Chapter 28: Artemis

162 20 5
                                    

ATHENA CRIMSON'S POV:

"Ano yung sinasabi ninyo kanina? Kwento na! Panay kayo tago!" nakanguso at iritado kong saad ng maupo ako sa sofa habang may limang sundae na katabi at fries sa coffee table na nasa tray. Madami yung fries dun.

Yung sundae ay pina-deliver namin at yung sangkatutak na fries ay niluto ni Aphrodite. Naupo ang dalawa ng matapos sa ginagawa. Bumaba ako sa sofa at sa carpet nalang naupo para madaling makakuha ng fries.

Dinala ko ang limang sundae ko sa coffee table at dinudutdot dun ang fries ay kinain. Hmm! Sarap!

'Di ko nga alam kung bakit biglang nanlibre amg dalawa eh! Pampalubag loob siguro.'

Tumingin ako kay Aphrodite, sunod ay kay Artemis na kinakabahan pa rin hanggang ngayon. Paguran kami kanina sa practice at imbes na mag-pahinga na ay nag-sama-sama kami dito sa sala para makapag-usap ng maayos.

Nagawi ang tingin sakin ni Artemis at umiwas din ng tingin. Bumuntong hininga sya at tumingin kay Aphrodite.

"Mag-kwento ka na. Kung pano kayo nag-kakilala non." saad ni Artemis at kumuha ng fries at dinutdot din sa sundae nya.

Naupo din si Aphrodite sa carpet at ngumuso. "Pano ko ba uumpisahan?" kunot noong tanong nya at bumuntonh hininga.

Tumaas ang kilay ko at sumubo muna ng sundae bago sumagot. "Umpisahan mo kung pano kayo nag-kakilala nung Ares! Bakit kung makahalik sayo yun sa mall eh parang ganun-ganun nalang!" nakangiwi kong saad at sumandal sa sofa na nasa likuran ko.

Napangiwi sya at dumakot ng fries sabay subo at kinain yum lahat. See? Sinong may sabing ako lang ang matakaw? Si Aphrodite din no!

"Tsk! Akala ko pa naman ay kakalimutan nyo na ang nakita nyo!" nakangiwi nyang saad na syang ikinangiwi ko. Lul! Sinong makakalimot dun?

Di na ko nag-pahayag ng komento para mag-simula na syang mag-kwento. Muli syang bumuntong hininga at nag-kamot ng ulo bago mag-simula.

"Nangyari yun nung nag-karoon ng practice match ang school ng antarazia at crawford. Basketball team sila at hindi ko rin alam kung bakit sya tumatakbo na para bang may pinagtataguan." seryosong pagku-kwento ni Aphrodite kaya nakinig ako ng mabuti.

"Tapos, nag-lalakad na ko pabalik sa gym natin dahil inutusan ako saglit ni coach Zaya na puntahan si sir dahil ipapahanda na yung gym na gagamitin natin. Sumunod ako tapos nung pabalik na ko, biglang may humila saking lalaki papunta sa likod ng complex. Dun sa masikip na part kung saan hindi na dinadayo dahil wala namang magandang tanawin?" sabi ni Aphrodite. Tumango nalang ako dahil interesado ako sa sinasabi nya.

"Tapos nung mga oras na yon, nakaitim syang jacket at may sumbrero pa. Mukang basag-ulo dahil may nakita akong sugat sa gilid ng labi nya at may piercing din na kagaya ng kay Remson at Rosie. Hindi pa nga ko makagalaw ng una dahil nabigla ako sa biglaang pag-hila nya sakin. Sinandal nya ko sa pader nun habang nasa harap ko sya at nag-hahabol ng hininga." iniwasan ko ang mapangiti at mang-asar dahil baka ipalunok sakin ni Aphrodite ang mga french fries ng walang nguyaan. Brutal pa naman to!

At isa pa, baka hindi nya ituloy eh! Inaabangan ko yung kiss nilang dalawa! Pano kaya nakuha ng gagong yun ang first kiss ni captain? Peck lang ba? Passionate? Gentle? French?

'Fries! Yang mga utak nyo ah!'

"Tapos?" tanong ko. Kunyaring seryoso. Tumingin sakin si Aphrodite at pinag-aralan ang muka ko but I remained my cold and serious look na syang nakapag-pabuntong hininga sakanya. Nakahinga ng maluwag.

'Hehehehehehehehehehehe.'

"Tapos sumilip-silip pa sya. Nang mahimasmasan ako ay tinanong ko sya kung anong ginagawa nya. Sabi nya may humahabol daw sakanya. Binara ko sya at sininghalan pero nagulat ako ng bigla nya nalang akong halikan. Mas lalo akong nagulat ng lalo nya kong idiniin sa pader na kinasasandalan ko at lalong nilaliman ang halik nya. Hindi talaga ko makagalaw nung una. Nung kinagat ang labi ko, dun ko na sya tinulak at sinapak." buryong saad ni Aphrodite habang nakatingin sa kung saan.

OPERATION: Make the Sacristan FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon