda nya kahit morena lang sya.

Bumaba ang tingin ko sa kamay kong hawak nya at agad na namula. Simula ng sabihin nyang crush nya ko ay hindi na ko mapakali. Parang pakiramdam ko eh sa bawat kilos o pag-buka ng bibig nya ay kailangan kong panoorin. Hindi ko rin alam kung pano ako magre-react o di kaya makikipag-usap sakanya pag nilalapitan nya ko at babatiin. Imbes tuloy na kausapin sya ay iniiwasan ko nalang sya.

Totoo ang sinabi ko kanina, si Chance ang may sabi na mabait daw si Athena. Mabait na siraulo sabi nya. Sabi pa nya, kung gusto ko daw patigilin si Athena sa pangungulit sakin ay sabihin ko sakanyang crush ko sya para tumigil na.

Pero ayokong mag-sinungaling. Pano kung umasa syang crush ko nga sya kahit hindi? Atsaka, pano kung hindi naman pala ganun ang mangyari? Pano kung pag sinabi kong crush ko sya ay imbes na tumigil ay hindi yun ang mangyari?

Nagulat ako ng bigla nyang pisilin ang kamay ko. Napalunok ako at muling namula dahil sa ginawa nya. Tumingin sya sakin at ngumisi. "Tara, ambush-in na natin." sabi nya at muling tumingin sa babae at hinila na ko.

'Ambush?'

Hinayaan ko nalang sya sa gusto nyang gawin at nag-patianod nalang. Ang ganda pala ng mini-garden dito. Kung ano pa yung mini yun pa yung malaki eh no?

Atsaka, ang lawak-lawak din at may mga puno na pwedeng silungan. Maganda rin siguro ang sunset dito, kaso sunrise ang makikita dito eh.

'Bakit kaya parang sumeryoso si Athena nung sabihin kong hindi ako sigurado kung hanggang sa senior high ay basketball player pa rin ako?'

Masyado bang importante sakanya ang mga sports kaya nag-kaganon sya? Pano kaya kung makakuha sya ng sports scholarship? Mag-papatuloy pa rin kaya sya?

Ang dami ko namang tanong. Hindi naman to masasagot dahil si Athena lang naman ang makakasagot ng mga tanong na yun. Hays.

Pero, hindi ko talaga akalaing sasabihin nya saking crush nya ko habang nakangiti ng malaki at para bang kaswal na kaswal lang ang sinabi nya. Yung para bang normal na sakanya ang mag-confess?

Maraming nai-kwento sakin si Chance ng minsang inaya nya kong lumabas. Oo, lumabas kaming dalawa dati. As a friend lang naman. Atsaka, hindi rin sya kilos beki nung mag-kasama kami. Para syang lalaki kung kumilos kaya naman pinag-titinginan kami.

Nung linggo ay muli akong nag-serve sa simbahan. Sakristan ako di ba? Kaya muli kaming nag-kita kita ng mga kaibigan kong sakristan at nag-kamustahan pa. Nung sabado ay umuwi ako sa bahay dahil dun ako natulog at para na rin makasama sila mama at papa.

Si kuya ay masyadong tamad para umuwi pa. Wala rin naman syang gagawin tuwing linggo at bihira lang din syang mag-simba. Ako lang ang madalas na mag-simba samin dahil nga sakristan ako. Pero kahit naman na hindi ako sakristan ay mag-sisimba pa rin ako.

Ang kalimitang napag-kwentuhan namin ng mga kaibigan ko ay ang nalalapit na interhigh. Nang sabihin ko sakanilang sa Crawford University ako nag-aaral ay halos hindi sila makapaniwala dahil bukod sa masyadong mahal ang tuition dun ay sikat din ang school na yun sa mga sports.

May pinakita nga din sila saking magazine eh. Nagulat kami ni Francis ng makita namin si Athena at ang buong girls' volleyball team doon sa sports magazine. Hindi rin sila makapaniwala na sikat pala si Athena sa larangan ng sports.

OPERATION: Make the Sacristan FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon